CHAPTER THIRTY ONE :))

533 9 5
                                    

Chapter 31

"ANOOOOO?!!"-sigaw sa akin ni princess mula sa kabilang linya ng telepono. Muntik ko ng maihagis yung cellphone ko dahil sa lakas ng boses niya.! Parang ewan kasi, tiwagan ko lang naman siya para sabihin sa kanya na nandito ako ngayon sa Vigan kasi baka mag alala siya sa akin kasi gabi na. Ipinaliwanag ko na rin kung bakit ako nandito at lahat lahat ng pangyayari rito. Ikinuwento ko rin yung tungkol sa amin ni Vincent, pero bakit ganon? Gulat na gulat lang siya? Ano bang nakakagulat doon?! Siya nga 'tong excited na makipagkita ako kay Vince ngayon kaya alam kong hindi siya magugulat, pero ito ngayon siya... gulat na gulat.

"BAKLA?! WE 'DI NGA?!"-muntik ko na namang mabitawan yung cellphone ko dahil sa lakas ng boses niya. Ano bang problema niya? Anong nakakagulat sa sinabi ko? Parang tanga talaga 'tong si Princess eh.

"Hoy Princess!! Kalma lang please! Wag mo akong sisigawan ah!"-ayan ah! Siguro naman kakalma na 'tong bakla na 'to.

"PERO TOTOO NGA??!!"-Ahhhhhh!!! Binging bingi na talaga ako! Bakit ba kasi kailangan niya pa akong sigawan?!

"Tae Princess! Isang sigaw na lang at kakalimutan na kita!! Mawawalan ka na ng kaibigang maganda!"-sigaw ko. Naaasar na ako!

"Grabe ka naman Aira! Niloloko lang kita! Nagulat lang kasi talaga ako."-paliwanag niya at sa wakas! Huminahon din yung boses niya. Mabuti naman.

"Gaya nga ng sinabi ko, totoo nga lahat ng ito."

"Teka bakla? Seryoso ka ba diyan sa pag papanggap niyo?"-naging seryoso na si Princess. Yung boses niya, kumalma na at alam kong nag-aalala siya sa akin. Sa kung anong mangyayari sa akin after nito. Alam mo yung feeling na kahit katawagan mo lang siya sa cellphone, alam mo yung expression ng mukha niya dahil sa boses niya. Yun yung nararamdaman ko ngayon.

"Ah..eh, seryoso ako Princess! Tsaka magpapanggap lang naman kami eh. Tsaka Princess, alam naman natin kung gaano kabait si Vince eh, kung paano niya ako natulungan. Ito lang naman yung request niya tatanggihan ko pa ba? Siyempre kailangan ko rin naman siyang tulungan."-mahabang litanya ko sabay buntong hininga. Narinig ko lang din na nag buntong hininga siya.

"Yun na nga eh. Tutulungan mo siya. Eh, paano si Johann? Paano pag nalaman niya ito?"-hindi ko alam pero nung narinig ko yung litanyang iyon mula kay Princess nakaramdam ako ng galit sa puso ko. Biglang bumalik sa alaala ko yung mga ginawa niya sa akin. Biglang bumalik ang sakit sa puso ko. Halong emosyon ang nararamdaman ko, inis, galit, asar! Naiinis ako na naiirita! Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Princess at binitiwan niya ang mga salita na yun. Bumuntong hininga na lang ako.

"Princess, tanga ka ba? Sa tingin mo ba, sa likod ng mga ginawa niya sa akin magkakaroon pa ba ako ng paki sa kanya? I don't need his care. I don't need his decision. Wala siyang pakialam kung magkaroon man ako ng bagong boyfriend because I already erased him in my mind, in my life rather.!"-hindi ko nanapigilan ang pag patak ng luha ko. Bakit ganito? Bakit apektado pa rin ako sa break up namin ni Johann? Ay hindi, alam ko sa sarili ko na galit lang ako kay Johann kaya ako nagiging emosyonal. Tsaka tama naman ako diba? Walang siyang karapatan na manghimasok pa sa buhay ko dahil break na kami. Wala akong pakialam kung magalit man siya sa akin o hindi. He don't have any rights para pasukin pang muli ang buhay ko.

MEANT TO BE PA RIN TAYO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon