CHAPTER FIFTY THREE :))

218 3 2
                                    

Chapter 53

Parang sasabog na ang puso ko nung naglakad na siya papunta sa akin. Hindi ko na rin mapigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Tae! Bakit ganito 'to kasakit? Pinunasan ko na ang luha ko dahil ayokong makita niya ako na umiiyak. Tae talaga! Ang sakit sakit lang.

"Vince... "-hindi ako nakatingin sa kaniya pero alam kong nasa harap ko na siya. Naririnig ko rin na umiiyak siya. Tae talaga! Kahit gusto ko siyang yakapin, hindi ko magawa.

"O? Bakit ka nandito? Baka magalit yung fiancee mo."-kahit nanginginig na yung boses ko, I still manage to talk. Hindi ko inaasahan na magiging ganito ang mga mangyayari at naiinis talaga ako.

"V-vince... Let me explain, please!"-lalo pang tumulo ang luha niya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kahit gusto ko siyang i-comfort, hindi maaari! May fiancee na siya.

"No Aira. You don't need to explain. Malinaw na ang lahat."-pinilit kong ngumiti pero halatang plastik e. Hinawakan ko pa ang ulo niya bago ako tuluyang maglakad palayo sa kaniya. Pero nakaka ilang hakbang pa lang ako nung hinarangan niya ang daanan ko.

"Vince! Please, bigyan mo lang ako ng 5 minutes. Oo! 5 minutes lang para maipaliwanag ko ang lahat."-hinawakan niya ang kamay ko pero binitiwan ko siya agad. Naiinis ako! Naiinis talaga ako sa ginawa niya sa akin. Kung kaya ko lang talaga siya sigawan ngayon na ang sakit sakit ng ginawa niya, gagawin ko e. Pero hindi ko kaya. Hindi ko siya kayang sigawan.

"Hindi ko alam Aira kung maniniwala pa ako sa'yo."-mahinang sabi ko na napayuko na lang ako. Hindi ko na kasi alam kung totoo ba ang sasabihin niya o mag papalusot lang ba siya? Hindi ko alam.

"Please. 5 minutes lang vince. Ikaw na ang bahala kung maniniwala ka o hindi. Basta bigyan mo lang ako ng time para magpaliwanag. Please Vince..."-nakayuko lang ako. Hindi ko alam kung dapat ko bang pakinggan ang mga sasabihin niya. Naririnig ko siya na umiiyak pa rin at naiinis talaga ako dahil hindi ko siya mayakap. Pero, paano pala kung sabihin niya na rebound lang talaga ako? Hindi ko alam pero sana talaga hindi naman yun ang dahilan.

Nakayuko pa rin ako dahil ayoko talagang makita siyang umiiyak. Baka kasi bigla ko na lang siyang yakapin e. Hindi pwede. Mga 30 seconds wala pang nagsasalita sa amin kaya sinamantala niya na ang pagkakataon.

"Vince, I'm so sorry. I'm sorry talaga. Hindi ko naman kasi talaga ito gusto e. Mahal kita. I really love you Vince. Pinilit lang ako nila mama dahil para ito sa business namin. Gust--"-hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil nainis ako sa sinabi niya. Iniangat ko na ang ulo ko at nagkakatitigan na kami.

"Business?!"-sarcastic na sabi ko. Ikakasal siya dahil lang sa business nila? Tae naman o!

"Oo Vince. Business lang ang lah--"

"Business na lang ba ang pag-ibig ngayon? Sinaktan mo ako Aira tapos sasabihin mong business lang ang lahat? Ikakasal ka na! May fiancee ka na! Business lang ba ang lahat? Sabihin mo sa akin, yung mga I love you mo ba sa akin ay parte lang din ng business niyo? Ha?"-medyo tumaas ang boses ko nun dahil naiinis ako. Hindi kasi ako naniniwala na para lang yun sa business nila. Ang pangit kasi ng dating sa akin e. Parang sinasabi niya na binenta niya yung nararamdaman niya kay Johann. Parang dahil lang sa pera kaya niya papakasalan ang pesteng yun. Nakalimutan niya na ba ang mga ginawa ni Johann?

"I'm sorry talaga Vince. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para tanggihan si mama pero hindi ko kaya Vince. Mama ko siya. Siya ang nagbigay ng buhay sa akin at utang ko sa kaniya yun"-tuloy-tuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha niya at naiinis talaga ako dahil hindi ko iyon mapunasan gaya ng ginagawa ko noon.

"Tapos pumayag kang magpakasal kay Johann? Aira naman. Nakalimutan mo na ba ang ginawa ng tarantadong yun?"-hindi ko kasi matanggap e. Hindi pa rin kayang i-digest ng utak ko ang lahat ng mga nalaman ko ngayon.

"Vince... hinding hindi ko malilimutan ang ginawa sa akin ni Johann. Napilitan lang talaga ako. Hindi ko gusto to. Mahal na mahal kit--"

"Kung mahal mo ako, hindi mo ako lolokohin."-napatulala siya sa sinabi kong yun. Mag katingin lang kami sa isa't isa pero ako ang unang nag baba ng tingin.

"Hindi kita niloko Vince... hinding hindi."

"Pero ginawa mo na!! Niloko mo na ako!! Mag sama kayo ng fiancee mo!! Akala ko pa naman mahal mo ako! Ginawa mo lang akong rebound! Ang sakit lang kasi e. Tae yan! Sobrang sakit lang kasi ng ginawa mo sa akin e. Buong akala ko kasi mahal mo ako. Akala ko lang pala yun."-hindi ko na napigilan ang sarili ko, tumaas na ang tono ng boses ko. Nagulat siya sa akin at nagsisi agad ako kung bakit ko yun ginawa. Naiinis na kasi ako e. Hindi man lang niya ako nagawang ipaglaban sa mga magulang niya. Hindi niya nga siguro ako mahal.

"Mali ka.. mahal na mahal kit--"

"Hindi mo nga ako mahal! Hindi mo ako nagawang ipaglaban! Malinaw na sa akin ang lahat! Niloko mo ako! Niloko niyo ako!"-sinimulan ko na ulit ang paglalakad ko pero hinawakan niya ang braso ko.

"Vince. Maniwala ka sa akin. Mahal na mahal kita."-at niyakap niya ako mula sa likod ko.

"Hindi mo ako mahal Aira. Kinailangan mo lang ako para maka pag move on sa ex mo."-tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin. Pero niyakap niya ulit ako.

"No Vince. Hindi kita ginawang rebound. Totoo lahat ng nararamdaman ko sa'yo. Totoong mahal kita. Mahal na mahal kita Vince maniwala ka."-at hinigpitan niya pa ang pagkakayakap niya sa akin.

"Kung mahal mo talaga ako, hindi mo ako lolokohin. Hindi mo ako sasaktan."

"Hindi ko gustong saktan ka Vin--"

"Pero nagawa mo na! Wala na tayong magagawa Aira, nasaktan mo na ako."-at inalis ko ang pagkakayakap niya sa akin at tuluyan na akong umalis. Masakit man at labag sa loob ko, kailangan ko na siyang kalimutan.

MEANT TO BE PA RIN TAYO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon