Chapter 38
"Oh! Asaan na si Aira?"-tanong sa akin ni Michael habang tinutulungan niya akong buhatin ang mga gamit namin ni Aira sa kotse. Mga 12:30 pm na kami nakapunta rito sa Vigan at pagod na pagod na ako at nagugutom. Hindi ko alam pero bakit nakakapagod mag drive? Nakakangalay rin pala yun no?.
Hindi ko kasama si Aira ngayon dahil hinatid ko pala muna siya sa parents niya dahil medyo malapit lang pala ang business nila sa bahay namin dito. Pinakilala niya na rin ako at ayun na nga! Legal na talaga kami. Nung una naguluhan pa sila dahil bigla na lang nagpalit si Aira ng boyfriend pero nung ipinaliwanag naman ni Aira ang lahat ng nangyare at ang ginawa ni Johann sa kaniya, naintindihan naman nila agad iyon.Hindi na ako nag stay sa kanila kasi sabi ni Aira, dumiretso na muna ako rito dahil magtatagal daw siya run dahil may pag uusapan din naman daw sila ng parents niya about sa business nila eh.
"Nandoon lang sa parents niya. May pag-uusapan ata sila para sa business nila rito."-sagot ko habang naglalakad na papunta sa loob ng bahay.
"Business dito? Diba nasa Paris yung business nila?"
"Meron din sila dito."-tapos tuluyan na akong pumasok sa loob at dumiretso na sa kusina. Walang tao sa loob, hindi ko rin nakita sina lolo at lola. Asaan kaya sila?
"Ang yaman pala talaga ni Aira no?"
Hindi na ako nagsalita pa dahil nilantakan ko na agad ang pagkain na nasa harap ko. Mabuti na lang talaga at nag luto na sina lolo at lola.
"Kel, asaan pala sina lolo at lola?"-ang weird lang talaga kasi eh. Dati rati naman, kapag alam nilang pupunta ako rito. Sila ang sumasalubong sa akin. Bakit ngayon?? Haaaay. Asaan kaya sila?
"Ah sila ba? Lumabas sila kanina eh, hindi ko alam kung saan pumunta."-tapos umupo na rin siya at sinaluhan na rin ako sa pagkain.
"Ah sige. Uuwi naman siguro sila agad no? Alam naman nila na darating ako eh at tsaka, kapag hindi sila umuwi agad. Magtatampo ako no!"-tapos tumawa ako ng mahina
"Oo naman. Saglit lang naman siguro sila run. By the way tumawag pala sa akin yung papa mo kagabi. Hindi mo raw kasi sinasagot tawag niya eh."-bigla akong napatigil sa pagkain ko. Tama ba yung narinig ko? Si papa tumawag sa akin?
Biglang pumasok sa isip ko na kagabi pala ay may tumatawag sa akin. Alam kong number sa ibang bansa yun kasi ang dami eh. Akala ko kasi, prank lang yun. Hindi ko naman alam na si papa pala yun.
Nabuhayan bigla ako ng dugo. Kailan pa ba nung huli kaming nag usap ni papa? 7 Months ago? Basta ang tagal na. Sobrang na mimiss ko na kasi siya eh. Hindi siya masyadong nakakatawag o kahit man lang sa skype kasi busy siya sa pag te-training. Player din kasi siya ng tennis diba? Actually, hindi ko pa nga siya natatalo sa buong buhay ko eh. Siya lang ang nag iisang tao na kahit kailan ay hindi ko kayang talunin. At oras na matalo ko siya, baka itigil ko na ang paglalaro ng tennis.
"Talaga? Sinabi ba niya na tatawag ulit siya?"
"Ah. Oo, tatawag daw siya ng mga 3PM. Hindi ko lang alam kung anong oras yun sa kanila."
Tinignan ko ang relo ko at nakita ko na 1:30 PM na pala. Ilang oras na lang at tatawag na pala siya. Pero, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit siya tumawag sa akin ng hindi man lang ako ini-inform. Dati kasi, mag tetext muna siya sa akin or mag e-email at sasabihin niya na tatawag siya. Pero bakit parang biglaan naman ang tawag niya? Hindi naman sa ayokong tumawag siya sa akin. Nalilito lang ako kung bakit ganon? Ang weird kasi. Pero atleast makakausap ko na uli ang idol kong tatay diba?
Pagkatapos kong kumain lumabas na muna ako ng bahay dahil gusto kong magpahangin. Huhugasan ko sana yung pinagkainan ko kanina kaso ang sabi ni kel, siya na raw muna ang maghuhugas dahil alam niya raw na pagod pa ako. Hindi na ako nakipagtalo pa at ayon nga, nandito na ako sa likuran ng bahay namin. Ito kasi ang pinakagusto kong tambahayan dito eh. Bukod sa mahangin at malilim na. Nakikita ko pa ang mga halaman na dati ko pa tinanim dito at ngayon ay malalaki na. Inaalagaan pa rin kasi ito nila lola kahit na wala ako rito.
Pumunta ako sa puno ng mangga na malapit sa kinatatayuan ko. Umupo ako sa ugat nun at nag muni-muni. Nakaka relax talagang mag bakasyon sa probinsiya. Ang presko presko ng hangin. Ang sarap sa pakiramdam.
Bigla kong naalala yung pagkabata namin ni ate Angel dito. Lagi kasi kaming naglalaro rito sa likuran ng bahay ng tagu-taguan. Pag naaalala ko talaga kung paano umiyak si ate dahil nabuburot siya, natatawa lang ako eh. Paano ba naman kasi, lagi akong umaakyat sa puno ng mangga para magtago kapag taya si ate. Hindi niya ako nakikita dahil malaki ang puno ng mangga nila lola at napakarami pang sanga. Kapag umikot na siya at pumunta sa harap ng bahay, dali-dali akong bumababa at nag se-save na. Dahil parati na lang na nabuburot siya, nagalit si mama sa akin at pinagsasabihan ako na dapat daw ay magpatalo ako dahil babae raw si ate. Bata pa ako nun kaya bata pa rin ang isip ko kaya umiyak na lang ako nun. Ang daya kasi eh. Kinakampihan niya si ate. Kaya, simula nun hindi na ako nakikipaglaro kay ate. Bata pa lang naman ako nun kaya ko ginawa yun eh. Alam mo na, bata pa ang isip kaya ayaw na naiisahan. Kaya simula nun, lagi ko na lang pinapanood si papa sa tv na naglalaro ng tennis. At simula rin nun, nahiligan ko na rin ang tennis. Gusto ko rin na maglaro at irepresent ang Philippines sa ibang bansa balang araw.
~*Bzzzzzzzzt... bzzzzzzzt.
Natigil ang pag re-reminisce ko nung naramdaman kong may nag ba-vibrate sa bulsa ko. Tinignan ko ang relo ko at nakita ko na 3:15 na pala. Halos isang oras na pala akong nakatambay dito sa likuran ng bahay? At halos isang oras na rin pala akong nag reminisce.
Kinuha ko na ang cellphone ko at sinagot na ang tawag. Alam ko na kasing si papa ang tumatawag kaya agad ko itong sinagot.
"Hello pa!"-bigla kong sabi.
"Oh anak! Kamusta ka na? Kamusta na ang mama mo? May good news pala ako sa'yo!"-sunod-sunod na sabi niya.
"Ayos lang po ako. Si mama ayos lang din. Namimiss na po namin kayo. Kayo po? Kamusta na po kayo? Ano pong goodnews niyo?"-hindi ko alam pero parang iba na yung nararamdaman ko. Miss na miss ko na si papa. Alam mo yung feeling na may nawala kang bagay na importante sayo tapos bigla mong nakita? Diba napakasaya nun? Ganon ang nararamdaman ko ngayon. Napakasaya ko at narinig ko na muli ang boses ni papa. Para na akong isang bata na biglang sumaya dahil lang sa kinakain na lollipop.
"Ayos lang din ako rito. Nga pala, matutupad na ang pangarap mo anak. Makaka punta ka na rito. May nabalitaan kasi ako na may try out dito ng tennis. Ang kailangan ay 20-26 years old lang. Isa lang ang mapipili na ipanglalaban sa ibat-ibang bansa. Diba sembreak niyo naman? Pinapaayos ko na sa mama mo ang lahat ng kailangan mo para makapunta ka rito. Wag mo akong bibiguin nak ah. Sige na bye, mag te-training pa ako."-mahabang sabi niya at inend niya na yung conversation namin. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o malulungkot? Oo, masaya ako syempre kasi pangarap ko yun eh. Pero paano si Aira? Ang balak talaga namin ay isang buwan kami rito eh. Paano na yan? Ayoko siyang paasahin. Pero paano rin si papa? Ayoko naman siyang biguin. Hindi ko alam kung ano ang susundin at gagawin ko. Ayokong may masaktan sa desisiyon ko.
"Vince..."-pagkalingon ko, nakita ko si aira. Teka? Kanina pa ba siya nandiyan? Narinig niya ba lahat ng pinag usapan namin ni papa? Pero siguro hindi naman diba? Kasi pagkapaliwanag ni papa, binaba niya na ang phone. Hindi niya nga siguro narinig yun.
"Ah.. Aira kanina ka pa ba nandiyan? Dapat tinext mo ako ng nasundo kita. Kumain ka na b---"hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla na siyang tumakbo palayo.
BINABASA MO ANG
MEANT TO BE PA RIN TAYO!
RomanceTulad sa mga Romance Story na nabasa nyo na, Ang Storyang ito ay tungkol lamang sa pag-ibig :)) It is all about love :)) yun lang po wala ng iba. Ito po ay rated PG Hmmmm... Pwede na rin pong G Basta nasa sa inyo na po kung ano ba dapat itong story...