CHAPTER NINE :))

1.4K 28 2
                                    

Chapter 9 :))

 (Brayan's POV )

   Ngayon na pala yung araw ng try out ng tennis... Kaming mga Senior ang mamimili ng makakapasok... Pero, sa sobrang excited ko, ako palang ang tao dito =_= (Ang Epic diba??) Wala tuloy akong magawa dito...kaya, naglinis na lang ako... Nilinis ko lahat ng kalat na makita ko para matuwa naman sila sa akin.

      Alas Syete na pero wala pa ding dumadating na tao dito, kahit si vincent wala pa.. Well, alam ko namang mag papalate yun eh, kase alam nya sa sarili nya na magaling sya.. Actually magaling naman talaga sya eh... Sya nga yung piniling representative ng school namin na lumaban sa division eh. Ang lupit nya nga eh, Biruin mo first time nya lang na experience na lumaban tapos champion agad sya... Nag champion din sya nung Regional.. Kaso, hindi sya lumaban nung National na kase, Nagkasakit yung nanay nya kaya hindi sya nagdalawang isip na mag back-out...pero, wala namang nagalit sa kanya eh. Infact naging popular sya sa school at halos lahat proud sa kanya.

    Si Vincent yung tao na kayang gamitin yung kanan at kaliwa nyang kamay kapag naglalaro ng tennis, kaya nga ang astig nya eh. Natuto syang mag tennis dahil sa tatay nya, isang player din ng tennis yung tatay nya, Nasa ibang bansa ito ngayon dahil sya yun pinanlalaban sa ibang bansa, hindi matalo talo ni vincent yung tatay nya kaya lagi syang nag papraktis ng sobra, Sa pagkaka alam ko kaya nag tennis si vincent kasi nga gusto nyang matalo yung tatay nya, kaya siguro titigil na sya sa paglalaro kapag natalo nya na yung tatay nya dahil ayun lang naman yung goal nya.

     Magaling din naman ako, kaso kung ikukumpara ako kay vincent, magmumuka lang akong mang-mang. Pero, kahit kaylan hindi ako naging insecure sa kanya. Lagi ko nga syang pinagmamalaki eh, Proud ako sa kanya at masaya ako na naging kaibigan ko sya

( Ok, Tama na ang ganto, balik na tayo sa scene! hahaha )

   9:00 na!. Madami ng tao dito sa gym, Si vincent na lang talaga yung hinihintay. --__-- Nasaan na kaya yung baliw na yun??

"Haaaayt"- napabuntong hininga na lang ako dahil natatanaw ko na si vincent. "Finally at dumating kana"- sinigaw ko yun pero para lang syang walang narinig. Anyare kaya dun?

   Lumapit na sya sa kinauupuan ko at umupo na sya.

"Bakit ang tagal mo? kanina ka pa hinihintay ng mga tao dito ah, Saan ka ba galing?"

"Wala yun, never mind please"- masungit na sagot nya

"Per--"- hindi nya na pinatapos yung sasabihin ko dahil nag salita na sya

"Ok, yung unang dalawang mag ta-try out, please step  forward"

    Hindi ko alam kung bakit ang sungit-sungit ni vincent ngayon.. Ano kayang nakain nun? Sya pa may ganang mag-sungit eh, late naman =__=

>> Makalipas ang 30 minuto <<

"Ok, Yung huling mag lalaro please step forward na"

   Lumabas na yung huling dalawa pero, parang ang weird nung isa. Nakayuko lang sya, Ano kayang problema nun? 

MEANT TO BE PA RIN TAYO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon