Chapter 51
"Vincent!!! Waiiiiiit!!!"-napahinto na lang ako sa paglalakad ko nung narinig kong may tumawag sa akin. Nung nilingon ko kung sino yun, nakita ko si Tj. Si Tj?? Bakit siya sumunod? Nagkaproblema ba sila nila tita at kailangan ng tulong ko?
"O? Bakit ka nandito? Nagkaproblema ba?"-nagtatakang tanong ko nung naka punta na siya sa kinatatayuan ko. Mga 10 minutes na kasi simula nung naglakad ako palayo sa kanila e. Medyo malayo pa kasi yung bahay nila lola sa pinagbabaan ko e. Nagkaproblema kaya sina Michael? Pero bakit si Tj ang pinapunta niya sa akin? Pwede namang siya na lang ah.
"Wooo! Kapagod!"-tapos ginawa niyang pamaypay ang kamay niya. Grabe! Parang pagod na pagod siya, pawis na pawis kasi eh. Kanina pa ba niya ako sinusundan? Hindi ko kasi siya naririnig e.
"Oh! Punasan mo muna yung pawis mo!"-tapos iniabot ko sa kaniya yung dala kong towel. Grabe pawis na pawis siya. Hindi siya pwedeng pang probinsiya kung napapagod agad siya sa paglalakad o pagtakbo.
"Salamat! Ang dami mo namang panyo!"-hirit niya pa tapos di na siya nag-alangan na ipunas na yung towel ko sa pawis niya.
"Hindi yan panyo! Towel yan!"
"Tss. Perfectionist! ganun din yun! Arte neto!"-tapos bigla niyang binato sa akin yung towel ko! Loko talaga.
Naglakad na lang ulit ako. Mukha namang walang problema sina tito eh. Kasi kung may problema sila, ayun agad yung una niyang sasabihin. E hindi naman, kaya naglakad na ako. Kailangan ko na kasing pumunta kina lola e para ilagay na tong maleta at bag ko, tapos, diretso na ako sa bahay nila Aira.
"Oy oy oy! San ka pupunta!"-narinig kong sigaw niya.
"Pupunta na ako sa girlfriend ko!"-sigaw ko rin na hindi lumilingon sa kaniya.
"Samaaaaa koooooooo!!!!"-sigaw niya ulit. Tapos narinig ko ang mga yapak niya. Tumatakbo ata?
"Eto naman! Mangiiwan ka pala!"-sabi niya agad nung naabutan niya na ako.
"Hindi ako mang iiwan no! Nagmamadali lang talaga ako!"-hindi na kasi ako makapag hintay e. Kailangan ko na talagang makita si Aira.
"Bakit ka naman nagmamadali? Natatakot ka no??"-napahinto ako sa paglalakad ko nung sinabi niya yun at tumingin ako sa kaniya.
"Bakit naman ako matatakot??"-tanong ko tapos naglakad na ulit ako.
"Kasi... hahahaha"-tapos bigla siyang tumawa ng malakas. Haaay, may ganitong side pala ng personality si Tj. Baliw din pala 'to! Nahawa siguro 'to kay Michael! Si Michael talaga oh! Masyadong maimpluwensiya.
"Kasi ano?"-tanong ko ulit.
"Natatakot ka kasi baka mangyari rin sayo yung nangyari sa akin no? Wahahahaha"-tapos mas lalo pa siyang tumawa ng malakas. Pagkasabi niya nun, napahinto ako sa paglalakad. Ewan ko ba? Pero bigla akong kinabahan. Kung ano-ano na naman ang mga pumapasok sa isip ko. Paano nga kung parehas kami? Paano pala kung makita ko rin mamaya si Aira kasama si Johann? Ewan! Hindi naman siguro yun mangyayari no? May tiwala ako kay Aira, hindi niya yun gagawin. At isa pa pala, hinding hindi na babalikan ni Aira si Johann dahil sa ginawa nila ni Bea. Oo tama! Hindi yun gagawin ni Aira. Alam kong mahal na mahal niya ako. May tiwala ako sa kaniya at hindi niya yun gagawin.
"Tss."-tapos binilisan ko ang lakad ko. Medyo nainis din kasi ako sa kaniya eh. Ang dami ko na ngang iniisip tapos bigla pa siyang magbibiro ng ganun.
"Oy oy oy! Wait lang! Joke lang yun!! Hey Vince!!!!"-sigaw niya na naman habang tumatakbo. Bakit ganon? Para talaga siyang si Aira? Tapos medyo kaboses pa niya? Ewan! Baka masyado ko lang iniisip si Aira kaya nagiging ganito ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/7287322-288-k771818.jpg)
BINABASA MO ANG
MEANT TO BE PA RIN TAYO!
RomanceTulad sa mga Romance Story na nabasa nyo na, Ang Storyang ito ay tungkol lamang sa pag-ibig :)) It is all about love :)) yun lang po wala ng iba. Ito po ay rated PG Hmmmm... Pwede na rin pong G Basta nasa sa inyo na po kung ano ba dapat itong story...