Chapter 45
"No!!"-madiing sabi ko. Ano siya hilo? Hindi talaga ako papayag sa gusto niya! Tapos ano? pag nagpunta kami run papakilala niya akong boyfriend niya gaya ng sinabi niya kanina sa kausap niya? No way talaga! Ano na lang ang sasabihin ni Aira kapag nalaman niya na sasama ako sa isang babae na hindi ko naman talaga lubos na kilala sa isang party? Baka isipin pa niya na kaya ko siya hindi tinetext, ini-email, at tinatawagan dahil may iba na akong babae rito. Diba? Kaya hindi talaga ako sasama. Hinding hindi.
"Okay! Hihintayin na lang kita na lumabas diyan na naka brief. Okay?"-sarcastic na sabi niya at naiinis na talaga ako ng sobra. Bakit ba feeling close siya? Bakit ba siya nanggugulo? At bakit ba ang kulit kulit niya? Bwisit talaga!
"Cherry please! I'm tired of pleasing you!"-napa buntong hininga na lang ako. Hindi ko na talaga alam kung paano ko siya ma-papakiusapan. Ang gara niya talaga! Napakagaling niyang mang badtrip ng tao. Napakagaling niyang manira ng araw.
"Well if you're already tired, just say yes in my condition."-ayan na naman ang maarte niyang boses na nakaka asar! Shit talaga! Pero no! Kahit anong mangyari hindi talaga ako papayag. Alam kong kahit na hindi ako nakikita ni Aira, dapat loyal pa rin ako sa kaniya kaya hinding hindi talaga ako palayag! Lalabas na lang ako rito kahit naka brief lang basta hindi ako sasama.
Oo tama! wala na akong pakialam kung makita niya pa akong naka brief.
Inikot ko na yung knob ng pintuan at balak ko na talagang lumabas. Bahala na talaga kung makita niya akong naka brief lang, siya lang naman ang tao sa labas eh. At isa pa ito na lang naman kasi ang naiisip kong paraan eh. Wala na namang ibang way diba?
Palabas na sana ako ng bigla siyang nagsalita.
"Oh! I forgot to say that I have here my DSLR and my tripod. I assembled it earlier and I'm taping you! The moment you go outside the CR, boooom!! You already have a scandal and I am going to upload it in youtube! Okay?"-pagkarinig na pagkarinig ko nun, binawi ko na agad ang pagbukas ko ng pintuan. Shiiiit!! Ano ba talaga ang nahithit ng babae na to? Bakit napaka galing niyang manira ng magandang araw! Nakaka asar na talaga siya! Nakoooo! Na kakabadtrip talaga! Binuksan ko ng onti yung pintuan ng CR at sinilip ko kung may camera nga talaga and damn it! Meron nga! Hindi siya nagbibiro! Baliw na siya! Baliw na talaga siya!
"Cherry this isn't funny! Stop making fun of me! I'm fucking angry okay?"-this time pinarinig ko na sa kaniya kung gaano na ako naaasar sa kaniya! Nakaka banas na kasi talaga eh!
"I'm not making fun of you!"-inartehan niya na naman ang boses niya! Shit! Sobrang shit talaga! Bakit ba nangyayari sa akin to? Ngayon lang talaga ako nabadtrip sa isang babae! Nakaka inis siya! Napaka kulit!
"Please Cherry. If you're not going to give me back my clothes please, leave the house now!"-utos ko na alam ko naman na kahit na anong sabihin ko ngayon, hindi pa rin niya ako papakinggan. And I damn hate it! I really damn hate it!!
"I'm begging Vincent! Please. Please come with me."-lumiit na naman yung boses niya at naiirita na naman ako. Bakit ba kailangang paliitin niya ang boses niya? Tsaka, ang galing din nito no? Nagmamaka-awa tapos ang arte ng boses? May maaawa kaya sa kaniya kung ganiyan siya? Syempre wala!
"No!!"-pagmamatigas ko. Hindi talaga ako papayag! Hindi pa nga kami lubos na mag kakilala tapos sasama na ako sa kaniya sa isang party? Party pa talaga? Tapos ano? Pag nalasinga kami, anong mangyayari? Diba? Ganun kasi yung mga nangyayari sa mga teleserye eh. Pupunta sa party, iinom, malalasing, tapos pag gising sa umaga wala ng mga damit tapos magkatabi pa sa kama. Diba? Kaya hinding hindi ako sasama. Mas maganda ng maging futuristic no. Tsaka, prevention is better than cure! Tama!
BINABASA MO ANG
MEANT TO BE PA RIN TAYO!
RomanceTulad sa mga Romance Story na nabasa nyo na, Ang Storyang ito ay tungkol lamang sa pag-ibig :)) It is all about love :)) yun lang po wala ng iba. Ito po ay rated PG Hmmmm... Pwede na rin pong G Basta nasa sa inyo na po kung ano ba dapat itong story...