Chapter 43
(Vincent's POV)
"What?!"-sigaw ko agad nung ipinaliwanag ni papa ang gusto niyang mangyare sa akin dito sa US. Gusto kasi niyang mag focus ako sa try out ko rito at siya raw ang mag t-train sa akin. Okay lang naman sa akin yun pero ang ayoko lang ay yung sinabi niyang hanggat maaari raw ay iwasan ko raw muna ang pagtawag, pag text, at pag e-mail kay Aira. Hindi ko nga siya maintindihan eh! Bakit naging ganon? Akala ko ba gusto niya si Aira para sa akin? Pero bakit ngayon? Ang gulo!
"Why? Is there something wrong?"- Yes pa! There is something wrong on what you have said earlier. Pero hindi ko yun sa kaniya sinabi. nakatingin lang siya sa akin at seryosong seryoso siya sa mga sinabi niya.
"But Pa! Kaya ko namang mag focus sa try out ah! Bakit nadamay pa si Aira?"-totoo naman diba? Try out ko lang naman ang importante eh. Bakit ba kailangang hindi ko tawagan si Aira? Naguguluhan lang talaga kasi ako kay papa eh. Actually, ngayon lang kami hindi nag kaintindihan eh.
"Hindi naman sa ganon Vincent! All I was saying is, baka hindi ka makapag concentrate sa mga games mo."-medyo kumalma na ang boses niya pero seryoso pa rin ang mukha niya. Panong concentrate? Baka nga hindi ako makapag focus kung hindi ko maririnig ang boses ni Aira eh.
"Anong pinapalabas mo Pa? Destruction lang sa akin si Aira?!"-medyo tumaas ang boses ko nun. Totoo naman eh parang ang dating kasi sa akin ay destruction lang si Aira at parang sinasabi niya na kapag kinausap ko pa si Aira ay bigla akong matatalo sa mga games ko. Ano bang iniisip ni Papa?
"Yes she is! Makakagulo lang siya sa try out mo! Vince, iniisip ko lang ang pangarap mo!"-medyo tumaas na rin ang boses niya at yung seryoso niyang mukha kanina ay napalitan na ng galit. Pero hindi ko pa rin siya maintindihan! Paanong makakagulo si Aira sa akin? In fact, siya nga ang nagpapalakas ng loob ko sa mga bawat games ko eh. Hindi ko talaga maintindihan ngayon si papa.
"Did'nt you understand Pa? Aira is my inspiration! She is not a destruction to me!"-naiinis na rin ako. Alam kong sa buong buhay ko, ngayon ko lang siya nasagot ng ganito pero ang gara lang kasi talaga eh. Napaka unfair niya! Hindi ko makuha ang point niya. Hindi ko alam kung bakit niya ito sinasabi sa akin. Hindi ko alam.
"You will obey me! Tell her now that you are no longer going to text her, email her, and call her until the try out is over. Understand?"- at sa sinabi niyang yun, gumuho ang mundo ko. 3 Weeks? 3 weeks akong mawawalan ng communication sa babaeng mahal ko? Sa isang buwan ko rito sa US. 1 week ko lang siya nakausap? What the f! Hindi ko kaya to. Ano na lang ang mararamdaman ni Aira? Masasaktan ko na naman siya. Shit! Ang hirap pumili! At ang hindi ko maintindihan ay ang biglaang desisiyon ni papa.
"Pa! This is unfair!"-ayan na lang ang nasabi ko. Alam kong kahit na anong paliwanag ko ay desisiyon pa rin niya ang masusunod. Alam ko naman kasi na gusto niya lang akong manalo eh. Pero hindi ko alam kung bakit kailangan kong hindi kausapin si Aira para lang makapag focus ako sa mga games ko. Hindi ko maintindihan kung bakit naisip ni papa ang ideyang ito. At hindi ko gusto ang mga nangyayari ngayon.
"Vince, wag ka nang makipagtalo. Makakagulo lang si Aira sa try out mo."-tumalikod na siya sa akin at naglakad na palayo. Pero ganon na lang ba yun? Bigla kong tatapusin ang communication namin ng girlfriend ko dahil lang sa bwisit na pag focus sa lecheng try out na yun? Naiinis na ako. Nakaka asar. Wala man lang akong magawa ngayon. Shit!
Shit talaga!
"You did'nt understand me Pa!"-sigaw ko na ikinahinto ng paglalakad niya. Pagkalingon niya sa akin, galit na talaga siya. Naglakad na uli siya papunta sa akin at aaminin kong natakot ako sa kaniya. Never ko pang nakita si papa ng ganun. Pero haharapin ko ang galit na yun. Paano kung makipaghiwalay sa akin si Aira dahil lang sa unfair na desisiyon ni papa na 'to? Hindi ko kaya at hinding hindi ko kakayanin.
"Tell me Lorence, am I a good father to you?"-nagulat ako sa tanong niyang iyon. Nagulat din ako dahil first time niyang tinawag ako sa second name ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Bakit na gi-guilty ako? Tsaka bakit ba tinanong ni papa yun? Pinagdududahan niya ba ang pagmamahal ko sa kaniya? Kung ganon, mali siya. Mahal na mahal ko ang Papa ko at hindi ko kayang marinig pa ang mga ganong tanong ni papa. Feeling ko tuloy wala akong kwentang anak, bakit ganito?
"Of course Pa!"-sabi ko agad.
"Then why are you not listening to me!!"-bigla siyang sumigaw at ibinato ang hawak niyang baso sa sahig. Narinig kong nabasag iyon.Nagulat ako sa sigaw niyang iyon. Halata na sa kaniya ang inis irita at galit sa akin.
"Because you are being unfair Pa!!"-sa sobrang inis ko dahil hindi niya ako maintindihan, sinigawan ko na rin siya at bigla akong nagsisi nung ginawa ko yun. Bakit ko sinigawan ang tatay ko? Alam kong nagulat siya sa sigaw kong yun, hindi ko na kasi nakayanan eh. Napaka unfair niya talaga.
"Remember your game earlier."-nakayukom lang ang mga kamay niya at ang tono ng boses niya ay nagpipigil. Alam kong gusto niya na akong sapakin pero nagpipigil lang talaga siya. Alam ko ring nasaktan ko siya dahil first time ko lang siyang sinagot ng ganito at first time ko lang din siyang sinigawan. At sobrang nagsisisi ako sa ginawa kong iyon.
"I won the game pa!"- nakatingin lang siya sa akin at seryoso na ulit ang mukha niya. Hindi ko pa nakikita si papa na ganito, at kasalanan ko yun dahil sinagot ko siya.
"Pero muntik ka ng matalo!"-yung nangyare kanina siguro ang dahilan niya para ihinto ko ang communication namin ni Aira. Inisip niya siguro na dahil kay Aira kaya ako muntik ng matalo. At gusto kong sabihin sa kaniya na mali ang akala niya. Oo nga, muntik na akong matalo pero nanalo naman ako ah?
"Nanalo naman ako Pa ah! I won!"
"You won because of his error, not because of your ability. That is my point Vince. I need to train you because I want you to reach your dream. I am not against on Aira. I was just thinking that she destructs you! She destructs you in a way that you are not focusing on your game!"-halo halong emosyon ang naramdaman ko nung sinabi ni papa iyon. Alam kong gusto lang talaga ni papa na maabot ko ang mga pangarap ko. Sino ba naman kasing tatay ang hindi gustong maabot ng kanilang anak ang pangarap nila? Diba wala naman? At doon ko na gets ang point ni papa. Pero dapat bang madamay si Aira? Wala na akong masagot sa sinabi niyang iyon. Wala na akong magagawa. Wala na!
"Now! Tell Aira that you are no longer going to text, call, and e-mail her."-tumalikod na siya sa akin at naglakad na palayo pero bigla siyang huminto at tumingin sa akin.
"One more thing, tomorrow is your last battle. If you win, you are going to represent our country, Philippines and I want you to win that game. But if you are going to lose, you will know your punishment the moment when you go back to the Philippines."-at tuluyan na siyang umalis.
Kahit mabigat sa kalooban ko, tinext ko si Aira na hindi na ako makaka text, call, at e-mail sa kaniya. Tinanong niya kung bakit pero hindi na ako nag reply. Tinatawagan niya ako pero hindi ko sinasagot. Sunod sunod ang mga text niya pero hindi ako nagrereply. And shit! Naiinis ako! Sobrang naiinis ako sa sitwasiyon ko!
BINABASA MO ANG
MEANT TO BE PA RIN TAYO!
RomantikTulad sa mga Romance Story na nabasa nyo na, Ang Storyang ito ay tungkol lamang sa pag-ibig :)) It is all about love :)) yun lang po wala ng iba. Ito po ay rated PG Hmmmm... Pwede na rin pong G Basta nasa sa inyo na po kung ano ba dapat itong story...