Chapter 36
Pagkagising ko, nasa hospital na ako. Tinignan ko ang buong room. Walang katao-tao at sobrang nakakabingi ang katahimikan. Sinubukan kong tumayo pero hindi ko nagawa dahil nanghihina pa ako at medyo nahihilo. Bigla na lang pumasok sa isip ko ang mga nangyari kagabi at nararamdaman ko na naman na sumisikip ang dibdib ko. Nalulungkot pa rin ako sa kinahinatnan ko. Naaawa ako sa sarili ko, feeling ko isa lang akong malaking rebound. Feeling ko pinag kaisahan ako. I hate it! Naulit na namab ang nangyari dati. Iniwan na naman ako, at naramdaman ko yun sa iisang babae lamang. Siguro nga hindi kami ang para sa isa't isa. Masakit mang tanggapin pero ayun talaga ang katotohanan. Ang sakit palang manampal ng katotohanan no? Ang sakit sakit.
Nakatulala lang ako sa ceiling ng room na ito. Nag iisip, nag mu-muni muni. Ng biglang pumasok sa isip ko kung bakit ako nasa hospital ngayon. At ayun nga, naalala kong nahimatay pala ako. Pero, sino ang nagdala sa akin dito? Siya rin kaya ang tumawag sa akin kagabi? Bakit niya ako kilala? At nasaan na siya ngayon? Hindi man lang ako nakapag pasalamat sa kaniya.
Nakatulala pa rin ako nung biglang bumukas ang pintuan. Nung tinignan ko kung sino ang nagbukas, nagulat ako nung nakita ko ang nag aalalang mukha ni Aira. Paano niya nalaman na nandito ako? Wag mong sabihing, siya yung nagligtas sa akin?
"Aira, anong ginagawa mo d---"-hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla siyang tumakbo papunta sa akin. Niyakap niya ako at alam kong umiiyak siya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko at kung ano ba ang dapat sabihin. Pero, ang alam ko lang, ayokong umiiyak siya. Mas bumibigat ang puso ko kapag nakikita kong umiiyak siya.
"Don't cry Airy... Dont..."-niyakap ko na rin siya. Hindi ko alam pero parang biglang nawala ang sakit na naramdaman ko kagabi. Hindi ko alam pero sa isang yakap lang niya, bumalik ang lahat sa simula. Kahit alam kong masasaktan lang ako, hindi ko pa rin mapigilan ang nararamdaman ko. Ganiyan talaga siguro ang epekto kapag nagmahal ka na ng sobra no? Mag papakamanhid ka na lang dahil ayaw mong masaktan.
"Vince... nag--n- nagkakamali ka ng iniisip mo tungkol sa nakita mo kagabi."-utal-utal na sabi niya dahil umiiyak pa rin siya. Pero hindi ko maintindihan ang mga sinabi niya. Anong ibig sabihin nung mali ako ng iniisip sa kanila ni johann kagabi. Ibig bang sabihin, tamang hinala lang ako? Hindi ba sila ulit nag katuluyan?
"Anong ibig mong sabihin?... wag ka nang umiyak."-mahinang sabi ko habang pinupunasan ang mga luha niya. Tinanggal ko na kasi ang pag kakayakap namin sa isat isa kaya ngayon mag kaharap na kami. Hindi ko alam pero bakit namamaga na ang mga mata niya? Dahil ba yun sa kakaiyak niya??
"Vince, kaya ko niyakap si johann kagabi. Dahil tinapos ko na ang lahat ng sa amin. Nag makaawa siya sa akin. Gusto niyang mag simula ulit kami pero hindi ako pumayag."-pumapatak na naman ang mga luha niya pero this time, hindi ko na ito pinunasan. Mag kaharap lang kami at nararamdaman ko ang pag hinga niya. Nakatitig lang ako sa mga mata niya. Hindi siya magpapaliwanag sa akin ng ganito kung nagsisinungaling siya. Siguro nga tamang hinala lang ako.
"Vince... hindi ako nakipag balikan sa kaniya. Hindi ko ginawa yun dahil inisip kita. Hindi ko kayang makapagbalikan sa kaniya dahil ikaw ang mahal ko."-nagulat ako sa sinabi niyang iyon. Hindi ko alam ang magiging sagot ko. Pero, diba ito ang gusto kong marinig? Pero bakit hindi ko alam ang sasabihin at gagawin ko.?
"Aira... lets end this. Tapusin na natin to."-seryosong sabi ko na ikinagulat niya. Namumuo na naman ang luha sa gilid ng kaniyang mata at maya maya tuluyan na itong nalaglag. Tuloy tuloy lang. Walang tigil. Nakatingin lang ako sa mga mata niya, at siya naman nakatingin lang sa mga mata ko.
"Tapusin na natin ito Aira at magsimula ulit tayo. Ayoko ng magpanggap na tayo dahil ang gusto ko talaga, maging tayo ulit. Ayoko ko ng itago ang nararamdaman ko."-sa sinabi kong iyon, nanlaki ang mga mata niya at bigla akong niyakap. Isang mahigpit na yakap.
"Sige. Vince... magsimula ulita tayo!"-narinig kong sabi niya. Mas lalo niya pa akong niyakap ng mahigpit na parang dinadaganan niya na ako. Alam kong hindi na siya umiiyak dahil masaya na siya.
"A... aray, aray babe!"-sabi ko. Nakalimutan ko pala na naka dextrose pala ako. Agd agad naman niyang tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin.
"So.. sorry babe! Nadala lang."-tapos niyakap niya na ulit ako pero iniwas niyang matamaan ang kamay ko na naka dextrose. Hinigpitan niya uli ang pagkakayakap niya sa akin. Ano bang meron ang babae na to at ang lakas mangyakap? Nakakakilig na ah. Hahaha.
"Hindi na ako makahinga babe."
"Hayaan mo na. Masaya lang talaga ako at tayo na ulit."-tapos parang dinaganan niya na ako. Ang bigat pala ni aira.
Nasa ganong posisiyon kami nung biglang bumukas ang pintuan at pumasok si mama. Nanlaki ang mata niya sa nakita niya.
"Juice ko lord!!"-tapos nag sign of the cross siya. Medyo natawa ako sa ginawa ni mama na iyon. Tamang hinala rin pala siya. May pinagmanahan pala ako.
Agad agad namang tinanggal ni Aira ang pagkakayakap niya sa akin at tumayo. Nakita kong pulang pula na ang mukha niya sa hiya.
"Ano ba ang ginagawa niyong mga bata kayo??"-hindi pa rin nagbabago ang reaksiyon ni mama. Yung reaksiyon niya, para talagang nahuli niya kami ni Aira na nag so-something talaga eh. Yakap pa lang yan ah. What more kung makita niya kaming mag kiss?
"Ma, wala kaming ginagawang masama ah. Niyayakap lang ako ng girlfriend ko."-medyo nilakasan ko ang pagkasabi ko sa word na "girlfriend" dahil natutuwa ako. Pero hindi ko alam bakit parang nagulat si mama.
"Ma?? Bakit?"-curious na tanong ko.
"Nagkabalikan na pala kayo. Totoo na ba yan nak. Hindi na pagpapanggap?"-tanong ni mama na ikinalaki ng mata namin ni Aira. Alam niyang nagpapanggap lang kami? Kailan pa? Hindi ko magets.
"Ma? Alam mo?!"-hindi ko na naiwasang itanong kung alam niya ba na nagpapanggap kami.
"Vince... Aira. Matagal ko ng alam. Sinabi na sa akin ni Brayan. Alam kong nagpanggap kayo dahil kay ate Angel niyo. At alam ko rin na ititigil niyo rin yan kapag bumalik ng UK si Angel."-mahabang litanya niya at napabuntong hininga na lang ako.
"Ma naman eh. Ang akala ko pa naman hindi mo alam. Anyway, totoo na ito ma, kami na talaga ulit. Wala ng pagpapanggap ito ma. Totoong totoo!"-ang laki ng ngiti ko nung sinabi ko yun at hinawakan ko ang kamay ni Aira.
"Good! Very good. I celebrate natin iyan. Aira hija. Sa bahay ka mag dinner ah. Ge mauuna na ako. Bibisitahin sana kita anak dahil tinext ako ni Aira na nandito ka. Alalang alala ako nun kaya pumunta ako agad dito pero hindi ko na pala kailangang mag panic at mag alala dahil nandiyan na pala si Aira. Sige na. See you later "-tumawa muna siya bago tuluyang umalis sa room. Nag katinginan lang kami ni Aira at biglang napangiti.
BINABASA MO ANG
MEANT TO BE PA RIN TAYO!
Lãng mạnTulad sa mga Romance Story na nabasa nyo na, Ang Storyang ito ay tungkol lamang sa pag-ibig :)) It is all about love :)) yun lang po wala ng iba. Ito po ay rated PG Hmmmm... Pwede na rin pong G Basta nasa sa inyo na po kung ano ba dapat itong story...