Chapter 50
"Hey guys! Sunduin niyo na ako ngayon na! Nasa Airport na ako ngayon! Bilisan niyo ah! NGAYON niyo na ako sunduin biliiiissss!!!"
Text ko kina Brayan at Princess. Siguro naman maso-sorpresa sila no? Maaga kasi akong nakababa ng eroplano eh tapos tinext ko na agad sila dahil nga gusto kong magpasundo at magpasama sa kanila ngayon sa Vigan at isa pa, ay ayoko ring mag taxi. Baka ma nakawan pa ako. Uso na kaya ang nakawan ngayon. May kotse naman si Brayan eh, kaya niya na akong sunduin niyan. Gustong gusto ko na kasi talagang dumiretso ng Vigan! Hindi na ako makapag hihintay na makita si Aira. I really need to see her now and make things clear out! I just need to know what is happening.
~*Mga 30 minutes
Shit naman oh! Bakit wala pa rin sila? Nakaka inis naman oh! Masyado ba akong napaaga? O wala sila ngayon kung nasan man sila,? Ano raw? Pero bakit ang tagal nila? Hindi ba nila na receive yung text ko? Akala ko pa naman sila yung ma so-sorpresa kasi biglaan yung uwi ko, yun pala, ako talaga dahil wala pa sila ngayon. Tinext ko na ulit sila dahil baka lang hindi nila na receive yung text ko. Kapag mga 20 minutes wala pa rin sila, mag ta-taxi na lang talaga ako. Hayaan ko na lang ang mangyayari sa akin dun.
Bigla ko na lang naramdaman na may nag b-vibrate sa bulsa ko. Kinuha ko naman agad ang cellphone ko para tignan kung sino ba ang tumatawag.
~*Incoming Call... Michael
Si Michael?? Buhay pa pala 'to? Anong kailangan nito?
"Oh? Buhay ka pa pala?"-natatawang sabi ko.
"Halata naman diba? Sapakin kita eh!!"
"Hahahaha!! Bakit ka ba napatawag? Ha? Anong kailangan mo?"-medyo sinungitan ko na rin yung boses ko dahil hindi na nga nagpaparamdam 'to eh! Tapos biglang tatawag? Sapak talaga sa akin 'to kapag nakita ko to e.
"Loko ka talaga eh! Hindi ka pa rin nagbabago! Ang kapal pa rin ng mukha mo eh! Ikaw itong nagtext na magpapasundo ka, tapos ngayong sinusundo ka na sasabihin mo sa akin anong kailangan ko? Baka ikaw yung may kailangan!"-sarcastic na sabi niya. Anong pinag sasasabi nito? Ahhhh! Baka na text ko rin pala tong mokong na 'to? Pero buti na lang na text ko siya kasi sina Brayan at Princess wala pa rin eh. Mabuti na lang talaga nandito si Michael. Bumabawi siguro 'to? Hahahaha.
"Pasensiya naman pre! Kala ko kasi si Brayan lang na text ko eh. Pero salamat at sinundo mo ako ah! Asan ka ba?"
"Wag kang assuming Vince! Hindi ako pumunta rito dahil sayo! Susunduin ko rin kasi sina Mom at dad. Nagkataon lang na nagtext ka!"-natatawang sabi niya!
"Loko ka pala eh! Kala ko pa naman babawi ka na sa akin dahil ilang taon kang hindi nagparamdam!"-busy kasi siya sa mga games niya diba? Kaya yun, di nagpaparamdam sa amin ni Brayan.
"Maka ilang taon ka naman? OA neto! Sigi na! Aalis na ako! Bahala ka na sa buhay mo ah!"-aba? Loko talaga!
"Teka, teka teka!!! Pasabay ako! Asan ka ba kasi?"-kailangan kong magtipid! Ayokong sumakay ng taxi ngayon! Kailangan ko si Michael ngayon. Hahaha. Baka manakawan pa ako o baka ma kidnap! Ha??
"Tingin ka sa kaliwa mo, yung pulang kotse! Pasok ka run."-tae talaga to eh! Kanina pa pala niya ako nakikita tapos hindi man lang lumabas ng kotse. Loko-loko talaga kahit kailan eh! Tumingin nga ako sa kaliwa ko at may pulang kotse nga. Pumunta na agad ako run at nung nakita ko na si Michael pumasok na ako sa loob.
"Hello po tita, tito."sabi ko agad nung nakapasok na ako sa loob. Nandito na pala sina tito, nakakahiya tuloy. Loko kasing Michael to eh! Kanina pa pala rito! Parang VIP pa tuloy ako.

BINABASA MO ANG
MEANT TO BE PA RIN TAYO!
RomanceTulad sa mga Romance Story na nabasa nyo na, Ang Storyang ito ay tungkol lamang sa pag-ibig :)) It is all about love :)) yun lang po wala ng iba. Ito po ay rated PG Hmmmm... Pwede na rin pong G Basta nasa sa inyo na po kung ano ba dapat itong story...