Chapter 29
"Hindi ko alam kung paano sasabihin ito pero, pwede bang magpanggap muna tayo na mag girlfriend/boyfriend uli? Para lang kay ate angel! Promise, pag bumalik siya sa U.K, ititigil natin agad ito. Pwede ba Aira??"
O_______O
O_______O
O_______O
"Ha?! A--a..anong sa--sabi m-- mo??!!"-utal-utal na sabi ko. Tama ba ako ng pagkakarinig? Magpapangap kami na kami uli? Oh! Anong sasabihin ko? Papayag ba ako o hindi? Ahhhh!! Nalilito ako! Nahihiya ako na kinakabahan. Bakit lalong bumilis yung tibok ng puso ko? Ano ba ang dapat kong gawin? Ahhhh!! Hindi ko na talaga alam. Basta ang bilis ng tibok ng puso ko. Para na akong hihimatayin!
"Don't worry Aira, kung ayaw mo namang pumayag, that's ok, hindi kita pipilitin."-cold na sabi niya tapos pinaandar niya na yung sasakyan niya... Tinignan ko lang siya habang nag da-drive. Hanggang ngayon, hindi ko pa din alam kung ano ba ang dapat kong isagot sa tanong niya. Ano ba Aira? Ano bang isasagot mo.? Hindi ko talaga alam kung anong gagawin! Naiinis ta ako sa sarili ko.
"Wag mo ng isipin iyon Aira! Aaminin ko na lang kay ate na matagal na tayong nag break. Pero, isasama pa din kita sa Vigan ah. Nangako ka sa akin na mag la-lunch tayo!"-tapos humarap siya sa akin at laking gulat ko na lang ng ngumiti siya! Ang amo amo talaga ng mukha niya! >////<
Teka? Bakit ganito yung nararamdaman ko? 98% ng isip ko gustong pumayag sa alok niya pero yung 2% napunta sa saan ba iyon napunta? Hindi ko alam. Pero teka? Magpapanggap lang naman kami na kami na uli diba? Yun lang naman eh. Tsaka para naman kay ate Angel ito eh. Tsaka isa pa ito na siguro yung time na hinihintay ko para masuklian si Vincent sa mga nagawa niya sa akin. Yup! Kaya papayag na ako sa gusto niya. Pero paano ko ito sasabihin eh, nahihiya ako?
~*Katahimikan!!!!
Wala ng nagsasalita sa amin. Nahihiya ako! Hindi ko alam kung bakit eh. Basta ang bilis bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Pero hindi ko pa din maintindihan kung bakit napaka tahimik namin. Sino ba dapat ang mauunang magsalita sa amin? Ah basta nakakabingi itong katahimikan na ito kaya kailangan ko na itong basagin tutal hindi pa naman ako nag sasalita mula kanina eh.
"Aira.."
"Vincent.."
Nagkasabay kami sa pagsasalita.
"Ah sige mauna ka na!"-sabay uli naming sabi.
"Hindi, ikaw na ang mauna Vincent."-mahinang sabi ko.
"Hindi Aira, ikaw na ang mauna."-pagpupumilit niya.
"Ah ano kasi Vincent eh!"-paano ko ba sa kaniya sasabihin na pumapayag na ako sa gusto niyang mangyare? Ahh!! Hindi ko alam kung paano. Tsaka, disidido na naman ako na magpanggap kami eh. Wala namang mangyayareng masama sa akin diba? Tsaka ito yung pinag isipan ko kanina kaya hindi ako nagsasalita. Kaso, ang problema ko lang talaga ay hindi ko alam kung paano sasabihin sa kaniya. Para kasing ang hirap eh.!
BINABASA MO ANG
MEANT TO BE PA RIN TAYO!
RomanceTulad sa mga Romance Story na nabasa nyo na, Ang Storyang ito ay tungkol lamang sa pag-ibig :)) It is all about love :)) yun lang po wala ng iba. Ito po ay rated PG Hmmmm... Pwede na rin pong G Basta nasa sa inyo na po kung ano ba dapat itong story...