Chapter 52
"Vince!!"-naririnig kong sigaw nila Brayan pero dire-diretso lang ako sa pagtakbo ko hanggang sa nakarating na ako sa bahay nila lola. Dumiretso na ako sa kwarto ko run at nandoon na ang mga gamit ko. Kinuha ko na agad ang mga iyon at lumabas na sa kwarto. Balak ko pa naman siyang sorpresahin pero ako pala ang ma so-sorpresa. Ang sakit palang maiwan sa ere.
Palabas na ako ng bahay pero saktong nandun na sina Brayan kaya napa atras ako.
"San ka pupunta pre?"-tanong ni Brayan.
"Kailan mo pa nalaman pre?"-mahinang tanong ko. Naiinis ako sa kanila! Kaya pala ayaw nila akong nandun sa plaza kanina kasi alam na nila yung mga sasabihin nila tito at tita. Bakit nila hindi sa akin sinabi yun?
"KAILAN NIYO PA NALAMAN YUN!!"-hindi ko na napigil ang sarili ko. Sinigawan ko na sila. Naaasar talaga ako! Parang pinag ka isahan nila akong lahat!
"P-pre. Mali ka na-naman ng in-iniisip e. Yu-yung mga nangyari kani--"
"SAGUTIN NIYO NA LANG ANG TANONG KO!! KAILAN NIYO PA NALAMAN NA IKAKASAL NA SI AIRA!!"-nag-iinit na ang mga mata ko. Naghahalo-halo na ang mga emosyon ko. Naiinis ako sa kanilang lahat!
"Pero pre, kasi an--"
"KAILAN??!!"
"Nu-nung tumawag ka sa akin. Nung nasa US ka pa!"-sabi ni Brayan. Nagulat ako sa sinabi niyang yun at mas lalo akong nagalit sa kanila. Alam na nila yun dati pa?? Bakit sila nagsinungaling?
"Pambihirang buhay 'to! SHIT!! BAKIT HINDI NIYO SINABI SA AKIN YUNG TOTOO!"-inihilamos ko na ang mga kamay ko sa mukha ko sa sobrang inis. Kaibigan ko na sila dati pa. Parang kapatid ko na nga sila e, tapos sila pa yung nanloko at nagsinungaling sa akin? Pinag kaisahan lang nila ako! Naiinis talaga ako!
"Ka-kasi p-pre, sinabi sa amin ni Aira na wag sabihin sa-sayo yung totoong dahilan kung bakit siya biglaang lu-lumipat e."-paliwanag ni Brayan.
"So, kapag sinabi ni Aira na mag pakamatay kayo, magpapakamatay kayo? Shit naman kayo pre e!"-alam naman kasi nila kung gaano ako kinabahan at kung gaano ako nalungkot nung nalaman kong lumipat siya e. Pero hindi nila naisip yun e, tinago pa rin nila yung totoo sa akin! Feeling ko tuloy hindi lang si Aira ang nanloko sa akin e, pati silang lahat!
"Hindi naman sa ganon Vince."-nangingiyak na sabi ni Princess
"Sa ganon yun!! Nagsinungaling kayo! Pinagtakpan niyo pa ang katotohanan! Bakit ganon? Gusto niyo ba talaga kaming maghiwalay ni Aira? Gusto niyo ba talaga si Johann kay Aira? Ha?"-ganun na kasi ang dating sa akin e. Bakit kasi nila kailangang itago yun? Bakit kailangan nilang magsinungaling?
"Hindi pre! Ayaw namin kay Johann. Ang amin lang pre, nag maka-awa si Aira sa amin na kahit anong mangyari, wag namin sayo sasabibin ang totoo!"
"Hindi niyo ba naisip na masasaktan ako?!"-kinuha ko na ulit ang mga gamit ko dahil mas lalo lang akong nagagalit sa kanila. Kailangan ko ng umalis dito dahil pare-pareho lang silang nanloko. Malapit na sana ako sa pintuan pero hinatak ako pabalik ni Michael.
"Sorry na pre! Oo! Kasalanan namin to! Dapat sinabi na namn sayo to nung nasa US ka pa. Sorry na! Hindi namin sinasadya!"-namumula na yung mata ni Michael. Alam kong naiiyak na siya sa mga nangyayari. Pero kasalanan nila e. Nagsinungaling sila.
"Hindi sinasadya? Kung hindi niyo sinasadya dapat sinabi niyo na sa akin yun ng maaga pa! Ikaw Brayan! Araw-araw kong tinatanong sayo pre kung may balita ka na kay Aira, pero ano? Pero anong lagi niyong sinasabi ni Princess? Diba lagi niyong sinasabi na wala? Na wala kayong balita. Sinasabi niyo pa na babalitaan niyo ako kapag may alam na kayo, yun pala! Yun pala alam niyo na na ikakasal na si Aira. Ikaw naman Michael! Pre,may pagkakataon ka ng sabihin sa akin ang lahat kanina e! Pero ano? Nanatili kang tahimik at kunwari hindi mo alam ang nangyari!"-hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Naiinis ako sa kanilang lahat! Nasasaktan din ako! Wala na sigurong mas sasakit pa sa nangyayari sa akin ngayon.
"Mga kaibigan ko kayo e. Ang akala ko pa naman kayo ang tutulong sa akin kapag may problema ako. Pero kayo pa ang naging problema ko. Ang laki laki ng tiwala ko sa inyo e. Ang sakit lang! Ang sakit lang talagang malaman na yung mga taong alam kong hindi ako lolokohin, eto, niloloko pala ako."-pinunasan ko na ang mga luha ko at kinuha ko na ulit ang mga gamit ko.
"Pre."-mahinang sabi ni Michael.
"Hayaan niyo muna akong umalis ngayon please. Gusto kong mag isip-isip. Gusto kong takasan muna ang problema kong 'to."-tapos naglakad na ako. Umalis na sila sa pintuan, binigyan na nila ako ng daanan.
"Ti--tita?"-mahinang sabi ni Michael. Napahinto ako sa paglalakad ko nung nakita ko si mama na papasok sa pintuan. Nagulat din siya. Hindi niya pala alam na naka-uwi na ako. Nagtaka rin ako kung bakit siya nandito sa Vigan?
"Vince?"-mahinang sabi niya. Hindi ko alam pero nung nakita ko si mama feeling ko nagkaroon na ako ng kakampi.
"Anong nangyayari rito?"-dagdag pa niya.
"Alam niya na po tita."-mahinang sabi ni Brayan.
Pag kasabi ni Brayan na yun, biglang nag-iba yung mukha ni mama. Parang bigla siyang nag-alala. Nagulat na lang ako nung biglang tumulo yung luha niya at bigla siyang pumunta sa akin para yakapin.
Mga ilang sigundo rin nung nag sink-in sa akin ang lahat. Kung bakit ganon ang reaksiyon ni mama nung sinabi ni Brayan yung mga salitang 'Alam niya na po tita.' Isa lang kasi ang ibig-sabihin nun e. Alam niya rin ang lahat! Alam niya rin na ikakasal na Aira.
"Alam mo rin ma?"-hindi makapaniwalang tanong ko tapos inalis ko na ang pagkakayakap niya sa akin.
"Alam mo rin ba ang lahat ng mga ito ma?"-pag-uulit ng tanong ko. Nakatingin lang siya sa akin at nakita ko ang pag patak ng mga luha niya. Sumikip lalo ang dibdib ko nung nakita kong tumango siya.
"Ni-niloko mo rin ako ma?"-at hindi ko na talaga napigilan ang mga luha ko. Hindi ako makapaniwala na ang sarili kong nanay, nagsinungaling din sa akin. Hindi ko na kaya, feeling ko mamamatay na ako sa sobrang pagsisikip ng dibdib ko. Hindi na ako makahinga ng maayos. Sobrang sakit lang.
"Tinanong kita ma kung alam mong lumipat na si Aira, sabi mo hindi mo alam. Sinabi mo sa akin na babalitaan mo ako kung sakaling may malaman ka tungkol sa kaniya. Pero... pero alam niyo na pala na ikakasal na ang babaeng gusto kong pakasalan."-hindi ko na napigilan ang mga luha ko sa pagpatak. Hindi ko na rin kayang pigilan ang pagsikip ng dibdib ko. Akala ko masakit na ang lokohin ka ng girlfriend mo at ng mga best friends mo. Pero mas masakit palang malaman na niloko ka ng sarili mong nanay. Hindi ko talaga alam pero bakit naging ganito ang mga pangyayari.
Naglakad na ulit ako palabas pero bigla akong niyakap ni mama mula sa likod ko.
"I'm sorry Vince. Sorry na anak. Hindi ko naman gustong lokohin o mag sinungaling sayo e. Pero kasi, pero kasi.. kasi ayaw ko lang ulit makita ka na umiiyak ulit. Natatakot ako sa pwede mong gawin kapag nalaman mo ang katotohanan. I'm sorry. Sorry talaga anak. Sana mapatawad mo ako."-at mas lalo pa siyang umiyak. Hindi ko na rin mapigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Hindi ko na alam pa ang gagawin ko.
"Nagsinungaling kayo sa akin. Niloko niyo ako. Pinag kaisahan niyo ako."-at tinanggal ko ang pagkakayakap sa akin ni mama at tuluyan na akong lumabas ng bahay.
Dire-diretso lang ako sa paglalakad. Wala akong naririnig na tumatawag sa akin. Mabuti na lang at hindi nila ako sinundan.
Pinunasan ko na ang mga luha ko sa mukha at finally, tumigil na rin siya sa pag patak. Habang nadadagdagan ang mga hakbang ko, nadadagdagan din ang sakit sa puso ko. Bakit nila ito ginawa sa akin? Paano nila nakayang lokohin ako.
Sa sobrang pag-iisip ko. Hindi ko na namalayan na may nakahinto ng sasakyan sa tapat ko.
Nagulat na lang ako nung nakita ko kung sino ang bumaba sa sasakyan.
Si Aira.
BINABASA MO ANG
MEANT TO BE PA RIN TAYO!
RomansaTulad sa mga Romance Story na nabasa nyo na, Ang Storyang ito ay tungkol lamang sa pag-ibig :)) It is all about love :)) yun lang po wala ng iba. Ito po ay rated PG Hmmmm... Pwede na rin pong G Basta nasa sa inyo na po kung ano ba dapat itong story...