CHAPTER FORTY NINE :))

227 3 0
                                    

Chapter 49

"Tell your mom that I really miss her so much and I'm going back to the Philippines soon. Take care Vince."-sabi sa akin ni papa bago ako bumababa ng kotse. Nandito na ako ngayon sa airport dahil babalik na ako sa Pilipinas. Hinatid lang ako ni papa rito pero baka next month pa siya makauwi sa amin dahil may mga games pa siya. Haaaay!!! Finally, makikita ko na si Aira at malalaman ko na ang lahat ng dapat kong malaman. Excited na talaga ako. Makikita ko na ulit ang magandang mukha ng girlfriend ko. Mayayakap ko na ulit siya.

Hindi pala alam nila Brayan at Princess na uuwi na ako ngayon. Gusto ko kasing surpresahin sila. At balak ko rin na samahan nila ako sa Vigan pag baba ng eroplano ko. Gusto ko kasing dumiretso na agad sa Vigan eh. Kailangan ko ng malaman kung bakit lumipat si Aira. Ite-text ko na lang sila Brayan kapag nakababa na ako para surprise talaga.

~*Flashback

"Oh! Bakit hindi ka pa nagbibihis? Late na tayo booooyy!!!"-sabi ni Aaron sa akin nung nadatnan niya ako sa kwarto ko na nakahiga lang at hindi pa nagbibihis. Ngayon kasi kami paparangalan ni Aaron eh. Diba nga kami na yung napiling ilalaban. Napagkasunduan na rin na ako ang ipapadala sa europe at si Aaron naman ang sa Asia. Kaso nga lang parang ayaw kong pumunta sa party. Ewan ko ba kung bakit party yun basa ayaw kong pumunta. Hindi ko rin kasi kayang maging masaya lalo na't wala pa rin akong balita sa girlfriend ko! Limang araw na kasi mula ngayon nung nalaman ko ang biglaang paglipat ni Aira at hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang dahilan ng paglipat niya. Sila Princess at Brayan naman, wala pa ring balita. Hindi ko na nga talaga alam ang gagawin ko eh. Gustong gusto ko ng umuwi ng Pilipinas para ako na ang pupuntang Vigan at para ako na mismo ang kakausap kay Aira eh, kaso nga lang hindi pa pwede. Marami pa kaming aasikasuhin. Natatakot na nga rin ako eh, ayoko kasing mangyari ang mga naiisip ko.

"Ayokong pumunta ron!"-tapos tinalikuran ko siya ng higa.

"Ano?! Loko-loko ka ba? Kailangan mong pumunta! Baka magalit pa si tito no!"

"Ewan ko ba pre! Wala ako sa mood ngayon! Tinatamad ako!"-kahit hindi naman talaga ako tinatamad. Nalulungkot lang ako kaya hindi ko kayang pumunta run.

"Loko ka talagang tukmol ka eh! Hindi ka naman tinatamad eh! Inaalala mo lang kasi si Aira kaya ka ganiyan! C'mon dude! Babae lang yan! Marami pang iba riyan!"-tapos tumawa siya ng malakas.

"Nag-iisa lang si Aira ron! Wala ka ng makikitang ibang babae na katulad niya or kahawig ng personalities niya. She is different. I really love her and I can't imagine my life without her!"-hindi ko na talaga alam ang mga gagawin pa. Gusto ko ng makita ang girlfriend ko. Gusto ko na ulit siyang makasama. Miss na miss ko na siya. Tapos lately, parang wala na akong pakialam sa lahat. Kahit asarin ako ni Aaron maghapon, hindi ko siya punapansin. Tapos yung mga dikit din sa akin ni Cherry, hindi ko rin pinapansin. Ewan ko! Naka focus lang kasi talaga ako sa katanungang "bakit biglaang lumipat ang girlfriend ko?" Basta! Big deal talaga sa akin yung hindi niya pagsabi sa akin ng tungkol run.

"Okay okay okay! I get it! Oo na! Siya lang talaga ang nasa puso mo. Siya na ang buhay mo okay? Pero ngayon, kailangan na nating umalis. Isang gabi lang 'to Vince. Kailangan mo ng magbihis dahil baka mahuli pa tayo!"-tumayo na ako sa kinahihigaan ko. Kahit ayokong pumunta, kailangan talaga eh. Baka magalit pa sa akin si Papa kapag hindi ako pumunta.

Nagbihis na ako ng mga limang minuto at nung natapos, dumiretso na kami sa court/gym ni papa. Doon kasi gaganapin yung party eh.

Nakarating kami agad dun at nag simula na pala yung party. Akala ko pa naman uso ang Filipino time dito sa US, hindi pala. Hahahaha. Dumiretso na ako kina papa nung nakita ko siya at dumiretso naman si Aaron dun sa coach niya.

MEANT TO BE PA RIN TAYO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon