Chapter 25
Mga ilang minuto ko rin siyang niyakap.... ramdam ko sa sarili ko na lubha talaga siyang nag aalala sa akin. Hindi pa rin tumitigil sa pag tulo yung luha ko... nanginginig pa rin ako sa takot... paano kaya kung hindi ako nailigtas ni Vincent ngayon? Anong ng mangyayare sa akin? Dalawang beses na niya akong nailigtas sa kapahamakan at nagpapasalamat ako na nandiyan siya palagi sa akin.
Inupo niya muna ako sa waiting shed at agad-agad siyang tumakbo papunta sa pinaka malapit na tindahan dito. Pagka balik niya, inabutan niya ako ng isang bote ng mineral water.
"Uminom ka muna Aira oh! Kumalma ka muna ah."-sinabi niya iyon habang hinahaplos niya yung braso ko.
"Ayus ka na ba ha??"-nag aalalang tanong niya
Hindi pa rin ako tumitigil sa pag iyak... nagulat na lang ako nung inabutan niya ako ng panyo niya. Pag tingala ko sa kanya, nakangiti lang siya... ang amo ng muka niya... hindi ko alam kung bakit siya nakangiti pero, walang mali sa ngiti na iyon.
"Wag ka ng umiyak, hayaan mo pinapangako ko sa iyo na hindi na mangyayare sa iyo ang masamang kaganapan na ito."-sinabi niya yun habang pinupunasan niya ng kanyang panyo ang mga luha ko... hindi ko maintindihan yung sarili ko kung bakit bigla akong sumaya sa mga sinabi niya, ang saya-saya ko, napakaswerte ko at may superhero akong katulad niya.
"Wag mo nang intindihin yung mga yun tara na! Diba pupuntahan pa natin si Johann? Wag ka nang umiyak diyan dahil kapag nakita ka pa ni Johann na umiiyak baka ako pa sisihin niya hahaha."-tapos bigla niya akong hinawakan sa kamay ko at dali-dali akong itinayo sa kinauupuan ko at sabay takbo... sa sandaling iyon, nawala lahat ng takot ko, feeling ko ligtas na ligtas ako kapag kasama ko si Vincent. Salamat talaga sa kaniya.
Tumigil kami sa isang tindahan... hindi ko maintindihan sa amin kung bakit kami tawa ng tawa, parang wala na kaagad sa akin yung nangyare kanina. I really feel secured when I'm with him.
*deep sigh* "grabe nakakapagod!"-sabi niya habang pinupunasan niya yung pawis niya. Ngayon ko na lang pala siya uli nakasama no? At masasabi ko na hindi nagbago ang kanyang mukha, gwapo pa din siya.
"Ikaw kasi eh... pinagod mo pa ako.."-ako
"Bili mo na tayo ng makakain, nagutom ako sa pagtakbo natin eh."-sabi niya habang hinihimas himas yung tiyan niya.
"Hahaha... wala ka pa ring pinagbago, hahaha tara na nga!"-natutuwa talaga ako sa amin ni Vincent eh.. kasi sa kabila ng mga nangyare sa amin, diba dapat awkward na yung ganitong pangyayare pero sa amin hindi eh... wala na talagang ilangan sa amin, siguro naka pag moved on na talaga siya sa akin which is good =)
Bumili na kami doon sa tindahan... tumambay muna kami doon ng halos mga 5 minuto.
"Tara na, punta na tayo kila Johann."-aya niya
Sa hindi inaasahang pangyayare, bigla ko na lang naalala yung nangyare kanina, bakit nga paka kilala nung mga lalaki na iyon si Johann? Hindi kaya, may nangyareng masama kay Johann na sangkot ang mga lalaki na iyon?
BINABASA MO ANG
MEANT TO BE PA RIN TAYO!
Roman d'amourTulad sa mga Romance Story na nabasa nyo na, Ang Storyang ito ay tungkol lamang sa pag-ibig :)) It is all about love :)) yun lang po wala ng iba. Ito po ay rated PG Hmmmm... Pwede na rin pong G Basta nasa sa inyo na po kung ano ba dapat itong story...