Chapter 1

108K 1.2K 22
                                    

Let me introduce myself first, I'm Ayesha Mendez but everyone used to call me Yesha. Currently a college student. Napasok ako sa isang university para lang sa mga anak mayaman at mga kilalang tao dito sa Pilipinas. Mayaman kami at ang tinutukoy kong mga kilalang mga tao dito ay yung mga anak ng sikat na personalities. Speaking of artista, I'm also one of them. 
-----
"Mam Yesha, wake up. Baka po malate kayo sa school nyo" May naririnig akong nagsasalita pero hindi ko pinapansin. Ang sarap sarap ng tulog ko eh.

"Mam? Gising na po kayo, ngayon din po pala dadating ang Mommy at Daddy nyo galing states" And with that, nagising na akong tuluyan. Ngayon pala dadating sila Mommy!

"Butler Roy sure po kayo??" Tanong ko sa kanya habang natayo na sa kama at nagkukusot ng mata.

"Opo, they announced it yesterday." Aww di ko man lang nalaman agad. Di tuloy ako nakapaghanda. Tuwing uuwi kasi sila Mommy at Daddy galing sa mga business ventures nila sa ibang bansa, nakasanayan na namin na magplano kung pano sila iwewelcome. Sila kasi yung tipo na minsan lang umuwi dahil sa dami ng negosyo nila located sa ibang bansa pa. Pero sa kabila non, hindi naman nila nakakalimutan na may mga anak silang naiwan dito, dahil a week in a month silang nagsstay sa bahay.

Pagkatapos kong maligo at magbihis bumaba na ako ng hagdan namin at nagsimula ng mag-almusal. It's almost 7:00 in the morning at busy na agad ang iba naming kasambahay para sa pagdating nila Mommy sa bahay mamaya. Nakakapagtaka bakit parang ako lang ang nag-aalmusal ngayon?

"Nay Maria nasan po sila? Si kuya Youj at Hailee? Nag-almusal na po ba yun mga yun?" Tawag ko kay Nanay Maria sa kusina. Kaya nanay na tawag ko sa kanya kasi sa kanya na kami lumaki nila kuya at Hailee.

"Nako mga tulog pa ata! Teka papatawag ko sa katulong"

"Nay Maria wag na po! Andito na po kame ni Kuya!" Si Hailee habang natakbo pababa ng hagdan.

"Hoy bata ka! Ilang beses ko bang dapat sabihin sayo na wag kang tatakbo ng hagdan pag nababa ka?" Sigaw ni Nanay Maria kay Hailee. Hahaha ayan na naman sila. Tuwing umaga laging ganyan yan mga yan gawa ni Hailee.

"Nay Maria naman eh! Malaki na po ako! Hindi na po ako ulit madadapa! By the way ano pong almusal? Hehehe" tatawa tawang sabi ni Hailee habang paupo na sa lamesa.

"Bacon, eggs at hotdog. Mayroon ding fried rice at toasted bread dito."

"Nay Maria bacon, eggs at toasted bread po sakin" Seryosong sabi ni kuya Youj. Kahit kailan talaga masungit at tahimik tong kuya ko.

"Ako rin po Nay Maria pati hot chocolate!" Sigaw ni Hailee.

"Kuya sabay na tayo pagpasok ha" sabi ko sa kay kuya habang inuubos ang juice ko.
"Ok"
-----
After 30 minutes, natapos na rin kumain sila kuya at Hailee. Nagpapaalam na kaming tatlo kay Nanay Maria ng may biglang tumawag sakin.
*ring ring*
"Hello?"

"San ka na babae? Kanina pa kame dito sa may gate ng school kakahintay sayo!"

"Wala man lang 'Hello din'? Eto na paalis na kami ni kuya!" sigawan ko nga din! Aba naninigaw eh!

"Kasama mo kuya mo ngayon?? Nice, bagal bagalan nyo muna ha wait lang!" Sabay end ng call. Mga malalanding yon! For sure magpapaganda lang yun mga yun! Hay nako!

Nakalimutan kong iintroduce ang mga bestfriends ko. Ang sumigaw sakin kanina ay si Kevin Aquino, may gay friend hahaha at yung nagpatay sakin ng telepono ay si Micah Anderson. Tulad ko isa din model si Micah at si Kevin naman ay isang anak ng business tycoon at kababata ko. Maraming nag-aalok sa kanya na maging model pero ayaw nya at maeexpose daw ang beauty nya.

Sumakay na ako ng kotse namin at halatang ako na lang ang iniintay ni kuya para makaalis na kami. Kitang kita ang bored look sa mukha nya dahil sakin. Hay kuya bakit ka ba ganyan? Sabagay, bagay naman sa kanya dahil ang pogi nya lalo kung cool syang tignan dahil isa lang naman syang model at isang artista. A well known artist and model of his generation maybe. Dahil ang macho at pogi pa! Hahaha!

After ng 20 minutes na pagddrive ni kuya na dapat ay 15 minutes lang dahil sakin ay nakasimangot na sya. Paano ba naman habang nasa byahe kame nagtext ang bruhang si Kevin na ibili ko daw muna sya ng hot chocolate at isang chocolate cake bilang prize nya daw sa pagkapanalo nya sa dare namin. Ayun bwsit na bwisit si kuya! Tagumpay syang bagalan muna namen ang pag-arrive namen sa school!
10 minutes before 8 ay talagang malalate na kami ni kuya. Si kuya ay graduating ngayon taon at at ako naman ay 2nd year college. Si Hailee naman ay 4th year highschool na ngayon. So talagang kailangan magsipag ni kuya ngayon dahil sanction nya yun hindi kasi sya nagpaalam na mawawala sya ng 1 week dahil sa urgent na pagmomodel nya sa isang brand ng damit out of the country.

"See you later Yesha" -Kuya habang naakyat na ng building nila.
"Yes Kuya! Thanks for the ride!"
"Welcome"

-----

Papunta na ako sa building namin ng maalala ko yung dalawang bruha. Wala sila kanina sa may gate. Paniguradong nasa room na yung mga yun. Pagdating ko sa room ay nagkagulo na silang dalawa sa pagsilip sa pinto, nag-uunahan pa!

"Sino ba sinisilip nyo jan?? Andito na ako ah!" Sigaw ko sa kanila
"Shut up ka muna jan babae, asan kuya mo?" Duet pa silang dalawa sa pag-sigaw sakin.
"Pumunta na sa building nila" paupo na ako ng bigla akong kinurot ni Kevin. "Ouch Kevin!! What's wrong with you??"
"Dapat pinapunta mo dito! Hay nako!" sabi naman ni Micah. "Hello! Nagalit na yung kuya ko kanina! Malalate na yun nagpabili pa kayo kita nyo naman na may sanction yun sumabay pa kayo" sigaw ko rin kanila. Aba wrong timing sila sa paglandi ako maaaway nyan eh, buti na lang sinabi ko kanina kay kuya na nagugutom lang ako kaya hindi na kumibo pa.
"Ay sorry na best! Nakalimutan namin eh hehehe" napakamot na lang ng ulo ngayon si Kevin hahaha. Buti na lang ganyan mga bestfriend ko, pag-alam nilang mali na sila titigil na sila sa kalandian nila hahaha

"Ok class sit down! Mayroong transferee ngayon dito sa room natin but unfortunately hindi muna sya makakapasok. So let's get back to our topic yesterday blah blah blah" Ok! Start na ng klase namin, serious mode na muna kaming tatlo.
-----
Levi POV
"Ano ng balita?" Tanong agad ng daddy ko sakin.
"Wala pa kaming balita Dad, but we figured out something. For now, its better na wag nyo na munang malaman. I need to confirm it first" I sighed. Wala na syang alam gawin kundi ang tanungin ako kung may progress na ba ang pinapagawa nya saken. My Dad is a top and well-known businessman but aside from that, he's secretly running an organization and he assigned me to lead this now. I'm a teenager but I'm holding a big responsibility because of this mafia organization. Pero sa kabila non, I'm still a student. Kakatransfer ko lang sa bago kong school but unfortunately hindi agad ako makakapasok gawa nito.
By the way, I'm Levi(Li-by) Park, half Korean and half Filipino. My father is a Korean while my mother is a Filipina. Sadly, kaya naging ganito si Dad ay dahil kay Mom. Dahil sa organization ni Dad ay napahamak si Mom, she's in coma for 3 months now at Korea at ito ang pinapagawa sakin ni Dad, ang hanapin ang pasimuno nito.
While I'm checking something from my laptop, someone's calling me...
"Hello Dad"
"Go to your condo unit at 4 in the afternoon, I need to talk to you"
"Yes Dad" then I hang up the call. Ayan naman si Dad, getting serious and serious about this problem. He need to rip it off para may magandang kalabasan tong ginagawa namin.
After kong tapusin lahat ng pinapagawa nya sakin dito sa opisina ay umalis na ako papunta sa condo ko. Doon na muna ako matutulog ngayong gabi. And I forgot to tell you, I'm handling our company now.

Nagpunta na ako sa parking lot and sumakay na sa sasakyan ko heading to my unit. After an hour, nakarating na din ako sa place. I headed directly to the elevator, pipindutin ko na sana ang button ng 15th-floor ng may tatlong humabol. Dalawang babae at isang uhh, bakla?
"Hay! Akala ko hindi tayo makakahabol! Ang bagal mo naman kasi Yesha eh!" sigaw nun guy uh gay.
"Aba sorry naman ah! Kasalanan ko bang masira yun heels ko? Tsaka parang ako lang naman ang matagal pati rin naman si Micah ah?!" sigaw din nun Yesha. Ang iingay nila. Hindi ba pwedeng mag-usap ng mahina o di kaya sa room na lang nila sila mag-away away?
"Hehehe *peace sign* sensya na! Si Harold kasi eh" explained the other girl.
"Che!" sabi naman nun guy sabay irap doon sa dalawang babae. "Uy! Hi Kuya na Gwapo! What's your name?" sabay hawak sa braso ko, ack. Is he flirting with me or something?
"Levi, please hands off" walang emosyon kong sabi habang tinanggal ko yung kamay nya sa braso ko pero ayaw papigil sh*t!
"Nice to meet you Levi!" then wink. At yun dalawa naman nyang kaibigan ay tinitignan lang kami habang pasimpleng natawa! Sh*t ang tagal naman ng 15th floor. Buti na lang may tumawag sa cellphone nya kaya sya binitawan nya na ako.
*ring ring*
"Hello Dad? ... Ha? ... O sige po, opo ako ng bahala sa sarili ko" sabay patay sa cellphone nya at sakto namang bumukas na ang pinto ng elevator. Teka magkafloor kami? Sh*t talaga!
"Yess! Tara na mga babaita!" tili nun bakla tsk.

Tsk what a mess...

Marrying A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon