A/N: Salamat po sa pagbabasa hehehe ;)
Yesha's POV
Lunch pa lang pero nakakatamad na agad sa school. So napagdesisyunan naming tatlo na magmovie marathon kami sa condo ni Kevin mamayang 3 ng hapon pagkauwi namin. Manonood kami ng mga action movies! Yes action movies! Hahaha kala nyo panay kalandian lang kami? Well hindi, astig kaya kami! Hahaha!
"Ano ba papanoorin natin? May bago bang movies ngayon?" tanong ni Kevin samin habang papunta na kami sa sasakyan nya. Buti na lang matanda nato kaya nakakapagdala na ng sasakyan hahaha
"Kahit ano! Basta action!" sabi ko naman with matching taas pa ng kamay!
"Guys daan muna tayo sa supermarket! Bili tayo ng foods" suggest ni Micah.
"Alright!"-Kevin
So dumaan muna kami sa supermarket para bumili ng food namin, ako ang nautusan na pumili ng kakainin namin since si Micah na nagsuggest ay nakipagkita sa kanyang boylet at si Kevin naman ay lumalandi na naman. Ako na lang ang matino samin magkakaibigan.
Bumili ako ng fries at popcorn, the usual food na kinakain pag magmomovie marathon right? Bahala sila walang bigayan hahaha! After a few minutes tinawag ko na si Kevin para pumunta sa cashier. Nang matapos kami ay hinagulap naman namin si Micah, aba at natagpuan namin sa may foodcourt at gumagawa ng scene! Makipaghilahan ba naman daw ng kamay sa boyfriend nya with tawa ng malakas. Akala mong nasa park sila kung maglandian sila. So ang ginawa nitong baklang katabi ko ay hinila sa buhok si Micah at kinaladkad papuntang parking lot. Unfortunately, nakisabay pa ang heels ko. Natanggal yun takong T_T! One of my favorites pa man din yun! Ayun nagtagal kami lalo kasi dumaan muna kami sa department store at no choice, bumili pa ako ng sandals dahilan kaya lalong nagalit si Kevin.
So pagkatapos ng mga kashungahan namin ay papunta na kami sa condo ni Kevin. Pagkababa pa lang naming ay tumatakbo na kami papunta sa elevator dahil malapit ng magsara at humarang na si Kevin.
"Hay! Akala ko hindi tayo makakahabol! Ang bagal mo naman kasi Yesha eh!" sigaw sakin ni Kevin huhuhu!
"Aba sorry naman! Kasalanan ko bang masira yun heels ko? Tsaka parang ako lang naman ang matagal pati rin naman si Micah ah?!" sinigawan ko din akala nya ha.
"Hehehe *peace sign* sensya na! Si Harold kasi" paliwanag naman ni Micah with matching pacute pa.
"Che!" sagot nya samin at umirap pa! Dukutin ko kaya mata mo? "Uy! Hi Kuya na Gwapo! What's your name??" sabay hawak sa braso ni Kuya hahaha.
"Levi, please hands off" walang emosyong sabi ni Kuya kay Kevin. At eto namang si Kevin hindi ata nakahalata na badtrip si Kuya sa ginagawa nya nako!
"Nice to meet you Levi!" kinikilig at nagpacute pa, manhid talaga. Pasimple na lang kaming natawa ni Micah dito sa tabi hahaha we feel bad for you Kuya. Buti na lang may tumawag kay Kevin sa cellphone nya kaya naudlot yun paglandi nya haha.
*ring ring*
"Hello Dad? ... Ha? ... O sige po, opo ako ng bahala sa sarili ko"-Kevin. He hang up the call and then sakto naman na andito na kami sa floor ng condo nya. Pagkalabas namin ay lumabas na din si kuya. Sa may hallway eh may nakita kaming mga men in black na nakahilera sa isang unit. Shocks! Nakakatakot mga mukha silang goons. Nakatingin lang kaming tatlo doon sa mga men in black nang biglang pumasok doon si Kuya! Hala! Nakakatakot pala si Kuya!
Nagkatinginan pa kaming tatlo ng maisipan namin na pumasok sa kwarto ni Kevin, at ang unit nya ay blocks away lang dun sa mga men in black! Baka mga bad yun at may illegal transactions na mangyayari! Sayang naman si Kuya gwapo pa naman.
"Kevs anong sabi sayo ni Tito?" Micah asked.
"Di daw muna sila makakauwi this week, emergency daw" Kevin, habang nilalabas sa plastics yun mga pinamili namin. "Lutuin mo na to Yesha!"
"Ano ba yan! Hindi ako marunong!"
"Tsk! Ano lang alam mong gawin?!"
"Ako na lang magseset-up ng papanoorin natin ^_^" proud kong sabi hahaha.
"Ganito na lang, KKL tayo!" singit naman ni Micah.
"Anong KKL?" sabay namin na tanong ni Kevs :D
"Kanya Kanyang Luto! Kung sino lang ang magluluto sya lang ang kakain!" shet! Kawawa naman ako! Hindi ako marunong magluto eh!
"Uuwi na lang ako, ngayon pala dadating si Mommy at Daddy. Doon na lang ako samin magpapakabusog " pasimple na sana akong aalis ng hilahin ako sa damit ni Kevin!
"Ooops! Di pwede!" Micah with hand gestures pa!
"Ganito na lang, may uutos kami sayo hahaha!" Nako eto na naman sila! May masama na naman silang balak sakin! T_T
"Dare na naman? Ayoko na nyan! Natatakot na ako sa inyo, napapahamak ako jan!"
"Pwes, manonood pa rin tayo, magluluto kami ng amin lang at nakatunganga ka lang samin ni Micah ano?"
"Ganito kasi yan Yesh, pag ginawa mo to ipagluluto ka namin! Kahit sayo na lahat ng lutuin namin!" proud pang sabi ni Micah sakin.
"*pout* sige na nga ano ba iyon?" suko na ako.
"Promise gagawin mo? Mamaya na lang hahaha, pero ipagluluto ka muna namin!" tuwang tuwa sila shet! Ano kaya yun?
Kinakabahan na ako T_T
BINABASA MO ANG
Marrying A Mafia Boss
RomancePaano kung dahil lang sa isang dare ay nagkakilala kayo ng isang Mafia Boss? At dahil dun mapipilitan kang magpakasal dahil na rin sa dare na iyon? Well, let's find out.. A/N: Hehehe newbie lang po si author at first story ko, sorry po kung hindi ko...
