Chapter 5
Kinabukasan maaga akong nagising at ginawa na ang mga rituals ko every morning. Its already 7 in the morning, and as always, ginising pa rin ako ni Butler Roy
Pagkababa ko ng hagdan, naabutan ko agad sila Mom at Dad na nag-bebreakfast. Wala na naman yun dalawa, for sure pababa pa lang yun.
"Oh sweetie kain ka na"-Dad
"Nasan sila Youj at Hailee?"-Mom
"Sige po Dad, baka po pababa pa lang. Lagi naman po akong nauunang bumaba sa kanila"
"Friday today right? So mamaya, magdidinner tayo sa labas"-Dad
"Yes!"
"What restaurant do you prefer hon? Sa dati pa rin ba? I heard there's a new restaurant that's opening today! Let's go to that huh?"-mom
"Sure hon!"-dad while he kiss mom at the forehead. Such a sweet dad!
Bumaba na sila Kuya at Hailee and they start to eat their breakfast. And as always, sumabay na naman ako kay Kuya Youj papasok.
"Hey Yesha, where are you last night?"-Kuya, while driving.
"A-ah kuya galing ako kela Kevin, movie marathon hehehe"
"Alam mo naman na uuwi sila Mommy tapos hindi ka umuwi ng maaga, I don't want you to do this again"hala galit na naman sya
"Y-yes kuya, I'm sorry"
Nakarating na kami sa school without talking to each other, tahimik lang si Kuya at pag ganyang tahimik yan better not to talk to him.
"Thanks kuya" I shyly said to him. At tumango lang sakin! Means badtrip sya!
-----
"Hey babae anjan na sila tita?" the two said in unison pagkadating ko sa room namin. Tsk akala nila hindi ko makakalimutan pinagawa nila sakin kahapon? Hindi ko ibibigay mga pasalubong nila >;)
"Oo at bakit?"
"Grabe ka naman sis! Pasalubong namin!"-Maicah
"Wala!"
"Dali na! Sorry na kahapon! Natuwa lang talaga kami" Kevin while laughing!
"Nanjan na si Mam!" sigaw ng isa naming kaklase. So hindi na muna nila ako binuwisit. Ganyan naman sila pagdadating sila Mommy laging mabait kasi may pasalubong sila pero pag wala, akala mo hindi nila ako kaibigan gawa ng mga dare nila sakin!
"Ok class listen! Yesterday I announced that there is a transferee right? And I told you na hindi muna sya makakapasok, fortunately nakapasok na sya ngayon so let's welcome him! Levi please come in!" sabi ni Miss. Teka-? Levi daw?
"Good Morning, Levi Park. Just call me Levi" walang emosyon niyang greetings samin, pero yun iba naming classmate na babae wagas makatili! Shet lagot na ako nito.
"So choose a seat Mr. Park"-Prof
"I want to sit beside of that girl"-he, while pointing at me! Yes I'm doom!
"Oh ok sure, Mr. Reyes please step aside and choose a new seat thanks."-Prof
"Hala ka Kevin paano na to??" galit kong bulong kay Kevin.
"A-ah eh >_<"
"Micah!"
"A-ano? Wala akong kinalaman jan >_<"
"Pagkatapos nyo akong ipahamak wala na kayong gagawing action dito?!" ano ba naman klaseng kaibigan tong mga to? Alam ko na naman na nakakaintimidate tong taong papunta na ngayon sa tabi ko at at nakatingin sakin ng seryoso. Aware na nga ako na sinisiringan na ako ng mga classmates kong babae. Ano ng gagawin ko baka abangan ako nitong mga to mamaya!
-----
Tapos na ang klase namin sa araw na to. Tamang tama kasi half day lang kami at hindi ko masyadong makikita ang lalaking tumabi sakin kanina. Nalaman ko kanina na cross enrollee sya sa department namin. At habang natagal ang oras na magkatabi kami kanina lalo kong nararamdaman yun aura nya na pinagsisigawan na "How-dare-you-to-that-to-me? You're-insane" yun ganyan! Tapos yun dalawa kong K-A-I-B-I-G-A-N ayun at sobrang aloof sakin! Hindi nga ako masyadong pinapansin! Iwanan ganon pagkatapos ng lahat?!
Kasabay ko ng pauwi yun dalawa ngayon. Hinanap ko pa sila sa buong campus dahil halata naman na iniiwasan ako nitong mga to. Nakakainis kasi hindi man lang sila magsorry sakin mapapahamak na nga ako
"Bakit ang tahimik nyo?"
"Nahihiya kasi kami sayo, tapos yun lalaki pa na niloko natin kagabi classmate pala natin ngayon. Take note may mga men in black pa pala yun kahapon baka mamaya kung ano ng gawin sa atin non" mangiyak-iyak na sabi ni Maicah. Alam naman namin yun. Siguro naman hindi nya gagawin yun diba? Besides it's only a joke, wala namang nakakita na ibang tao tapos syempre minor pa sya diba? So hindi nya kayang gawin pa yun samin.
"Ayan kasi kayo! Bakit naman kasi ayun pa naisip nyo! Pati ako nadamay!"
"Ang gwapo kasi ng Levi na yun! Ang cool nya pa!" Kevin said while drooling. My gee.
"So kalandian nyo na naman pala ang umandar kahapon? Ganon?"
"Grabe ka samin!"-Kevin and Micah
Pagkatapos ay nagpunta na kami sa parking lot. Ihahatid daw kami ni Kevin. Pambawi nya daw sa ginawa nya kahapon. Syempre ako pa ba, kulang sakin yun gagawin ko syang service for 1 month hatid-sundo at kasabay nun ititreat nya ako lagi ng foods na gusto ko. Mahirap na baka gantihan kami nun guy na yun tapos for service lang ang offer ni Kevin
Papasakay na sana ako ng car ni Kevin then someone grab me from behind. Meron syang scarf na tinakip sa bibig ko and then later on I feel the dizziness and then blackout.
BINABASA MO ANG
Marrying A Mafia Boss
RomancePaano kung dahil lang sa isang dare ay nagkakilala kayo ng isang Mafia Boss? At dahil dun mapipilitan kang magpakasal dahil na rin sa dare na iyon? Well, let's find out.. A/N: Hehehe newbie lang po si author at first story ko, sorry po kung hindi ko...