Ayesha PoV
"We will be teaching you how to fight and how to use gun" What? Tama ba ako sa narinig ko? Tuturuan nya ako? For real?"O bakit parang kumikislap pa un mata mo jan? I thought you will against with the idea but all I see is amazement in your eyes"
"For real?? Tuturuan nyo ako? Yieeh!" tapos bigla ko syang nayakap! Hahaha priceless un mukha nya! Siguro hindi nya inaasahan un mga reaction ko. Well sobrang masaya ako kasi diba nagcocosplay ako and I used to like action movies? I feel like Im one of them right now! Yahoo!
-----
Nasa school kami ngayon at hanggang ngayon ay hindi pa rin natatanggal ngiti sa labi ko. Kung ano ano na nga mga pinagsasabi sakin nila Micah at Kevin. Palibhasa mga walang alam! But for sure pag nalaman nila na tuturuan akong humawak ng baril at makipaglaban, maiinggit un mga un! Papunta kami ng canteen ng makasalubong namin si Zen palabas na at tumigil sya sa harap namin.
"You look happy huh? Guess I see you later? Ja, my Lady(See you later, my Lady)" then he passed us habang un dalawang kamay nya ay nasa bulsa ng pants nya, talks how to be cool and that's Zen too! So landi sorry na!
"Ano un? Anong 'Guess I see you later'? Nako Ayesha tigilan mo yan may asawa ka na baka nakakalimutan mo po"Kevin with matching siring pa sakin!
"Hoy hindi ko din alam! Grabe ka" pero realtalk hindi ako talaga alam kung ano ibig sabihin nya don.
-----
Pauwi na kami at papunta na kami sa parking lot, still kasama ko pa rin sila Kevin at Micah at ihahatid nila ako. Nakakainis si Levi talaga! Kasabay kong pumasok kanina tapos hindi man lang ako sinabay pauwi! Nauna pa samin at may gagawin pa daw sya! Nangako pa man din sya sakin kanina na after namin umuwi ay magsstart na kami ng training session namin >_< at kung tinatanong nyo kung nasan un men in black ngayon, well sinama din ni Levi!"San ba daw pupunta si Levi?"Micah habang hinahanap nya un susi ng sasakyan nya. Tapos maya maya hindi pa nya nakukuha un susi nya ay may tumigil na van sa tapat namin. Nang maalala ko may nakalaban nga pala sila Levi nun nakaraan! Kaya sa shocked ko ay hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko ng may lumabas sa van na dalawang lalaki at hinila ako papasok sa van at hindi ginalaw sila Micah at Kevin.
"Hoy san nyo dadalhin si Ayesha? Guards! Guards! Help!" narinig ko pang sigaw nila ng sinara na un pinto ng van at biglang may tinakip sa bibig ko na mabaho at nawalan na agad ako ng malay.
-----
Ang sakit ng ulo ko. Hindi ko alam kung nasan ako paggising ko pero parang nasa luma kaming warehouse. Hindi naman ako nakatali or kung ano pa man pero may nakita akong isang mahabang table at dun lang nakatutok yun nag-iisang ilaw na nakabukas. Paglapit ko ay ang daming armas na nakapatong at magkakaiba ng laki, meron knife at pocket knife, samurai, 45 caliber na baril at kunai? Teka bakit may kunai? Pang ninja yun ah? Isasalvage ba nila ako? T_T Levi tulong!Kakatingin ko sa mga gamit na nasa table ay hindi ko namalayan na may tao na pala sa likod ko. Pagtingin ko ay isang babae na nakaitim na nakalong-sleeved and pants tapos ay nakaboots then may mga holster sa hita at baywang. Un pinaglalagyan ng baril at knife at para syang un sa mga action movies na babae ang bida.
"Choose your weapon"
"What?" t-teka hindi pa ako marunong gumamit ng mga yan!
"Choose your weapon and lets fight, go!" sa taranta ko sa pagsigaw nya ay napakuha ako ng samurai at baril. I don't know pero dun agad napunta un mg kamay ko. Siguro alam ko din sa sarili ko na hindi ko din magagamit un ibang nasa table. Nakita nun babae un mga pinili ko at naglabas din sya ng samurai galing sa likod nya. May samurai din sya sa likod nya? Mukhang pinaghandaan nya talaga ako ah T_T
Pero sa hindi malaman dahilan ay hindi ako kinakabahan, talagang hindi ko lang alam kung pano pa gamitin tong mga to. Pagkalabas nya ng samurai nya ay tinutok agad nya ito sakin na parang nag-aanyaya na simulan na ang laban, pero bago pa kami magsimula ay tinago ko sa likod ko ang samurai at sinimulan kong tanggalin ang safety pin sa baril at tinutok sa kanya. Bigla nyang tinaas un samurai nya sign na itatama nya sakin un armas nya at nagsimula na akong umiwas at sinimulan ikasa un baril. Pero sa gulat ko ay biglang bigat ng baril at nahirapan akong ikasa to.
Nang naikasa ko na ay sinimulan ko ng paputukin to sa kanya pero hindi tumama at dumiretso lang sa kung saan. Patuloy pa rin sya sa pagwasiwas ng samurai at hinihingal na agad ako sa pag-iwas. Hindi ako makabaril dahil abala ako sa pag-iwas at pagtakbo sa kanya. Tinutok ko sa kanya un baril at pinutok pero naiwasan nya agad at nadali nya ako sa braso! Shit ang hapdi! Pagtingin ko ay may dugo na sa damit ko. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko at hindi ko na inintindi na may sugat ako. Tumigil un babae sa pag-atake ng makita nya na may sugat ako sa braso at tinititigan nya lang ako. Hindi ko namalayan ay nakatutok na pala un baril ko sa kanya at napaputok ko agad at hindi sya nakaiwas! Shit makakapatay pa ata ako dahil tinamaan ko sya sa gilid nya at dumudugo na ito.
Fortunately, hindi naman mukhang ganun kalalim dahil wala naman syang naging reaksyon man lang. Sinimulan nya ulit umatake sakin pero nakaiwas ako at mabilis syang nakarecover, akmang tatama ulit un samurai nya sa braso ko ng aksidente kong nasalag gamit un baril ko at nakalayo sa kanya. Pag-atake nya ulit ay pumuta ako sa gilid nya at dinikit un baril ko sa sugat nya at diniinan ito. Bigla syang tumigil sa pag-atake at pagtingin ko ay malapit na rin pala sa leeg ko un samurai nya.
"Go on and I'll blast this gun" binulungan ko sya at diniinan ko pa un baril sa sugat nya. Maya-maya after nyang makipagsukatan ng tingin sakin ay binaba na nya un samurai nya na malapit sa leeg ko at binalik na ito sa lagayan nya. Tinanggal ko na rin un baril ko na nasa tagiliran nya pero tinutok ko pa rin to sa kanya.
"Guess you're strong huh?"
"Who the hell are you and what's this place?"
"I swear this fight will happen again" then bigla syang pumalakpak at nagbow sakin. Suddenly nagbukas na din lahat nun ilaw at pagtingin ko sa paligid ay ang daming men in black sa loob ng isang kwarto na may salamin. Lumabas silang lahat doon at pumila sa likod nitong babae na nakabow pa rin sakin. Sa gulat ko ay may huling dalawang lalaki na lumabas at nagpunta sa harap nitong mga to habang nakangiti sakin.
"Zen? Levi? Anong ibig sabihin nito??"
-----
A/N: Sorry late update xD, anyways thank you for reading <3
BINABASA MO ANG
Marrying A Mafia Boss
RomancePaano kung dahil lang sa isang dare ay nagkakilala kayo ng isang Mafia Boss? At dahil dun mapipilitan kang magpakasal dahil na rin sa dare na iyon? Well, let's find out.. A/N: Hehehe newbie lang po si author at first story ko, sorry po kung hindi ko...