Yesha POV
Naabala ako sa pagtulog ko ng maramdaman kong may gumagalaw sa kwarto at papalapit sa kama ko. Nang akma na kong babangon bigla nyang binuksan un ilaw at tumambad sakin si Levi na nakapajama lang! Half naked sya at pumasok sa kwarto ko! Anong balak nyang gawin sa dis-oras ng gabi??"A-anong ginagawa mo dito?" Habang hinihila ko un kumot patakip sakin. Shet nanglalambot ako sa abs nya! Oo na sya na may abs! Tapos ang laki pa ng braso with muscles! Ano ba tong naiisip ko!
"Dont be ridiculous Ayesha" tapos unti unti syang lumalapit sakin tapos naupo sa tabi ng kama ko. Maya maya may dinudukot na sya sa ilalim ng kama. Nagulat ako kasi pagkuha nya biglang medicine kit un tinaas nya.
"Anong gagawin mo sa medicine kit?"
"Ano pa ba e di lilinisin ko yang sugat mo" then hinila nya un kumot na nakatakip sakin. "Pwede ba hindi kita gagalawin"
Pagkasabi nya nun bigla nyang hinila un braso kong may sugat pero di naman masyadong malakas kaya hindi masakit. Dahan dahan nyang tinanggal un gauze tapos pagkatingin ko sa sugat ay pagaling na.
"Are you doing this every night?" Napatingin ako sa abs nya then napapikit na lang >_<
"Yeah, akala ko hindi ka magigising ngayon. Is it hurt?"
"No, but why?"
"Because you're my wife? Why is there anything wrong?"
"Oo! May mali bakit ka nakapajama lang at walang tshirt or sando man lang? Ano gabi gabi ka napasok sa kwarto ko ng ganyan??"
"Hahaha anong kinagagalit mo bakit gising ka ba that time? Besides ngayon ka lang naman nagising, while i've been doing this for a week now" at tinapos nya na ang paglilinis at paglalagay ng gauze sa sugat ko.
"Ewan ko sayo" and then humiga na ulit ako at di ko na sya pinansin. Kailangan ko nga palang iwasan sya dahil kay Jiyeon.
"Wala man lang thank you psh" parang bata un pagkakasabi nya pero di na ko nagreact pa. "Ok, I just want to say thank you for taking care of them. I think text is not enough so Im thanking you personally."
"No bother, gusto ko rin naman un ginagawa ko. You're welcome" Hindi pa sya natayo sa kinauupuan nya ng makaramdam ako ng antok. Pagtingin ko sa orasan ay 2 am na ng madaling araw, seriously? Gantong oras nya nililinis un sugat ko? Ano sya nocturnal? Maya maya ay di ko na kinaya un antok at unti unti na akong nakakatulog ng marinig ko syang magsalita pero hindi pa rin sya naalis sa kinauupuan nya.
"Good night and sweet dreams" ayan lang un narinig ko tapos wala na kong maintindihan pa sa mga sinabi nya.
-----
Paggising ko, nakabukana sa mukha ko ang mukha ni Namju na ngiting ngiti. Sa gulat ko bigla kong tinakpan un bibig ko, syempre nakakahiya sa bata hahaha."You're so cute and beautiful mommy!" Then hinug nya ako.
"Where's your twin Jiyeon?"
"In the kitchen, doing breakfast for us" hinila hila na nya ako pababa ng kama at di na nakaangal pa.
"Eh where's your dad? We have a school today"
"School? Together with dad? Awesome! *_*" nagssparks un mata nya sa tuwa hahaha. "We woke up and dad is not around, he's always like that and we're very worried" biglang lumungkot un mukha nya.
"That's ok, I will ask him later ok? Don't be sad"
-----
"Dad!" Biglang sigaw ni Jiyeon, nasa hagdanan pa lang kasi kami ni Namju kaya dali dali kami nagpunta kung saan galing un sigaw.
"Why is there a blood in your shirt daddy? Did you hurt yourself?" Jiyeon
"Just an accident baby, dont worry"
"Anong nangyari sayo?"
"Wala lang to" Levi, pagkasabi nya non bigla syang naupo sa sofa resting his head sa sandalan.
"Wala? E panay dugo un tshirt mo? Anong nangyari? Namju please call the doctor right away, daddy needs it ok? Jiyeon can you assist your dad for a while? I will just check something, can you?"
"Yes mom!!" Namju and Jiyeon.
"No, Jiyeon cant assist me. I want you to assist me Ayesha"
"A-ano? H-hindi pwede! Tsaka ayoko lumapit sayo p-panay d-du-dugo ka!"
"Oh cmon!" Then sa gulat ko tinanggal nya bigla un shirt nya, wala naman syang sugat sa katawan pero ang daming dugo sa damit. San galing un?
"What? Asan un sugat?"
"Halika dito"
"Ha?" Pero lumapit pa din ako, paglapit ko bigla nya kong hinila sa tabi nya at inakbayan ako. Sa gulat ko bigla kong tinanggal un kamay nya at napatingin sa pwesto ni Jiyeon. Fortunately, umalis na pala si Jiyeon kanina pa.
"Ano bang ginagawa mo?"
"Samahan mo ko sa kwarto, hurry"
"A-anong gagawin natin don?"
"Basta, itayo mo ko dali" Still nakaakbay pa rin sya sakin kaya no choice kundi itayo sya. Pagkatayo ko sa kanya, di ko naman sinasadya na madali un hita tapos bigla syang napadiin ng hawak sa balikat ko. Pagtingin ko may konting dugo na bumakat sa pants nya.
"J-jan ka may t-tama? San m-mo ba n-nakuha yan?" Ok im starting to trembling. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Calm down ok, i want you to take care of me so i dont want you to collapse. Just relax, hindi to malala" he reassured me habang inaalalayan ko sya papunta sa kwarto nya.
Pagkadating namin sa kwarto nya bigla nyang nilock un pinto tapos pinaupo ko sya sa kama. Binuksan nya un isang cabinet na malapit sa kanya tapos kumuha ng gunting. Maya maya bigla nyang ginupit un pants nya kung saan meron dugo. Pagkagupit nya, nakita ko un sugat nya at sobrang dugo na kahit may nakabalot pang makapal na tela.
"S-san ka ba galing kagabi?"
"Tama lang to ng bala, Im sure walang tinamaan na ugat dito kaya dont worry" then mag-isa nyang nililinis un sugat nya. Masuka suka nga ako kasi nadugo pa un sugat nya tapos nilalagyan nya pa ng antiseptic at di sya nasasaktan!
"Pumunta ka na kayang ospital? Tsaka ano tama ng bala? Bakit anong nangyari?"
"Alam mo na, gang war. May hinaharap kaming gang war pag gusto namin magdagdag ng miyembro, pag natalo nila kami pera ang kapalit pero pag kami ang nanalo, well nasa ilalim na sila ng pangangalaga ko"
"Ano? Magrerecruit lang kayo kailangan may gang war pa? Anong nangyari? Sino nanalo? I mean natalo ba kayo or nanalo kaya ganyan ka ganyan?"
"You know what Ayesha, wala ka pa ngang alam sa mga gang. Its not that easy to recruit members from the other gangs. Kailangan may patunayan ka muna para makuha mo sila. We won, of course, I got this while we were battling. And fortunately, im their boss now"
"Wala naman kayong napatay or something diba? Tsaka ayos lang ba un mga kasama mo? Levi its dangerous"
"Hahaha whats with the concern look? I can handle my self, besides I have my men. And I'm their leader, and my role is to guide them not to death. Wala kaming napatay, well sa ospital lang naman sila magsstay ng matagal. At pwede ba, wag mo nga akong maiwas iwasan. I know everything in this house than you do, wag mong intindihin yun deal nyo ni Jiyeon. She's just a child, and sooner she will forget about that deal"
"What? Alam mo? Pano? Sino nagsabi?"
"Yes, wag mo ng gagawin yun. Like i said, I know everything in this house than you do. Im the only one that you can trust of this time, tapos iniiwasan mo pa ko? I swear, I can kill people. Ayaw mo ng ganon right? Now, listen to me"
"Magpahinga ka na nga lang!" Tapos tinulak ko sya pahiga at buti na lang di na sya nagreklamo. Ang dami nyang alam! Ang hirap magsekreto sa kanya, take note between samin lang ni Jiyeon un usapan. Nakalimutan ko, nandun pala si Namju -_-.
"We'll push the dinner later, be ready. I will just take my time to rest ok?"
"Opo!" then lumabas na ko ng room nya, atleast di na ko mahihirapan pang umiwas sa kanya. Kahit 1 gabi ko pa lang syang iniwasan, nakakamiss din pala syang kausap kahit lagi kaming di magkasundo sa lahat ng bagay. Well, makapagprepare na nga lang para mamaya.
-----
A/N: waaahhh! Sorry super duper late update!
BINABASA MO ANG
Marrying A Mafia Boss
RomantikPaano kung dahil lang sa isang dare ay nagkakilala kayo ng isang Mafia Boss? At dahil dun mapipilitan kang magpakasal dahil na rin sa dare na iyon? Well, let's find out.. A/N: Hehehe newbie lang po si author at first story ko, sorry po kung hindi ko...