Chapter 32

13.7K 250 10
                                    

Ayesha PoV

Shock na shock pa rin ako sa mga nangyayari! Andito na kaming lahat sa dressing room at walang tigil sa paghingi ng sorry tong si Chase. Iilang araw pa lang kaming magkakilala ganyan na agad ginawa nya sakin >_<!

"Hey, Ayesha I'm very sorry to drag you into this situation! I didn't mean to I swear! Kailangan ko lang gawin kasi may sunod sakin ng sunod na babae. I can't rid of her, so I introduced you as my girlfriend!" may pa hawak-hawak pa sya ng kamay sakin.

"Ahhhh! Pano ko to ipapaliwanag kay Levi?"sa inis ko ay sinabunutan ko un sarili ko. Bahala na kahit magmukha akong bruha sa harapan nya! Nakakainis sya!

"Bakit ka ba sinusundan nun babae?"Micah, nangialam na sya sa usapan namin ni Chase dahil hindi ko na alam gagawin ko T_T

"Who's Levi? She's my ex, Allison. Sabi nya nabuntis ko sya at ako daw ang ama, but I'm pretty sure that every time we do it I have my protection."Chase, sabay napatungo na lang sya samin.

"Paano pag ginulo nun si Ayesha? Anong gagawin mo? At asawa nya un tinutukoy nya!"hala nagtataray na si Micah!

"Akong bahala, basta dapat hindi ka muna mapapahiwalay sakin para hindi ka nya guluhin. She's afraid of me"pagyayabang nya samin ni Micah! Takot pala sa kanya bakit hindi na lang sya umisip ng ibang paraan para layuan sya nun babae? Bakit kailangan ako pa?

Hindi na ako sumagot pa sa kanya, ang inaalala ko ngayon ay magiging reaction ni Levi. Hanggang ngayon ay hinihintay ko un tawag nya pero wala pa din. After ng show ay may after-party kami para magcelebrate kasama ang ibang sponsors. Nag-uuwian na un ibang audience pero wala pa rin paramdam si Levi sakin. Maya-maya ay nagvibrate un phone ko. Pagtingin ko ay nagtext si Zen.

'Hey Ayesha need your help! Levi is in trouble!'

Pagbasa ko ng text ay tinawagan ko na agad si Zen para tanungin kung nasan sila. Kinuha ko na un ibang gamit ko sa dressing room para makaalis na pero nakasalubong ko pa si Chase -_-

"Where are you going? The party is not started yet"at hinarangan nya ako sa dadaanan ko!

"Pupuntahan ko si Levi!"at nakikipagpatintero na ako makalusot lang sa kanya. Pero pag minamalas ka nga naman, sumabog pa lahat ng gamit ko sa harapan nya.

"Here, let me help you. Ihahatid na kita kung san ka man pupunta. Mahirap na baka nakaabang si Allison sayo"at kinuha nya na un mga gamit ko at sya na nagdala palabas hanggang sa makarating na kami sa kotse nya. "San ba tayo pupunta?"

"Sa Taki Bar, sabi malapit lang daw un dito"

"Ah I know that place, malapit nga lang un dito"at sinimulan na nyang paandarin un kotse nya. Nang makarating kami sa bar ay ang daming tao sa labas. Pagbaba naming ng kotse ay may narinig akong nag-uusap na dalawang babae.

'Ano ba yan dito pa nagwala si kuya. Sayang gwapo pa man din!'

'Hindi ah mas gwapo un umaawat! Hahaha!'

Mga malalandi! Sa pag-uusap pa lang nila alam ko na kung sino un tinutukoy nila! Hindi ko na sila pinansin at dumiretso na ako sa loob. Hinarang pa kami ng bouncer pero ng makita si Chase ay parang biglang natakot yun bouncer at pinapasok na kami bigla.

"Anong nangyari don? Regular ka dito no?"hindi na sya sumagot at nagkibit-balikat na lang sya. Pagdating namin mismo sa loob ay mayroon ng men in black na umaawat kay Levi sa pagwawala, pero hindi pa rin nila maawat. Tumatalsik lang sila pag hinahawi sila ni Levi. Nang makita ako ni Zen ay tumigil sya sandali sa pag-awat at tumakbo papunta samin.

"Hey Ayesha, hurry and stop this berserker!"tapos ay hinila na nya ako papunta kay Levi. Hindi pa rin sya natigil sa pagwawala dahil wala ng makaawat sa kanya. Nang makita ko sya sa malapitan ay ang dami na nyang galos sa braso kahit sa kamao nya nagdudugo na. Natatakot ako sa kanya dahil hindi ko alam kung pano sya patitigilin. Eh kung si Zen nga na mas malaki sakin walang nagawa, paano pa kaya ako?

Marrying A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon