Spectacular: One

1.8M 38.4K 14.5K
                                    

1.

Pinagmasdan ko ang professor namin sa Law habang naglalakad siya sa gitna at nagdi-distribute ng exam results. The sound of her stilettoes echoed on the cemented floor. Tinitingnan ng mga kaklase ko ang kanya kanyang results. Ang iba nadismaya pero may ilan ding natuwa.

"Akala ko talaga wala akong nakuha."

"Okay na 'to. Lahat naman tayo bagsak."

Dumaan sa tapat ko ang professor at binigay ang papel ko. Bumuntong hininga ako. Hindi ko ito tiningnan. Bumalik sa harap ang professor. Huminto ang kwentuhan at tumahimik ang klase.

"Am I disappointed?" tanong nito. "Probably. Dahil wala man lang pumasa sa inyo. What's happening with this section? The highest score you've got didn't even make it to the passing mark." She turned to my direction. Napatingin ang ilang mga classmates ko.

"Sabi ko nga siya ang highest."

"Hindi nakapagtataka."

Nag focus ako sa sinasabi ng professor. "You know me." she said. "Kapag bagsak, bagsak. Hindi niyo naman siguro ako gustong makita sa summer, hindi ba?" she stated with a slight tone of sarcasm. My classmates groan in unison. "I don't want to see you guys either so please, magfocus kayo."

Nang matapos ang kanyang lecture pinalabas na niya kami ng classroom. Paalis na ako nang marinig ko ang pangalan ko. "Miss Dizon." Tumigil ako sa paglalakad at lumingon.

"What happened?" tanong niya. "Hindi ka nakapasa sa exams na binigay ko. Isa ka sa inaasahan kong papasa. Is something bothering you?" I was caught off guard with her question.

"I'm fine, Ninang- Ma'am Rodriguez." pagtatama ko. Nasanay akong tawagin siyang Ninang kapag wala sa school. Magkatrabaho din sila ni Mama sa parehong Law Firm. Part time job niya ang mag turo sa university. "I guess hindi lang ako nakapaghanda."

"Well then." she said with a sigh. "You know how your Mom checks on you. Hindi siya matutuwa kapag nalaman niya ito."

Pilit akong ngumiti. "It's okay. Ako na ang bahalang magsabi sa kanya. You don't have to bother."

She gazed at me with concern. Hindi na siya ang professor ko kundi ang Ninang ko.

"Kapag nasa classroom, ako ay professor. Pero kapag tapos na ang klase, pangalawang magulang mo ako. You can tell me anything, okay?" She gave me an encouraging smile.

I tried to smile back. "I will it keep that in mind, Ninang."

Inayos ko ang pagkakahawak ko sa shoulder bag ko. Tuluyan akong nagpaalam at lumabas ng classroom.

I sighed. Naglakad ako palabas ng university. Madilim na ang paligid. It's seven thirty in the evening after all. Naglabasan na din sa mga estuyante na may evening classes tulad ko. Lahat tila pagod.

Pinuntahan ko ang itim na kotse na naka parada sa parking lot. Nang makalapit ako, binuksan ko agad ang pinto at pabagsak na umupo sa back seat.

"May dadaanan ka pa ba, Isabelle?" narinig kong tanong ni Manong mula sa driver's seat.

Umiling ako. "Derecho na po sa bahay."

Tahimik ang naging byahe namin pauwi. Pinagmasdan ko ang mga makukulay na ilaw sa labas habang mabagal kaming dumadaan sa downtown.

What happened, Isabelle?

Ito din ang gusto kong itanong sa sarili ko. It feels like I'm not being my usual self these past few days. I don't know why but everything seems draining me down.

Nitong nakaraan madalas akong nawawala sa focus lalo na pagdating sa academics. Madalas nadidistract at wala sa mood. Ang sabi ng mga senior students, ang junior year daw ang pinaka exhausting at challenging na year para sa course namin. Siguro nga napapagod lang ako.

Something SpectacularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon