Kabanata 3

1.7K 64 2
                                    

"Zander, alam mo naman'g hindi ako pwede?!" Inis na ani ko sa pinsan ko ng dumating sila ng kanyang mapapangasawa sa bahay.

"Ano bang problema rito, Carlo?" Tanong ni mama na kagagaling sa kusina.

"Kasi tita ayaw ni Carlo na bisitahin ang hotel sa Cebu. Hindi kasi ako makakapunta, kaya I asked him na siya nalang ang magpresenta roon na imbes ay ako." Palinawag pa ni Zander habang nakikinig lang sa amin si Alexandra.

"Bakit ayaw mong pumunta anak? Isa pa magpipinsan kayo dapat na magtutulungan kayo sa negosyo. Alam kong pagmomodelo ang gusto mo Carlo, pero hindi naman tama yang inaasta mo anak." Pangaral sakin ni mama.

"Pero ma, alam niyo naman na busy ako sa mga pictorials ko." Pangatwiran ko sa aking ina.

"Anak, baka nakakalimutan mong hindi kina Zander ang negosyong yan. Sa atin yan, hindi maibigay bigay sa iyo kasi career ang inuuna mo. Kaya si Alexander ang pinakiusapan namin ng papa mo. Dahil sa ayaw mo at hindi ka pa handa. Hindi naman ata tama na siya nalang palagi ang mag-asikaso roon. Dahil may negosyo rin siyang inaatupag. Whether you like it or not, you have to do what he asked or else I will tell your dad na kumalas ka na sa pagmomodelo. So that you can totally give your time in our business." Naigting ang bagang ko sa sinabi ng aking ina.

"Fine, I will do it. Tss." Napabagsak akong umupo sa sofa. I'm really weak in choosing. Kaya para hindi mawala ang bagay na gusto ko gagawin ko na lang ang bagay na ipinagpipilit sakin.

"Oh siya, Zander salamat hijo ha akyat muna ako." Ani pa ng aking ina sabay ngiti pa sa pinsan ko na hindi ko iyon napansin at umakyat na sa taas.

"Pambihira naman oo..
Nag-usap na tayo noon tungkol sa hotel Zander diba at umu-o ka. Tapos ngayon aayawan mo?" Naiinis talaga ako sa kanya.

"Tatlong araw lang naman yun Carlo. Isa pa, may punto rin si Tita Lara. Negosyo niyo yun and besides si Nathaniel lang ata ang nakikilala ng mga empleyado niyo. Pero si Carlo Anthony Montebello, wala talagang nakakakilala sa kanya. Anu ba yan..." Asar pa niya sakin at binigyan siya ng maiinom ni Alexandra.

"Salamat babe." Napangiti ako habang nakatitig sa kanila. Coz it's been a year simula noong nakilala namin si Alex and to think isa ako sa pinagselosan ng pinsan ko. Napailing nalang ako sa desisyon ni mama.

"Isa pa, alam mo ba ang mga chismis doon sa hotel. I bet you have to hear this. Sabi pa nila, kaya siguro hindi nakagawi ang amo nilang si Carlo Montebello dahil siguro pangit." Ngumisi pa siya at tumawa rin si Alexandra.

"Pangit na pala ang tingin sayo ng mga empleyado mo Carlo."ani ni Alex inaasar talaga ako ng dalawang ito.

"Hell I care, isa pa wala naman talagang makakakilala sakin. Kasi Carlo lang ang dinala kong pangalan sa modeling." Sagot ko.

"Eh bakit Carlo lang, walang Montebello?" Tanong ni Alex with matching curious face.

"Kasi babe, ayaw niyang dumami ng husto ang mga babae niya. Carlo pa nga lang yung dinala niya, nagkakandarapa na ang mga babae. Papano nalang kung may Montebello siguro dodoble o tritriple ang mga babae niya." Natatawang ani pa ni Zander.

"Gago!" Sabay tapon ko sa kanya ng unan...

"Bakit totoo naman ah." Inaasar talaga ako ng ugok na to.

"Nakakatuwa naman kayong tingnan, talagang ang higpit ng closeness niyong magpipinsan ano." Puri ni Alex.

"Oo naman dahil ganito yung upbringing ng pamilya namin babe."

"At ayaw kasi nina Daddy Louis at Mommy Maxine na magkanya-kanya kaming magpamilya." Sambit ko pa at napatingin ako sa malaking picture frame nina grandma and grandpa nung bagong kasal pa sila na nakasabit yun sa taas ng aming fireplace.

Pangarap Ko Ang Ibigin Ka (MS2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon