Ilang araw at gabi akong balisa. Nang dahil sa pangyayaring iyon. Coz I still remember everything and it gives me blue. Everytime I think of him...
Ganoon parin ang tingin ng mga tao sakin sa opisina. Na para bang wala ng ibang tao silang nakikita. Kundi ako lang!. Ganito ba talaga ang sikat o pinasikat ng sinauna...
Napabuntong hininga na lang ako. Habang ginagawa ko ng mabuti ang aking trabaho. Wala naman kasing magandang nangyayari sa buhay ko. Maliban sa nakita ko si Carlo ng personal. Pumalpak pa talaga dahil sakin...
Ano pa bang maipagmamalaki ko? Para kahit papano maiangat ko ang sarili ko sa kahihiyan.
Simple lang Ren. Baguhin mo kahit konti ang pananamit mo..
Papano ko ba babaguhin? Eh sa hindi ako marunong. Ito na ang nakasanayan ko. Hay nako!... sasakit lang ang ulo ko sa bagay na yan! Tss.
Ginabihan ako ng mga araw na yun nang nag-aabang ako ng taxi pauwi. Hindi ko namalayan na may tao palang tumabi sa kinatatayuan ko.
"We met again." Aniya at napalingon ako sa kanya.
"Uie... kumusta na?" Ngumiti ako sa kanya at sinuklian rin niya ako ng isang matamis na ngiti.
"Ok lang... napadaan lang kasi ako sa simbahan." Aniya na may kislap ang mga mata.
"Ah...kaya pala." Napatangong ani ko.
"Pauwi ka na? Gusto mo ihatid na kita?" Alok niya.
"Ha!? Ay nako.. wag na Paul kaya ko namang mag-taxi." Tanggi ko.
"Sige, Ren... I insist, please pagbigyan mo na ko." Ani niya na para bang nagpapacute.
I narrowed my eyes para usisain ang kanyang mata. Then I found out nothing. Maybe he really want to drive me home...
"Sige na nga! Mapilit ka e. "Ani ko na nakangiti.
"Yan.. mas gusto ko na palagi kang nakangiti. Kasi mas lalo kang gumaganda." Ani pa niya. Bahagya akong natigilan sa kanyang sinabi.
Maganda ako??! Yun ba ang narinig ko????? Sabihin niyo kong totoo ang narinig ko at hindi guni-guni!?
"Tayo na?" napalingon siya sakin..
"Ah! Oo!." Napapitlag ako at sumunod sa kanya.
Pinagbuksan niya ako ng pinto at umikot siya sa may driver seat. Nilingon niya ako at nilapitan ako.
As in sobrang lapit na ng mukha niya sakin... Hindi ako gumalaw para akong batong nakatitig lang sa kanya.Gosh!!! Ano bang gagawin niya?!! Hahalikan ba niya ako!? Diyos ko! Huwag naman sana...
Natigilan ako ng kinuha niya ang seat belt sa bandang gilid.
"You need to put your seat belt on." Nakangiting ani niya. Nabango ko ang kanyang pabango. Na siyang nanunuot sa aking ilong. Napatangu-tango na lang ako.
Bumalik na siya sa kanyang pagkakaupo at inayos ang sarili. Dahan-dahan akong huminga ng maluwag.
Ngumiti siya't napa-iling. Bago pinaandar ang kanyang sasakyan. Tahimik lang ako habang nasa loob ng kanyang kotse.
"Ren, pasensya ka na kanina ha? Medyo bumilis ang kilos ko. Nakalimutan kong bago pa lang tayo magkakilala." Sumeryoso siya at sumulyap siya sakin at binalik ang tingin sa daan.
"Y-yun ba?" Ani ko.
"Oo, alam ko kasing nabigla ka sa ginawa ko. I'm sorry." Aniya at sinulyapan niya ulit ako.
"Ok lang yun." Ani ko. Pero sa totoo lang natakot ako sa posible niyang gawin sakin.
"Sabi nila kapag dun ka sumisimba ay magkakatotoo raw yung mga dasal mo. Para sayo naniniwala ka ba?" Tanong ko sa kanya kasi nakakapanis naman ng laway kapag hindi ako magsasalita diba?...
BINABASA MO ANG
Pangarap Ko Ang Ibigin Ka (MS2)
RomanceIsang nagngangalang Carlo ang bumihag sa puso't isipan ni Glaiza Rain Medel. Ngunit sa isang di sinasadyang pangyayari ay nakita niya ang totoong ugali nito. Paano niya iiwasan ang binatang minsan ng umangkin sa kanyang puso't isipan? Lalo na't pin...