It's been three months since Paul passed away. She decided to resign in her job. Dahil araw-araw niyang naaalala ang binata.
On the day that Paul's body was cremated. It was her last time that she saw Carlo too. Eventhough, her deceased boyfriend asked Carlo to protect and take care of her. But the thing is she didn't agreed with it.
Matapos niyang umalis sa trabaho ay nasa bahay lang siya palaging nagmumukmok. Ni minsan hindi siya nag-atubiling lumabas man lang. Kaya naman dinadalhan na lang siya ng kanyang ate ng pagkain.
Araw-araw siyang ganun, kinukulong ang sarili sa kalungkutan. Dahil sa pagkamatay ng binata. Hindi naging madali para sa kanya na tanggapin ang lahat. Maging ang patawarin ang kanyang sarili.
Walang araw na hindi niya tinitingnan ang kanilang mga kuha ni Paul sa kanyang camera. Lahat ng mga masasayang araw niya na kasama ang binata. Ay binabalik-balikan niya sa kanyang isipan.
She was totally in despair in her grief because of what happened. Even if, she wanted to turn back the time. Para lang na makasama pa ang binata ng mas matagal pa. Gagawin niya iyon. Lahat gagawin niya para sa mahal niya. But sadly it was too late.
Habang nakaupo siya sa kanyang kama. Niyakap niya ang kanyang dalawang tuhod. Habang nakalapat ang kanyang baba rito. Naglakbay ang kanyang diwa sa huling pinag-usapan nila ni Carlo.
"Hindi ko ito matatanggap! Napakarami ng pwede niyang hilingin bakit yun pa." Mariing aniya.
"Maging ako man Ren, sa tingin mo ba gusto ko rin ang kahilingan niya? Syempre hindi. Ngunit wala akong magagawa dahil matalik kong kaibigan si Paul."sagot ng binata.
"I won't allow you Carlo. If you think, na papayag ako. Nagkakamali ka!" Asik niya rito at bahagyang tumayo palapit sa mga magulang ni Paul.
Bumalik ang kanyang isipan sa kasalukuyan. Nang may kumatok sa kanyang pinto. Hindi siya kumibo at binuksan na lamang nito ang pinto para makapasok.
"Hija." Ani ng kanyang tita at lumapit sa kanya't umupo sa kanyang kama.
Ngunit hindi siya umimik. Nanatili lamang siyang ganun.
"Alam kong, napakahirap ng dinanas mo ngayon. Pero sana huwag mong hayaang ilugmok mo ang iyong sarili dahil sa kalungkutan. Kahit nawalan ka ng minamahal andito parin kami para sayo hija." Esplika ng kanyang tiyahin. Napatingin siya rito na lumuluha. Damang-dama parin niya ang pighati.
"Hija, hindi masama ang maging malungkot. Ngunit, sa ginagawa mong yan. Hindi matatahimik ang kaluluwa ni Paul. Dahil hindi mo matanggap ang sinapit niya at maging patawarin ang sarili mo." Dagdag pa nito sa kanya.
"Tita, ang hirap lang ho kasi..." mabilis siyang napayakap rito habang umiiyak.
"Alam ko, alam ko. Hindi ko rin gusto na magkakaganyan ka. Mas lalong mahihirapan kami ng ate Giselle mo. Ren, please forgive yourself. It's not your fault. Maybe God has a plan for you. Kaya nangyari ang lahat ng ito. So please hija, don't blame yourself. Walang sinuman ang may gusto sa mga nangyari." Hinihimas nito ang kanyang likod. Huminga siyang malalim at lumayo na kaunti rito.
"May ibibigay sana ako sayo. Pero alam kong hindi ka pa handa para rito. Kaya ipagpapaliban ko muna." Anito at tumango lamang siya.
"Hija, please stop blaming yourself okay?" Anito at hinalikan siya nito sa kanyang noo. Napatango na lamang siya rito. Nagpatuloy ng lumabas ang kanyang tiyahin sa kwarto niya.
Tumayo siya't nagtungo sa bintana. Nasa malayo ang kanyang paningin. Habang minamasdan ang bawat paligid na nasisilayan ng kanyang mga mata.
"Paul, how I wish I could turn back the time." Tumulong muli ang kanyang luha. May naramdaman siyang malamig na hangin na dumapo sa kanyang katawan.
BINABASA MO ANG
Pangarap Ko Ang Ibigin Ka (MS2)
RomanceIsang nagngangalang Carlo ang bumihag sa puso't isipan ni Glaiza Rain Medel. Ngunit sa isang di sinasadyang pangyayari ay nakita niya ang totoong ugali nito. Paano niya iiwasan ang binatang minsan ng umangkin sa kanyang puso't isipan? Lalo na't pin...