Kabanata 11

1.3K 44 0
                                    


"Next, Carlo and partner!" sigaw ng bakla.

Ano!!! Kami na agad??? Pwede bang mamaya na lang. 

Napailing ako at tumayo dahil tinatawag na ako ng bakla.

"Hija, napakaabsent minded mo naman kanina pa kita tinatawag." iritang ani nito.

"Pasensya na po." Ani ko.

"Ok, this shoot is for Closeup, and it should be romantic and intimate. Dapat ay at ease kayong dalawa sa isat-isa ok. Your dress is fair enough mamaya ka na lang magbihis." He demanded.

Romantic??? What if kung magbackout nalang kaya ako. Ayaw kong mapalapit sa mokong na yan!

Nakatayo lang ako na parang ayaw kong gumalaw.

"Sige na hija. Wag ka ng maarte hindi ka naman kakagatin ni Carlo."

Napangiwi ako sa sinabi ng baklitang toh. Habang si Carlo naman ay nagmartsa nasa gitna. Halatang handang handa na. All I can see, is his teasing eyes. Hindi ko alam kung anong balak niya o anong iniisip ng kumag na to! But I have to be careful.

"Ganito ang gawin mo hija ha, tignan mo ko kasi idedemostrate ko sayo para makuha mo. Hahawakan mo ang batok ni Carlo na nakatingin ka sa kanya. Ganun lang kasimple. Dapat makikita sa camera na full of love kayong dalawa ok. So, Lets start."

Lumapit ako sa kanya na kinakabahan. Before, it was my entire dream. Subalit nag-iba na ang ihip ng hangin simula ng pinahiya niya ko... Ganito pala kapag, your just playing the part... Kakabahan ka kasi hindi naman totoo.

"Sige na hija, gawin  mo na." Ani ng bakla. Dahan-dahan kong inaangat ang aking kamay patungo sa kanyang batok. Subalit tila nainip na ata si Carlo at siya na mismo ang naglagay ng kamay ko sa kanyang batok.

Nanuyo ang lalamunan ko't bahagyang kumakabog ang aking dibdib. Hinapit niya ang aking baywang para mas lalo pa kaming magkalapit.

"Nice move Carl..." puri pa ng bakla.

"Just relax... coz I can feel you trembling." Mahinang ani niya habang tinititigan niya ako't nakangiti. Kahit sa simpleng salita lang niya'y nakakatindig balahibo na.

Ako naman ay parang nalula sa bawat titig na binibigay niya sakin. Talagang kinakabahan ako ngayong nagkalapit na nga kami. Hindi lang sa nakita ko siya ng personal kundi talagang magkalapit na kami. Nang sobrang sobra daig pa namin ang magsyota.

"Hija, ngumiti ka naman, kasi para sa Closeup to. And think happy thoughts." Nairita na tuloy ang bakla dahil para akong patay na nakatitig lang kay Carlo.

I force to smile while my both hands lean on his shoulders. Panay rin ang picture ng photographer habang nanginginig ako sa kaba.

"Good. Ibang pose naman." Kumawala agad ako sa kanya.

"Iba na naman, pwede bang---" hindi ko na natapos ang pagrereklamo ko. Dahil bigla na lang niya akong niyakap mula sa aking likod.

"Ano, Enrico pwede na ba ang pose na toh?" Pilyong ngiti pa niya. At napalingon ako sa kanya. Tamang tama ang pagkuha ng photographer.

Sa mga ngiti pa lang ni Carlo ay parang bumabalik ang damdaming gusto ko ng mawala simula nong pinahiya niya ako sa napakaraming tao.

"Kahit kailan Carlo, alam mo talaga ang ginagawa mo." Nakangiting ani pa ng bakla.

Habang magkalapit kami ay naamoy ko ang napakabango niyang perfume. Ilang sweet pose ang ginawa namin. Halos mahimatay na ako sa bawat paghawak niya sa aking baywang.

Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang mga palad na bumibigay ng anumang sensasyon sa buo kong katawan. Ang milyon-milyong boltahe na pumupukaw sa nagagalit kong puso...

Pangarap Ko Ang Ibigin Ka (MS2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon