Nang nakalabas na kami ng restaurant ay bahagyang tumunog ang kanyang phone. At sinagot niya yun at nag-excuse samin.Nakita ko ang facial expression niya na nagulat na parang bang nag-aalala at kinakabahan. Nakita kong mabilis niyang pinutol ang tawag.
Pinindot niya ang car remote at pinagbuksan niya ng pinto si tita.
"Should I open the door for you? Anyways, your used to it." Malamig niyang ani napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. At umikot siya sa driver seat. Ano bang problema niya?
Kung kaya't ako na lang mismo ang nagbukas ng pinto. Ni isang sulyap sa kanya'y hindi ko ginawa.
"Is there something wrong, hijo?" Usisa ni tita.
"Wala naman ho miss. Thanks for tonight po." Aniya.
"Walang anuman, isa pa kami nga dapat ang magpasalamat sayo hijo." Kiming ngiti ang sumungaw sa mga labi niya. Nag-usap rin sila ni tita ng mga bagay-bagay tungkol sa kanilang mga outlook sa buhay at trabaho hanggang sa makauwi na kami sa bahay.
"Hijo, maraming salamat talaga ha." Sabi pa ni tita sabay senyas sakin na magpasalamat sa kanya.
"Salamat sa oras mo Carlo." Ani ko at ngumiti lang siya. Ngiting hindi katulad kanina na punong puno ng kaligayahan.
Lumabas na kami sa kanyang kotse at nag-wave bye si tita sa kanya. Isang busina ang ginawa niya at sabay kaming pumasok sa loob ng bahay.
"Ren, nabatid ko kanina ang tensyon niyo ni Carlo. Bakit may nagawa ba siya sayo?" Tanong pa niya ng nasa tapat na kami sa pintuan.
"H---ho?! Wala po tita. Diba po kayo na ang nagsabi na mabait siya?" Kinabahan ako kung ano ang isasagot ko sa kanya.
"Oo mabait nga siyang bata. Dapat hindi ganon ang inaasta mo Ren."
"Sorry po tita, it won't happen again."
Ani ko sa kanya di halatang nagpapapel si Carlo sa mga mata ng tita ko at ako pa mismo ang naging masama.Binuksan ko ang pinto, mabuti nalang at hindi gaanong marami ang dinala naming gamit pauwi. Kundi mahihirapan talaga kami ng bonggang-bongga.
- * - * - * - * - * - * -
"Kumusta na siya? Ano ng balita?" Nangangambang tanong ko sa kabilang linya.
"Nasa delivery room na siya ngayon, Carlo at hinahanap ka niya."
"Sige, darating na ako dyan saan'g ospital ba kayo?" Tanong ko.
"Nasa Saint Luke's kami, sina mommy ay papunta palang rito, mabilis kasi ang mga pangyayari."
"Sige, basta wag kang mawalan ng pag-asa ok, bye." Ani ko at ini-off ko ang phone at binilisan ko ang aking pagmaneho.
Parang isang iglap lang ay narating ko agad ang Saint Luke's Hospital. Mabilis akong pumarada sa parking lot at tumakbo patungong information."Nasaan ba ang delivery room niyo miss?" Tanong ko.
"Diretso lang po kayo sa hallway na yun tapos kumanan po kayo."
"Thanks." Halos takbuhin ko na ang hallway patungong delivery room. Nakita ko sa may kalayuan si Francis na nakayuko.
"France, did you call Tito Damian and Tita Christine about this?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Pangarap Ko Ang Ibigin Ka (MS2)
RomanceIsang nagngangalang Carlo ang bumihag sa puso't isipan ni Glaiza Rain Medel. Ngunit sa isang di sinasadyang pangyayari ay nakita niya ang totoong ugali nito. Paano niya iiwasan ang binatang minsan ng umangkin sa kanyang puso't isipan? Lalo na't pin...