Hinatid sila ng driver kung saan naroon ang yating regalo sa kanila ng grandma ni Carlo.
"Carlo, matanong ko lang. Ganoon ba talaga kayo kung mag-usap? Ang titinik."
Bahagya pa itong napangisi.
"Are you afraid baby?"
"Of course not, nakapagtataka lang kasi. Lalong lalo na tayo."
"Why? What's about us? May problema ba tayo?" Nag-aalangang ani nito sa kanya na natatakot pa.
"Wala ah... loko." Sabay hampas niya sa braso.
"Ano nga kasi?"
"Kasi nga kasal na tayo pero hindi pa kaya kita masyadong kilala."
"Don't worry too much. I'm not a murderer. But you can call me the man in your dreams." Ani pa nito sabay taas ng mga kilay. Nananadyang asarin siya.
"Ehhh... nakakainis ka naman eh. Binibiro mo naman ako eh." Pagmamaktol niyang sabi.
"Baby, you will know everything okay? So don't be rush. I love you Ren." Ani pa nito sabay halik sa kanyang pisngi.
Ilang sandali ay narating na nila ang daungan kung saan naroon ang yati nila.
"Stay here, I'll open the door for you." Anito at palihim siyang kinilig. Bumaba ito at pinagbuksan siya ng pintuan ng kotse.
Inalalayan pa siya para makababa siya.
"Ganito ka ba sa lahat ng mga babae mo noon?" Nakataas-kilay na tanong niya.
"No, and besides you are my wife and not just a girl. Baby, please naman wag ka ng mag-isip ng masama please." Namumungay pa ang mga matang ani ni Carlo.
"Tinatanong kita sagutin mo naman ako."
"Hindi nga."
"Sir, dito po tayo." Singit ng lalaki.
"Okay, susunod na lang kami." Nagpaalam na sila sa tauhan ng lola ni Carlo.
Habang dahan-dahan siyang humahakbang paakyat sa yati. Sa laking gulat niya ay binuhat siya ni Carlo.
"Ibaba mo ko Carlo, mahuhulog tayo."
"We're definitely going to be fall if you keep on moving." Matigas na ani nito sa kanya habang buhat-buhat siya. Lovers carry.
Hindi naman naging mahirap para sa binata na buhatin siya. Dahil simple lang ang pagkagawa ng kanyang damit pang-kasal.
They look like a perfect couple to each other. Nakakainggit kapag may ganito kang asawa. Ginugulat ka sa mga gagawin niya. Unpredictable but still there is an enjoyment.
Kaya napahawak na lamang siya sa batok nito.
"Bakit ba palagi mo kung inaasar?" Nakangiting aniya na napahaplos sa pisngi nito.
Ngumisi lang ito at dinampian siya ng mabilis na halik. Carlo is so sweet and full of passion. Para na talaga siyang nahuhulog sa bitag ng gwapo niyang asawa.
Ang bawat mga ngiti nitong pinupukol sa kanya. Ang mga yakap nitong kay higpit. At ang mga halik nitong kay sarap.
She feels like she's in heaven. At hindi niya pinagsisihan na nakasal siya sa binata. Kahit na set-up ang naging kasal nila. Masaya parin siya. Bihira lang mangyari ang ganitong bagay sa mundo. Kaya pinapasalamatan niya iyon sa Poong Maykapal.
"Baby, magbihis ka muna." Ani nito sa kanya.
Tumango na lang siya at pumasok sa kabina nila para magbihis habang naglalayag na sa dagat.
BINABASA MO ANG
Pangarap Ko Ang Ibigin Ka (MS2)
RomanceIsang nagngangalang Carlo ang bumihag sa puso't isipan ni Glaiza Rain Medel. Ngunit sa isang di sinasadyang pangyayari ay nakita niya ang totoong ugali nito. Paano niya iiwasan ang binatang minsan ng umangkin sa kanyang puso't isipan? Lalo na't pin...