"Goodmorning ma." Bati ko kay mama sabay halik sa pisngi nya habang naghahanda ng breakfast.
"Kailan po ba uuwi si papa at John, ma?" Tanong ko sa kanya at umupo para kumain ng agahan.
"Siguro sa kasal nina Alexander alam mo naman ang papa mo maraming inaasikasong negosyo dun sa States. Yung kapatid mo naman pipilitin pa ng papa mo para umuwi." Tumango ako at dumating si grandma sa dining. Nakapagligo at nakabihis na.
"Goodmorning mi." Bati ko at tumayo ako sa kinauupuan ko para humalik sa pisngi niya't inalalayan ko siya para makaupo.
"Salamat hijo ha, wala ka bang trabaho ngayon?" Tanong niya sakin.
"Meron mi pero mamaya pa ako pupunta sa pictorial. Pwede naman pong ma-late kahit once lang. Saan po pala kayo pupunta mi?" Tanong ko kay grandma at sumubo ng sandwich na ginawa ni mama.
"Sa puntod ng Daddy Louis mo." Natigilan ako baka may nakaligtaan kami. Pero hindi pa naman death anniversary ni daddy.
"May nakalimutan po ba kami mi? Diba po matagal pa naman ang anniversary ni daddy mi."
"Wala kayong nakalimutan hijo. Pupunta lang ako kasi gusto kung bumisita. Lara hindi ka ba sasama samin ng anak mo?" Tanong pa niya kay mama.
"Ma, gustuhin ko man sumama pero may tatapusin pa kasi ako sa opisina. Ok lang ba na hindi na muna ako sasama ma?" Mahinahong ani ng aking ina. At inilapag ang pagkaing hinanda niya sa mesa.
"Walang problema anak ang importante may kasama ako papunta sa puntod ng papa mo." Ani pa ni grandma.
Sa kalagitnaan ng aming pagkain, palagi nalang ang naging subject namin ang negosyo. Dahil ang pagiging seryoso sa mga bagay-bagay ay kailangan talagang pagtuonan ng pansin.
Alam kong ako ang pinaparinggan nila hanggang sa na-hot seat na talaga ako.
"Hijo, nasabi sakin ni Zander na gusto mo raw na maging bachelor lang."
Dammit! Ang Alexander na yun!napamura ako sa aking isipan.
"It's not a question right, mi?" At umiling pa siya habang si mama naman ay nakikinig lang.
"Mi, what I mean is, hindi pa ako handa para sa mga seryosong bagay. Lalo na ang gusto niyong mangyari. Hindi naman po ata tama yan mi." May konting inis kong ani.
"Anak, hindi naman sa ganun yun. Ang amin lang naman mas magiging panatag kami, when you take things seriously." Ani pa ng aking ina. Isa pa si mama, lahat na lang ata sila ganito ang iniisip sakin.
"Like what ma? I am taking things seriously especially my career and also the agency." Hindi ko napigilan ang sarili ko na sumagot.
"Hijo, alam naman namin yan. Pero ang planong maging isang single lang hindi ako makakapayag niyan. Your good-looking ang gorgeous guy bakit mo naman iisipin na maging single lang." grandma stated.
Talaga bang pinagtutulakan nila akong mag-asawa.
Fuck!!! Sa ayaw ko pa nga! Ba't ba nila ako pinipilit!
"So, mi your trying to say. Is I had to pick some girls, just to make my wife immediately?" Sarkastikong ani ko habang pinipigil ko ang aking temper dahil sa inis.
"Its not like that apo, ayaw ko lang na maging ganyan lang palagi ang routine mo sa buhay. Your serious in comes to your job, but you haven't think other things like being settle down." Ani pa ni grandma habang umiinom ng juice.
"Of course mi, I do think about that. But this is not the right time for me. I hope you will understand my decision." Seryosong ani ko sa kanila.
"Sige hijo, I will look forward to that. Kasi ayaw kong may isa sa mga apo ko ang nagkakaganyan. You know that girls are not a toy." Paalala niya sakin.
BINABASA MO ANG
Pangarap Ko Ang Ibigin Ka (MS2)
RomanceIsang nagngangalang Carlo ang bumihag sa puso't isipan ni Glaiza Rain Medel. Ngunit sa isang di sinasadyang pangyayari ay nakita niya ang totoong ugali nito. Paano niya iiwasan ang binatang minsan ng umangkin sa kanyang puso't isipan? Lalo na't pin...