Nang dumating na sila sa airport ng Davao. Tumigil ang kanyang ate sa paglakad.
"We're here at last." Nakangiting sambit ng kanyang kapatid.
"Tama ka nga ate. Matagal rin ang ilang taon." Aniya at nagpatuloy silang lumakad para kumuha ng masasakyang taxi.
Nakaupo ang kanyang ate sa frontseat at siya naman sa backseat. Habang nililipat ng driver ang kanilang mga bagahe para ilagay sa trunk ng taxi.
Nang nakasakay na ito sa driver seat. Kaagad na pinaandar nito ang sasakayan.
"Manong sa may bus terminal po tayo." Ani ng kanyang ate.
"Opo ma'am." Pagkuwa'y hinatid sila nito sa bus terminal. Naging estranghero sila sa lugar. Dahil matagal-tagal narin silang hindi nakakauwi. Mas lalong umusbong ang lugar kompara nung huling araw nila itong nilisan. Nakatayo lang sila sa may gilid ng isang tindahan sa loob ng terminal.
"May pagbabago na pala sa lugar ate."aniya.
"Pansin ko nga. Ayon, may bus na papuntang Toril." Turo ng kanyang kapatid. Kaagad silang lumapit sa kinaroroonan ng bus para makasakay na.
Mabuti na lang ay hindi gaanong marami ang dinala niyang gamit. Kaya naman, medyo madali lang sa kanya na buhatin ang bagahe niya.
Humanap sila ng mauupuan hanggang sa nakakita nga sila. Ilang sandali lang ay lumapit sa kanila ang isang lalaki na nagbibigay ng ticket.
"Saan kayo papunta ma'am?" Tanong nito.
"Uhm.. sa Eden Garden ho manong." Sagot niya.
"Pero hanggang highway lang po kami ma'am."anito.
"May sasakyan po bang papasok roon manong?"
"Meron naman." At binigyan sila ng dalawang ticket. Binayaran nila iyon kaagad.
Ilang sandali lang ay napuno na ang bus na kanilang sinasakyan. Pagkatapos ay umalis narin sila sa terminal.
"Ate sa tingin mo, ano na kaya ang magiging itsura ng Eden Garden?" Tanong niya.
"Hindi ko alam." Kibit balikat nitong sabi.
She's so excited. Finally, one of her dream come true. Ang makapunta ulit sa lugar na iyon. May kalayuan ang byahe nila. Kaya nakatulog siya ng bahagya.
Nagising na lamang siya sa hinto ng bus. Dahil sa may bumabang pasahero.
"Malapit na ba tayo?" Tanong niyang bigla. She's half asleep.
"Malayo pa, sige matulog ka na muna dyan." Ani ng kanyang kapatid.
Hindi niya alam kung ilang oras siyang nakatulog. Basta ang alam niya mahaba iyon.
"Ren! Gising! Andito na tayo." Yugyog ng kanyang ate.
"H-ha?" Ani niya at napahikab siya.
"Andito na tayo. Let's go." Kaagad niyang nakuha ang sinabi nito. Kinuha niya ang kanyang mga gamit. Kahit medyo nahihilo pa siya ng konti dahil sa biglaan niyang pagtayo.
Pero kinaya niya parin. Hanggang sa makababa sila sa bus. Nakita nila ang isang karatulang papasok sa Eden Garden.
"Ate, malapit ng gumabi. Sana may dumaang taxi rito." Aniya at naroon lamang sila sa may highway. Umaabang ng taxi papasok sa mismong lugar.
Nang may namataan silang paparating na taxi. Ay kaagad nila iyong pinara.
Nang huminto ito sa harapan nila. Bumaba ang lalaki para kunin ang kanilang mga gamit at nilagay sa trunk ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
Pangarap Ko Ang Ibigin Ka (MS2)
Roman d'amourIsang nagngangalang Carlo ang bumihag sa puso't isipan ni Glaiza Rain Medel. Ngunit sa isang di sinasadyang pangyayari ay nakita niya ang totoong ugali nito. Paano niya iiwasan ang binatang minsan ng umangkin sa kanyang puso't isipan? Lalo na't pin...