"Hijo, tumuwag ang kapatid mo. Bakit hindi raw macontact ang phone mo. Dahil may importante siyang sasabihin sayo. Better call him right now, Carlo." Ani pa ni mama ng makita ako sa terrace na nakaupo.
Tinanguan ko lang siya, ng maalala ko ang nangyari sa akin sa studio. Nadala ako sa galit, minura ko siya ng sobra, minaliit kahit hindi ko siya lubusang kilala.
"Bro." Tawag sakin at napalingon ako sa kinaroroonan nito. Nang namataan ko kung sino siya agad ko siyang kinawayan para pumasok sa loob ng bahay.
Bumaba ako sa staircase at nakangiting sinalubong ko ang aking kababata.
"Kelan ka pa dumating?" Ani ko sabay hi-five at napayakap sa kanya.
"Last week pa bro, hindi naman ako tumagal doon sa America dahil mas gusto ko rito. Ikaw kumusta ka na? Balita ko ang sikat mo na bilang isang modelo." Nakangiting aniya.
"Sikat? Hindi pa nga e..." biro ko sa kanya. Bata pa kami ay magkaibigan na kami nitong si Paul. Naging malapit rin ang pamilya namin kaya parang kapatid narin ang turin ko sa kanya.
"Hindi pa ba sikat para sayo, yung may mga billboards akong nakita sa labas ng mall at sa may sideways. I'm sure maraming nagkakandarapa dyan sa six pack abs mo." Natatawang ani niya.
"Mayroon ka rin naman ah... So, what brings you here?" Ngumiti ako.
"Yayain sana kitang mag-bowling. Gaya nung nakagawian natin noon nung mga bata pa tayo..." Maaliwalas ang kanyang mga mata na punong-puno ng kasiyahan. Marami kaming ginagawa nung kabataan namin kaya siguro na mimiss niya ang bonding naming dalawa.
"Sige ba... kailan ba ang gusto mo?" Ani ko sa kanya na hindi ako makapaniwala na sa ilang taon namin'g hindi nagkita ay naalala pa niya ako.
"Mga next week siguro bro. Ok lang ba sayo yun?"panigurado niya.
"Oo naman... at least we have sometime to bond again right?" At nagtawanan kami... Buwan lang ang agwat ng aming kapanganakan. Kaya naman magkasundo kami sa lahat ng bagay.
"Hijo, sino bang kausap mo?" Tanong ni mama ng lumabas galing kusina.
"Ma, si Paul andito." Ani ko.
"Hello po Tita Lara?" Nakangiting bati niya sa aking ina..
"Naku ikaw'ng bata ka. Kumusta ka na, ha? Ang tagal mong hindi bumisita sa amin ah." Nakangiting ani ni mama at lumapit samin. Nagmano naman ang kababata ko sa aking ina.
Ganoon rin kasi pinalaki si Paul. Family-oriented rin kagaya ng pamilya namin.
"Ok lang po ako tita. Galing po akong America kaya matagal-tagal rin akong hindi napadpad dito." Aniya.
"Ganoon ba. Sina Miguel at Marissa, kumusta na?" Tanong ni mama.
"Ok naman po sila tita. Darating rin sila by last week of the month po. Nauna lang po akong umuwi."
"Kailangan talaga nilang umuwi dahil marami kaming pag-uusapan." Ngiting ani ng aking ina.
"Oo nga po."
"Carlo hijo, huwag mong kalimutan na tawagan si Nathaniel ha. Sige dito muna ako sa kusina. Maghahanda muna ako ng meryienda niyong dalawa." Ani ni mama at bumalik sa kusina.
"Siya nga pala, si Nate kumusta na?" baling niya sakin.
"Ayon, nandoon sa Cebu inaasikaso ang negosyo. Kasama niya si Zander sa pagpapatakbo nito." Ani ko.
BINABASA MO ANG
Pangarap Ko Ang Ibigin Ka (MS2)
Lãng mạnIsang nagngangalang Carlo ang bumihag sa puso't isipan ni Glaiza Rain Medel. Ngunit sa isang di sinasadyang pangyayari ay nakita niya ang totoong ugali nito. Paano niya iiwasan ang binatang minsan ng umangkin sa kanyang puso't isipan? Lalo na't pin...