Napuna ng dalaga na dumarami na pala ang mga taong naroon. Niyaya siya ng kanilang grupo na maghapunan muna.
Syempre kasama ang kanyang ate at tiyahin. Lahat sila ay naroon maliban sa isa.
"Teka, nasaan na ba si Carlo?" Puna pa ni Camille. Napakibit balikat ang iilan sa kanila.
"Huwag niyo ng hanapin si Carlo." Ani pa ni Enrico. Nagtaka siya kung bakit ganun na lang ang reaksyon ni Enrico.
"Bakit ano palang nangyari?" Bulong-bulongan ng iba.
"Hindi ko nga rin alam." Sagot pa ng isa.
"Stop murmuring. Umalis na si Carlo umuwi na may aasikasuhin kaya nauna na siya satin." Pagpigil ng kanyang tiyahin. Kaya naman natahimik ang karamihan.
"Anyways! With or without Carlo we can still enjoy right guys?!" Binasag ng kanyang ate ang katahimik. Kaya't napangiti nalang ang lahat.
"Tita, wag ka ng mastress-out." Ani pa ng kapatid niya. Habang siya ay tahimik lang na naghihintay sa pagkain.
"Ren, pasensya na kay Carlo ha." Paumanhin pa ni Paul.
"Its not your fault Paul. This is Carlo's responsible dapat andito siya. Hindi kasi tama na basta na lang siyang umalis na parang bula." Naiinis siya sa binata ngayon.
"Sana man lang hindi ito nakakaapekto sa competition." Dagdag niya.
"I do hope Ren." At dumating narin ang kanilang mga ini-order. Sa kabila ng nangyari naging masaya parin sila. Kinalimutan ang lahat ng mga komplikasyon sa kompetisyon kung mayroon man.
They enjoy while they were taking their supper. Nagkwentuhan ang ilan sa kanila. Nagtawanan rin sila sa bawat kwentong naiibahagi ng grupo. Masaya sila at masaya rin si Ren nang mga sandaling iyon. Na kasama si Paul sa tabi niya.
Pagkuway lumabas na sila ng restaurant dahil tapos na silang kumain. Nag-enjoy naman ang iilan sa kanila.
"Goodevening everyone!!!" Masiglang sabi pa ng emcee.
"What???! I can't hear you!!??" Tanong nito sa crowd at iniharap.ang microphone sa mga tao.
"Goodevening!!! Woooo!!!" Sigaw pa ng crowd. Sa sobrang dami ng tao hindi na niya marinig ang sinasabi ni Paul sa kanya.
"Ren... tawag ka ni Camille."ani nito.
"Ano?" At tinuro ang kinaroroonan ni Camille. Tumango ako.
"Pupuntahan ko muna siya ha." Paalam niya rito. Nilapitan niya si Camille.
"May pinapabigay sayo." At inabot nito ang isang card.
"Kanino raw galing?" Nagtaka siya kung sino ang taong magbibigay sa kanya ng card.
"Hindi sinabi eh, napag-utusan lang daw siya. Buksan mo para malaman natin dali." Tila nae-excite pa siya kaysa sa sakin.
Binuksan ko ang sobra at kinuha ang card sa loob.
It's you... simple words but it has a deeper meaning. Yan ang unang mababasa mo sa cover ng card...
Sino kaya ang nagpadala sa kanya ng card???
Binuklat niya ito, subalit hindi niya mabasa ng maigi ang mga nakasulat. Dahil wala naman'g mainam na ilaw sa kinatatayuan nila.
"Mamaya ko na to babasahin." Ani niya at isinarang muli ang card.
"Oy...may admirer ka na ha. Sino kaya ang secret admirer mo dito." panunukso pa nito sa kanya.
"Nagkamali lang siguro to. Isa pa wala akong admirer noh.! Eto lang pala ang dahilan kung bakit mo ko tinawag. Akala ko kung ano na." Umirap siya rito at umalis ningitian na lang siya ni Camille.
BINABASA MO ANG
Pangarap Ko Ang Ibigin Ka (MS2)
RomanceIsang nagngangalang Carlo ang bumihag sa puso't isipan ni Glaiza Rain Medel. Ngunit sa isang di sinasadyang pangyayari ay nakita niya ang totoong ugali nito. Paano niya iiwasan ang binatang minsan ng umangkin sa kanyang puso't isipan? Lalo na't pin...