"Pero mabait naman yun. May iniisip siguro siya kaya ganun yun." Ani pa nito habang papalabas sila ng hotel."Alam mo ba kung bakit siya ganun?" At umiling ito.
"Hindi ko alam." Napakibit balikat pa nito na nakapamulsa.
"Wag mo sanang mamasamain Paul. Pero pwede ko bang malaman kung ano ang napag-usapan niyo kahapon?" Tanong pa niya pero bago pa ito sagutin ni Paul.
Ay namataan niya sa may di kalayuan ang kanyang Tita Adrianna, Ate Giselle niya at si Enrico. Na kumakaway sa kanila para papuntahin sila sa kinaroroonan ng mga ito.
"Ako na ang bahalang magpapaliwanag sa tita mo Ren." Ani pa ni Paul. Damang-dama niya ang pagiging concern nito sa kanya.
Siguradong mapapagalitan siya ng kanyang tita dahil hindi siya natulog sa kwarto niya kagabi. At nawala lang siyang bigla sa bar.
"Tita I'm sorry talaga." Paghihingi niyang paumanhin.
"Hija, wala kang kasalanan sa nangyayari." Ani pa ng kanyang tiyahin. Napakunot-noo siyang nagtinginan silang dalawa ni Paul.
Ano bang nangyayari??? Hindi ko maintindihan. Ani niya sa sarili.
"Akala ko po ay galit kayo." Mahinang sabi niya.
"Hindi ako galit nag-aalala lang ako. Kasi si Carlo nawawala." Nalulungkot na wika pa nito.
"Mamayang hapon ang awarding." Dagdag pa ni Enrico.
"Baka gumala lang tita, kasi kausap pa namin siya kanina." Ani niya.
"Sigurado ka ba dyan Ren?." Paninigurado pa nito at napatango pa siya.
"Sana nga." Dasal pa ng kanyang tiyahin.
"I'll try to call him." Ani pa ni Paul at dumistansya ito ng konti sa kanila.
Napansin niyang ilang beses ng tinatawagan ni Paul si Carlo pero hindi parin sumasagot.
"Out of coverage area. Ma'am huwag po kayong mag-alala babalik din yun." ani pa nito. Oo nga hindi na bata si Carlo. Para hindi marunong mag-isip at magpaalam. Umalis ito ng walang dahilan..
Bagama't sa kabila ng lahat, ginapangan parin siya ng kaba na baka kung may masamang nangyari rito. O na paano nga ito kaya ito nawawala ngayon.
"Ipagdarasal na lang natin na andito lang siya. Kasi ma-dedisqualified tayo sa swimwear competition kapag wala si Carlo." Dagdag pa ni Enrico. Nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi nito.
"A---anong sabi mo? S--swimwear c-competition?" Nabubulol niyang sabi.
"Oo hija. At lahat ng sasali ay may konting pictural sa pool. Kaya kailangan makita natin siya kaagad bago magsimula ang pictural." Esplika pa ng kanyang tita. Sabay hawak ng kanyang kamay.
"Pero... tita nung unang suot ko ang two piece na yun ay naiilang na ako. Paano pa kaya kung rumampa na!" Nangangambang ani niya.
"Nako! Ren, wag ka ng magpaka-killjoy dyan. Sabi ko naman sayo diba, you should get used to it." Ani pa ng kanyang kapatid at inirapan niya ito.
"For sure, maam babalik din yun. I know that he can't just leave this competition hanging. Lalong-lalo na si Ren ang kanyang kapareha." Malakas ang kompyansa ni Paul sa sarili na babalik nga si Carlo.
Kahit pinapanatag niya ang kalooban ng lahat palihim parin itong pumupuri sa kanya.
"Sana nga hijo. Sana nga." Mahinang dasal pa ng kanyang tita.
"Miss Adrianna, pumasok na po tayo." Iginaya ni Enrico ang kanyang tiyahin papasok sa isang restaurant.
Napasunod na lang din silang dalawa ni Paul sa mga ito. Hinila pa ng binata ang upuan para makaupo siya..
BINABASA MO ANG
Pangarap Ko Ang Ibigin Ka (MS2)
Storie d'amoreIsang nagngangalang Carlo ang bumihag sa puso't isipan ni Glaiza Rain Medel. Ngunit sa isang di sinasadyang pangyayari ay nakita niya ang totoong ugali nito. Paano niya iiwasan ang binatang minsan ng umangkin sa kanyang puso't isipan? Lalo na't pin...