Habang nakasakay sila sa shuttle cab. Hindi niya mapigilang ma-excite sa mga nakikita ng kanyang mga mata.
"This place is so amazing." Mahinang usal niya.
Napasulyap siya sa kanyang kapatid. Tila may kausap ito sa text.
"Ate sino ba yan'g ina-update mo?" Napataas ang isang kilay niya.
"Uh..uhmm... si Leonell may tinatanong lang. Alam mo naman ang trabaho ko."
"Ahh... akala ko kung ano na." Tinuon naman ang sarili sa kanilang nadadaanan.
"Our first stop is Lola's Garden. Sana mag-enjoy kayo, salamat." Nakangiting ani ng tour guide.
Kaagad na naghiyawan at sigawan ang ibang tao na naroon.
"Ate dali... baba na bilis." Aniya at mabilis na bumaba sa shuttle.
"Mauna ka nalang, susunod ako."
Nakatalikod siyang umatras ng...
"Aray! Ano ba. Bulag ka ba? Hindi ka ba marunong tumingin?!" Singhal niya ng may nabangga siya.
Napalingon ito sa kanya. Siya ulit ang lalaking naka-hood ang jacket and now his wearing a shades.
"Sorry miss, hindi kasi kita nakita."
"Palibhasa, naka-shades kasi. Tanggalin mo kaya yang suot mo para luminaw ang paningin mo!" Kaagad niyang nilagpasan ang lalaki. Na hindi man lang nilingon.
"Loko" mahinang dagdag niya.
Dumiretso siya sa wishing well. As lovely it is. Ganun parin ang naging itsura nito. May iba't ibang bulaklak na nakalutang sa malalim na balon. Na ang ganda-gandang tignan.
Kinunan niya ito ng litrato. At ilang clicks ang ginawa niya. Pati ang mga tao sa paligid ay kinunan niya rin.
"Ate!?? Ano ba?!" Sigaw niya rito.
Kaagad na napatungo sa kanya ang kapatid.
"Sige pumwesto ka roon. Kukunan kita ng picture." Ani nito sabay turo sa spot.
Tumayo rin siya kung saan ang may mas magandang kuha. Ilang beses siyang kinunan ng kanyang kapatid. At nagpakuha rin silang dalawa sa mga taong naroon.
"Uhm... excuse me, pwede mo ba kaming kunan ng picture?" Kinalabit ni Giselle ang lalaking nakatalikod. Na panay rin ang kuha ng litrato.
Napalingon ito at kaagad siyang lumapit rito.
"Ate wag na. Nakakahiya." Mahinang bulong niya.
"Magpapakuha lang naman. Ano ka ba, umaandar na naman yan'g pagiging killjoy mo." Saway nito.
"Okay lang ba sayo?" Dagdag na tanong ng kanyang ate sa binatang nakabangga niya kanina.
"Okay lang naman." Ngumiti ito at kinuha ang kanilang camera.
"Sige na. Wag ng maarte." Napaismid na lamang siya sa inasal ng kapatid.
Pagkuwa'y kinunan sila ng litrato. At kaagag niyang kinuha ang camera.
"Salamat." Malamig niyang ani.
"Don't mention it." napayuko ng konti ang binata.
"Ate tara na.." hinila niya ang kanyang kapatid patungo sa ibang parte ng lugar.
Tunay nga'ng napakaganda ng tanawin. Hindi mo maikakaila ang kagandahan ng Eden Garden. Para sa mga taong gustong makapag-relax, makapag-bonding kasama ang pamilya sa buhay.
Ilang sandali lang ay tinawag ulit sila ng tour guide. Lilipat na raw sila ng iba pang lugar.
"Our next stop is in Amphitheatre" ani pa nito.
BINABASA MO ANG
Pangarap Ko Ang Ibigin Ka (MS2)
RomanceIsang nagngangalang Carlo ang bumihag sa puso't isipan ni Glaiza Rain Medel. Ngunit sa isang di sinasadyang pangyayari ay nakita niya ang totoong ugali nito. Paano niya iiwasan ang binatang minsan ng umangkin sa kanyang puso't isipan? Lalo na't pin...