Crissy133.. tag kita ha.. ^_^ sorry kong panghuli bunso... kasi I thought your not reading some stories like this... but i found out that your reading some stories na may maturity content pala.. hehehe... i hope you will support The Montebello Series.. :)"Carlo!" Tawag niya sa binata subalit huli na nakalabas na ito.
"Your crazy Carlo. Your crazy." Nanggigilaiti niyang sabi kahit na wala na roon ang binata.
"Paano ako magpapakasal sa kanya? Gayun nama'y hindi ko pa siya sinasagot. Ano ng gagawin ko ngayon?" Ani niyang namomroblema tuloy.
Hindi siya makatulog dahil sa mga katagaang binitiwan sa kanya ni Carlo. Papaling-paling siya ng higa. Minsan napatapik niya ang kanyang mukha dahil gustong-gusto na niyang matulog. Subalit hindi siya binibisita ng antok.
Nagkataon rin na huli ng pumasok ang ate niya. Siguro dahil sa naaliw ito sa pakikipag-usap kay Vernon.
"Ate bakit ngayon ka lang?" Reklamo niya sabay bangon.
"Napasaya yung kwentuhan namin ni Vernon eh."
"Ikaw bakit gising ka pa?" Ani nito habang hinuhubad ang sapatos at damit.
"Nah... hindi ako makatulog." Aniya at pabasak na humiga ulit sa kama.
"Siya nga pala yung regalo mo. Iniwan mo kanina." Ani nito sabay at nilagay nito ang mga rosas at tsokolate sa mesa.
"Siya nga pala may note dyan. Hindi ko na binasa. Basahin mo para malaman natin kung kanino ng galing dali." Ani nito at nagbihis na ng damit pantulog.
"Wala ako sa mood para basahin yan ate."
"Sus.. umeepal ka na naman. Eto oh basahin mo." At binigay sa kanya ang note. Napabangon siya at umupo naman ang ate niya sa kama.
Bumuntong hininga siya dala ng kapaguran.
"Basahin mo na bilis."
"Fine. Hi Ren, I know I'm such an idiot a loser. Everytime I saw you. I'm sorry if I always annoy you with my actions. But my intention is not to harm you. I wanted you to be happy and free from all the sorrow." Bahagya niyang pinutol ang pagbabasa.
"Oh bakit mo tinigil? May secret admirer ka na pala ha. Hindi mo sinasabi." Panunukso pa nito sa kanya.
"Hindi ko nga kilala yung nagpadala nito eh. Isa pa hindi naman siguro ganun kabilis kong isantabi ang pinagsamahan namin ni Paul." Pangatwiran niya.
"Kunsabagay pero alangan naman'g ikukulong mo na lang ang buhay mo sa kanya. Besides, magkasintahan pa naman kayo at hindi pa kayo ikinasal. Kaya basahin mo na bilis." Komento nito at tila ito pa ang nae-excite kaysa sa kanya.
"What you mean?" Taas kilay niyang tanong.
"What I mean is, you can still open your heart to man who's giving you this." Ani nito sabay turo sa sulat.
"Hindi ko nga kilala ang tao paano naman ako iibig kung ni mukha niya hindi ko pa nakita. Make sense ate." Ani niya't napairap siya.
"Okay fine, tama ka na. Then continue." Ma-awtoridad na wika ng kanyang ate.
"I want you to forget all your sorrow. I want tou to forget all the pain. I know that I can be your happiness." Hanggang doon lang ang nabasa niya.
"Happiness? Walang karugtong?" Usisa pa nito sa kanya.
"Eh sa wala na ate eh. Hanggang doon na lang ang sinulat niya."
"Matingnan ko nga." Ani nito sabay kuha ng sulat.
BINABASA MO ANG
Pangarap Ko Ang Ibigin Ka (MS2)
Roman d'amourIsang nagngangalang Carlo ang bumihag sa puso't isipan ni Glaiza Rain Medel. Ngunit sa isang di sinasadyang pangyayari ay nakita niya ang totoong ugali nito. Paano niya iiwasan ang binatang minsan ng umangkin sa kanyang puso't isipan? Lalo na't pin...