Nang makauwi na ako ay patuloy parin ang pagtulo ng aking mga luha. Hindi ko lubos maisip na ang sama pala talaga ng ugali niya..."Ren, nakauwi ka na pala." Ani ni ate, hindi ko na siya pinansin na para bang nabingi ako dahil sa sakit na nadarama ko. Mabilis kong tinungo ang aking kwarto.
"Ren... anong nangyari??" Ani niyang medyo na palakas ng konti ang kanya boses.
I just slam the door with full force. Ni minsan hindi pa ako nagkakaganito. Ngayon lang!! NGAYON LANG!! AT DAHIL YUN SA KANYA!!!
Pinunit ko lahat ng mga poster at pictures niya habang umiiyak. Pinag-ipon ko ang lahat ng magazines naroon sa aking kwarto.
Dahil itatapon ko ang lahat ng mga iyon. Lahat ng collections ko na siya mismo ang laman ay itatapon ko!!!
Habang humahanda si ate ng hapunan. Ay laking gulat lang niya ng makita akong may bitbit na sankatutak na mga magazine at posters.
"Anong gagawin mo sa mga collections mo Ren?" Takang tanong niya at lumabas siya sa kusina para lapitan ako.
"Itatapon ko ang lahat ng mga ito ate. Kasi nagiging makalat na at parang basura na ang kwarto ko dahil sa dami nila." Rason ko sa kanya ng hindi ko siya nilingon.
"Ganun ba, akala ko pa naman itatago mo ang lahat ng yan dahil sa lalaking nandyan." Aniya.
"Hindi na po." Simpleng sagot ko at lumabas ako ng bahay at nasa harap ko na ang basurahan.
"Ito ang nararapat sa isang katulad mo na walang respeto at walang puso! Kung basahan ang tingin mo sakin! Pwes! Basura rin tingin ko sayo!!!" Mangiyak ngiyak na ani ko sabay tapon ng mga magazines, pictures at posters niya sa basurahan.
Pumasok ako sa bahay at dumiretso sa kusina. Pinasadahan lang ako ng tingin ni ate habang kinuha ko ang posporo.
Lumabas akong muli at sununog ko ang lahat ng mga iyon. He hurt me big time! That I ain't nothing about his goddamn shirt!!! Its not my intension to mark his precious shirt! Coz it was merely an accident! At mainam kong tinitigan ang mga magazines na unti-unting nasusunog...
Napaluha ako hindi dahil sa usok kundi sa pag-iisip na ganun na pala talaga ako kasama sa paningin niya.
Kahit hindi pa niya ako lubusang kilala ay hinusgahan na niya ang pagkatao ko. At alam ng Diyos na hindi ko yun sinasadya.
Sa totoo lang, ayokong dungisan ang suot niya, subalit aksidente ang nangyari. But he didn't consider it! Even my apologies doesn't make him stop... and the thing is, he pointed at me!!! AT MY FACE!!!!
Tao ako nasasaktan, nasusugatan. But the way he treated me I'm like a trash to him. Na para bang ang liit-liit ko sa kanya at kulang nalang ay pwede na niya akong tirisin ng pinung-pino.
Bumalik ako sa loob ng bahay at akmang aakyat na sana.
"Ren kain na tayo." Alok pa ni ate.
"Wala po akong gana ate. Mauna na lang po kayo."ani ko at pinagpatuloy ko ang pag-akyat papuntang kwarto ko.
Talagang kinuha ko lahat ng mga collections ko, at walang natira maliban sa isa.... Alam ko noon pa, na palagi akong kinukutya pero ngayon iba kasi tagos sa kailaliman ng aking puso!!! Ang bawat katagang lumalabas sa kanyang bibig ay parang isang karayom na tumutusok sa kaibuturan ng aking puso.
His not a stranger to me, coz I admire him for a long time. Ok lang sana, kung hindi ko siya kilala. Kahit na pagsalitaan pa niya ako ng masasakit na salita ay pwedeng-pwede kong isantabi yun.
He is not just a man for me. But he is my Carlo. My ultimate crush, ultimate dream man and ultimate lovelife...
Buong buhay ko ay sa kanya lang nakaikot ang mundo ko. Kahit hindi ko pa siya nakikita ng personal. Talagang umaasa ako at humahanga. Sa bawat galaw niya, sa bawat ngiti at sa bawat titig na nakakakilig ay nabihag niya ang aking puso.
BINABASA MO ANG
Pangarap Ko Ang Ibigin Ka (MS2)
RomanceIsang nagngangalang Carlo ang bumihag sa puso't isipan ni Glaiza Rain Medel. Ngunit sa isang di sinasadyang pangyayari ay nakita niya ang totoong ugali nito. Paano niya iiwasan ang binatang minsan ng umangkin sa kanyang puso't isipan? Lalo na't pin...