Nang papauwi na sila sa kanilang bahay. Nadatnan nilang may isang kotseng nakaparada roon. Napansin din niyang nakauwi na ang kanyang tiyahin dahil sa sasakyan nito.
"Ate, sino kaya ang bisita ni tita?" Tanong niya rito.
"Hindi ko alam" kibit balikat na anito.
Sabay silang pumasok sa loob ng bahay. Naunang nagmano ang kanyang ate at sumunod siya.
"Tita sino po ang bisita niyo?" Aniya at natigilan siya ng napansin niya àng imahe ni Paul nakayuko.
"Si Paul." Ani pa ng kanyang tita.
"Hi Ren. Kumusta ka na? Hindi ko alam ang cute mo pala nung bata ka pa." Nakangiting ani nito sa kanya. Naningkit ang mga mata niya rito.
"Tita naman bakit mo pinakita sa kanya." Mahinang aniya.
"Bakit hindi hija? Maganda ka naman sa mga litrato mo. Wag ka ngang mahiya dyan. Ang mabuti pa maghanda ka ng hapunan." Ani pa nito. May konting inis siyang naramdaman kasi pinaglantaran talaga ng kanyang tiyahin ang kanyang mga lumang pictures.
Napansin rin niyang natutuwa pa si Paul sa mga nakita niya sa album. Umiling na lang siya at naghanda ng hapunan. Pumasok ang kanyang ate sa kusina.
"Ako na dito, magbihis ka muna sa taas." Utos nito sa kanya at sinunod naman niya iyon.
Nagtungo siya sa kanyang kwarto. Unexpected na bumisita si Paul sa kanya. Gayunpaman matagal niya itong hindi nakita. Ano kaya ang dahilan kung bakit hindi niya nakita noon ang binata. May tinatago ba itong sekreto? Baka may nobya ito sa ibang lugar at nagiging panakip butas lang siya nito.
Yun ang mga bagay-bagay na gumugulo sa isip ng dalaga. Iyon tuloy nakadama siya ng pagkailap rito. Ng dahil sa kanyang mga iniisip. She needs to know him. All about him.
Ayaw niyang matulad sa ibang tao na bumibigay lang ng basta-basta. Dahil nga sa nagngangalang pag-ibig. Kung kay Carlo malapit na siyang bumigay.
Mabuti nalang at nakontrol pa niya ang kanyang sarili kundi yari na talaga siya. Siya ang magiging kawawa sa bandang huli.
Nagbihis siya ng pambahay. Pagkuway bumaba siya at nakita niya ang bawat ngiti ng kanyang tiyahin. Habang kausap ang binatang si Paul.
"Sige maiwan ko muna kayong dalawa. Hijo dito ka na kumain ng hapunan ha." Yaya pa ng kanyang tiyahin.
"Sige po ma'am." Nakangiting sagot pa nito.
"Tita na lang, hijo. Mas komportable ako roon." Ngumiti pa ito sa kanya.
Napailing nalang siyang umupo sa inuupuan kanina ng kanyang tiyahin."So, kumusta ka na?" Nakangiting tanong nito sa kanya.
"Hindi ba ako dapat ang magtatanong niyan sayo?" Taray niya rito.
"Look Ren, I'm so sorry kung hindi man lang ako nakapagpaalam sayo. I left town with some personal reasons. Wala na akong oras dahil kailangan kung magmadali. Sorry talaga."
"Do I need to owe an explanation? Hindi pa naman kita sinasagot para magpaliwanag ka Paul. I'm just curious that's all." Malamig niyang sabi.
"Oh. I just thought. Anyways I brought something for you." Kinuha nito ang isang maliit na paper bag sa tabi nito.
Hindi siya umimik. She just sat down and just being herself. Kinuha nito ang isang box. At sa tingin niya'y mamahalin iyon.
"Paul, you don't need to do this. I'm not asking anything."
"I know. But I just want to give it to you. I've just known that your not like the other girls that I met before. I know that you deserve something and treated to be special." Ani nito sabay bukas pa ng kahon.
BINABASA MO ANG
Pangarap Ko Ang Ibigin Ka (MS2)
RomanceIsang nagngangalang Carlo ang bumihag sa puso't isipan ni Glaiza Rain Medel. Ngunit sa isang di sinasadyang pangyayari ay nakita niya ang totoong ugali nito. Paano niya iiwasan ang binatang minsan ng umangkin sa kanyang puso't isipan? Lalo na't pin...