While his in the distance. Ilang sandali lang ay nakatanggap siya ng text.
"Ang kumag dumating na." aniya. Kaya binalik niyang muli ang phone sa bulsa. Bahagya siyang pumara sa shuttle cab para bumaba at para salubungin ang pinsang niyang si Vernon.
Nilakad niya ang kalsadang pabalik sa information area kung saan naroon rin ang parking area ng lugar.
Medyo malayo-layo rin ang nilakad niya. Kaya naman medyo sumasakit narin ang kanyang mga paa.
Hanggang sa narating nga ng binata ang information area. Nakita niya sa gawi ang pinsang niyang si Vernon.
Nakatayo sa information area habang dala-dala ang bagahe nito. Lumapit siya rito.
"Ba't ngayon ka lang?" Iritadong tanong niya rito.
"Alam mo naman na may kalayuan itong lugar na ito. Yan ang itatanong mo sakin." Anito sa kanya. Nakapamaywang na lamang siya sa inasta nito.
Kung hindi nga lang niya ito pinsan. Babatukan niya talaga ito ng totohanan.
"Miss isang room nga po." Anito habang nagtitimpi siya sa kanyang inis.
"Bilisan mo nga." Iritadong aniya.
"Ano bang nakain mo at ang init-init ng ulo mo ha? Don't be like that insan. Sa ugali mong iyan baka mas lalo mong hindi makuha si Ren. Sige ka." Nakangising ani nito sa kanya.
"At bakit naman siya napasok sa usapang ito? Ikaw ang kausap ko diba?" Sarkastikong sagot niya.
"Coz you can't wait. I'll just arrived then this is what I get from you?" Matigas na sagot rin ni Vernon. Napansin niyang napatahimik ang receptionist.
Dahil sa sagutan nilang magpinsan. Kaya maagap na ibigay nito ang susi kay Vernon. Isang tango lang ang ginawa nito. At humakbang na papaalis.
Umandar tuloy ang pagiging suplado nito. Si Vernon lang ang vibes niya sa lahat ng kanyang kagaguhan. Lalo na kapag sa ganitong sitwasyon. Dahil alam niyang ang ilan niyang mga pinsan ay pagtatawanan siya't aasarin.
"Vern pwede ba, ikaw na nga lang tong pinapakiusapan ko ng matino. Magwo-walk-out ka pa."
"It's because your too damn annoying insan. Sana man lang pagpahingahin mo muna ako. Alam mo bang isinantabi ko yung trabaho ko para lang sa kagaguhan mo!" Asik nito sabay turo sa kanya.
Ayun tuloy, tila naubos na ang pasensya ni Vernon sa kanya.
"Okay fine, I'm sorry about that. Wag ka ng magalit dyan. Pinagtitinginan na tayo rito oh." Napatingin siya sa mga taong kakarating lang din sa Eden Garden.
"Fine.." pabalang na sagot nito sa kanya at lumakad ito papalayo. Kaya sinundan nalang niya ito.
Wala silang imikan na dalawa hanggang sa marating nila ang room ni Vernon. Tumunog naman ang phone nito. Habang siya naman ay nakatayo at nakapamulsa.
"Hello? Yes, tita I'm with him right now. Kararating ko lang po kasi. Okay po." Anito at marahang ibinigay nito ang phone sa kanya.
"Si tita, kakausapin ka." Anito.
"Why she didn't even call on my phone?" Tanong niya rito at napakibit-balikat na lang ito. Kinuha niya ang phone ni Vernon.
"Ma? Bakit hindi ka tumawag sa phone ko?" Naiinis na tanong niya.
"Huwag ka ng magalit anak. I'm just checking you out hijo. Kung talagang nagkita na kayo ni Vernon. Ano ba talaga ang ginagawa mo dyan sa Toril?" Nagtatakang tanong nito sa kabilang linya.
"It's important for me ma. Kaya ako andito, and besides you have nothing to worry about. You don't need to check me out ma." Pangatwiran niya sa ina.
BINABASA MO ANG
Pangarap Ko Ang Ibigin Ka (MS2)
RomanceIsang nagngangalang Carlo ang bumihag sa puso't isipan ni Glaiza Rain Medel. Ngunit sa isang di sinasadyang pangyayari ay nakita niya ang totoong ugali nito. Paano niya iiwasan ang binatang minsan ng umangkin sa kanyang puso't isipan? Lalo na't pin...