Kabanata 10

1.3K 39 0
                                    


Habang mahimbing akong natutulog. Nang may biglang kumatok sa aking pinto.

Napabangon ako't namataan kong umaga na pala. Bumangon ako at nagmartsa papuntang pinto.

"Ren, I need your help..." ani ni tita.

"Nakauwi na po pala kayo tita?" Tanong ko sabay kusot ng aking mga mata.

"Oo hija, may problema kasi ako nag-absent yung isa kong model. Hindi na ako makakapull-out ng iba pa kasi loaded na sila... Wala akong pampalit kay Cathy. Pwede bang ikaw na lang ang pumalit sa kanya Ren?"

Napalunok ako sa kanyang sinabi.

"Po?!! Ako?! Hindi ko po ata kaya yung hinihingi niyo sakin tita." Kumakabog kung ani sa kanya.

"Anong hindi? Tuturuan ka naman hija kung papano mag-pose. Sige na naman please. Wala na talaga akong maisip."

"Pano po yung trabaho ko?"

"Ako ng bahala sa manager mo hija.. pinagpaalam na kita bago kita ginising."

Napapitlag ako ng malaman kong nagpaalam na siya sa aking manager..

"Pero tita---"

"Wala ng pero- pero Ren. Please just help me out, hija." Aniya at wala rin akong nagawa kundi ang tumango na lang sa gusto niyang mangyari.

Nagmartsa ako pabalik sa aking kama para ayusin ang aking higaan. Naligo ako at nagbihis.

Pagkuway bumaba na sa kusina para kumain. Andun sina ate at tita nakaupo na.

Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. At binalik niya ang kanyang tingin sa aking mukha.

"Is there something wrong with my dress? Alam ko naman hindi ito parang basahan o gutay-gutay." May pagka-iritang ani ko.

"Its not like that hija? I know that you two are beautiful. But Ren, please just for once can you change your clothes?" Nag-aalalang ani niya. Bumuntong hininga siya

"Bakit tita? Eh itong nakasanayan ko eh."

"Alam ko yun, pero is too awkward kung yan ang susuotin mo sa pictorial."

"Ren naman, photographer si Tita Adrianna. Ba't naman yan pa ang napili mong suotin!" Naiiriting ani ni ate.

"So anong susuotin ko?" ani ko sa kanya at umupo na.

"Kahit na yung binili ko sayo last year pwede na. Besides, hija hindi ko pa nakikita na sinuot mo yun damit simula nong bilhan kita. Ni hindi mo nga ginalaw para lang man sukatin o ano." Ani niya na medyo nasaktan sa ginawa ko.

Tama siya, hindi ko nga yun ginalaw. Nasa aparador ko lang siya dun, nakatago.

"Sige po tita, papalitan ko na lang po."

Matapos kong kumain umakyat muli ako sa taas. Para palitan ang damit na ayaw nila.

Bumuga ako ng hininga, at kinuha ang damit na ibinigay ni Tita Adrianna. It is a floral pink spaghetti dress. Simple lang ang tabas ng damit at kaaya-aya rin itong tignan.

Sinuot ko yun at humarap ako sa salamin. Lumutang ang aking kutis. Mas nagmukha akong tao sa aking paningin... Hala ha!!! Hindi ibig sabihin na hindi ako tao.

Naging mukha na talaga akong babae di gaya kanina. Na sa twing suot ko ang damit kong yun. Nagmumukha akong manang dahil sa kulay na walang kabuhay-buhay.

"Ren, hali-ka na." Ani pa ni tita na dumungaw sa aking pinto.

"Wow, hija your so pretty." Nakangiting ani niya.

Pangarap Ko Ang Ibigin Ka (MS2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon