"Cam, dito." Napalakas kong sabi.
"Ang tagal mo naman nag-sisimula na yung talent portion. Ano ok ka na ba?" Tanong niya.
"Oo okay na ako." Sabi ko.
"Tara na.." ani niya sabay hila sa kamay ko.
"Halos kaladkarin mo na ako Cam." Sabi ko na napasunod sa kanya.
"Ang bagal mo kasi... magprapractice pa kayo ni Carlo sa chorus."
Nagmartsa kaming dalawa patungo sa bench. Andun parin ang mokong na si Carlo. Nakaheadset na napagalaw-galaw pa ang ulo sa music na pinapakinggan.
"Nag-enjoy ka ata?" Taray kong tanong sa kanya.
Napaangat siya ng tingin at tinanggal ang isang headaset sa tainga.
"Ang tagal mo kayang nakabalik. Kaya nakinig nalang ako ng ibang music. Bakit bawal?". Pilosopong ani niya
"Hindi." Pabalang kong sagot.
"Sige na guys. Tama na yan, mag-umpisa na tayo dahil nagsisimula na yung talent portion." Awat samin ni Camille.
Kinuha ko na lang ang isang headset at inilagay ko sa aking tenga. Pinorward niya yung kanta kung saan malapit na sa chorus.
Sabay kami:
Wish take me by the hand and wish
Hold your breath and we may find
It might come true on a starry starry night.
"Thank you for your wonderful performance. And now may we call our next performer. They will sing a duet from Lorraine's Studio." Narinig nilang sabi ng emcee.
"Oh my God! Lorraine's Studio na." Napatiling ani ni Camille.
"Sa kalaban pa yun Camille. Siguro naman sapat na tong practice natin." Di ko mapigilang sabihin.
"Sure ka, Ren? Baka pumalya, kasi ngayon lang kaya kayo nagpractice ni Carlo." Nag-aalang sabi pa niya.
"Ano bang pumipigil sayo, Ren?" Kunot noong tanong ni Carlo.
"Wala naman, basta tama na to'ng practice."
"Its that so. Then fine." Pormal pang sabi ni Carlo. Pagkuway tumayo si Carlo at nauna ng umalis. Iniwan kaming dalawa ni Camille.
"May problema ka ba sa kanya, Ren? Kasi ilang beses ko na kayong nakitang nag-aalitan eh." Usisa pa nito.
"Hindi ko alam Cam. Para kasing ang suplado niya. Tingnan mo nga siya. Parang walang kasama nang-iiwan." Napanguso kong sabi.
"Kunsabagay may point ka rin. Kung minsan kasi hindi mo maiintindihan yung mga lalaki, diba?" Komento pa nito. Tumango na lang ako at tinulungan ko siyang mag-ayos sa mga gamit na ginamit namin sa pagpractice at umalis na roon patungong backstage.
Tahimik lang akong nakatayo habang nakikinig sa kumakanta sa stage. Though I can't see them well but I can barely hear them. They're pretty good also. Maganda rin ang boses ng babae natumugma rin sa boses ng lalaki.
Ilang buntong-hininga ang pinakawalan ko. Napayakap ako sa aking sarili. How can I deal this intense feeling. Kung sa kantang kakantahin namin ni Carlo ay tinatamaan na ako.
Tagos sa puso ang bawat liriko nito. I can felt every single word. I remembered everything, every being of myself. Nakakainis isipin na kung bakit ito pa ang napiling kanta ni Enrico. Sakadami-rami ng kantang pwedeng piliin Wish pa talaga ang napili. Hayss.
"So, Ren are you ready?" Naeexcite na tanong ni Jamie na may kasama siyang lalaki.
Napakunot-noo ako kasi hindi naman kabilang ang lalaking ito sa grupo.
BINABASA MO ANG
Pangarap Ko Ang Ibigin Ka (MS2)
RomanceIsang nagngangalang Carlo ang bumihag sa puso't isipan ni Glaiza Rain Medel. Ngunit sa isang di sinasadyang pangyayari ay nakita niya ang totoong ugali nito. Paano niya iiwasan ang binatang minsan ng umangkin sa kanyang puso't isipan? Lalo na't pin...