Nang dumating na sila sa ospital. Ay halos takbuhin na niya ang information area. Hindi na niya alintana na kasama niya si Carlo.
"Miss, may na-confined ba ditong nagngangalang Paul Gutierrez?" Tanong niya.
"Sandali lang po ma'am ha. I-tsecheck ko muna." Ani ng information. At bahagyang tiningnan ang mga records ng pasyente.
"Yes ma'am nasa Room 302 po siya." Anito.
"Saan'g room daw Ren?" Tanong ni Carlo sa kanya.
"Room 302 daw. Ah, miss pwede bang malaman kung saan banda yan?" Baling niya sa receptionist.
"Daan lang po kayo dito maam tapos diretso lang."
Kaagad nilang pinuntahan ang room ni Paul. Halo-halong emosyon ang kanyang nararamdaman. Ngayon ay napag-alaman niyang may sakit ang binata. Ay mas lalo pa niyang gustong makasama ng matagal si Paul.
She felt so guilty. Dahilan iyon na naging unfair siya sa binata. It doesn't mean that she didn't love him. Damn! He loves Paul so much at yun ang nasa isip niya. Habang hinahanap nila ang room ni Paul. Para yatang naghahabulan ang pintig ng kayang puso. Kinakabahan siya't may kalakip na tak
"Room 302...Room 302..." sambit niya habang lumalakad. Si Carlo naman ay nakasunod lamang sa kanya.
Hindi niya namalayan na lumagpas na pala siya.
"Ren, andito lang yung 302." Tawag sa kanya ni Carlo. Nasapo niya ang kanyang noo at lumapit rito.
Bahagyang pinihit ni Carlo ang pintuan. Naroon at nakita niya ang kanyang kasintahan na nasa kama nakahiga. Natutulog.
"Babe.." mangiyak-ngiyak niyang sabi. Habang naroon ang binatang si Paul. Nakahiga sa kama. Namumutla. She held Paul's hand into her face.
"Babe, bakit humantong pa tayo sa ganito?" Iyak niyang sabi.
"Bakit hindi mo sinabi sakin na may sakit ka?" Walang tigil na pagtulo ng kanyang mga luha na ayaw ng huminto pa.
"R--ren." Dumilat ang mga mata ng binata. Na hirap na hirap itong magsalita dahil sa kondisyon nito.
"Please don't talk too much. Babe, hindi ko kakayanin na mawala ka sa buhay ko. Hindi ko kakayanin na hindi ikaw ang taong makasama ko. Lumaban ka naman babe oh, para sakin. Gagawin ko ang lahat alang-alang sa ikaliligaya mo babe. Kung kinakailangan magpakasal tayo gagawin ko lumaban ka lang babe." Walang tigil niyang pag-hikbi habang hawak-hawak ang kamay nito. Na inilapat niya sa kanyang mukha.
Tila kumirot rin ang puso ng binatang si Carlo. Sa nadinig niya mula sa dalaga. Subalit may karapatan ba siyang pigilan ang dalaga sa magiging desisyon nito. Wala naman diba?
Naroon siya nakatayo na medyo malayo sa dalawang taong nasa harapan niya. Dahan-dahan siyang napaupo sa may upuang naroon.
"I know it's my fault. Dahil hindi man lang kita inusisa pa. Kung bakit ka namumutla hindi sana'y hindi umaabot sa ganito ang lahat."pagsisisi niya sa sarili.
"B-babe please, i-it's not your fault." Anito na kinakapos ng hininga. Talagang makikita mo kay Paul kung gaano siya nagdusa dahil sa sakit niya. Ngayon ay tila naging malubha na ang kanyang karamdaman.
"Ayaw kong kunin sayo ang isang bagay na alam kong mapipilitan ka. Hindi ako matatahimik niyan babe." Tinitiis nito ang sakit habang patuloy na nagsasalita si Paul.
"Hindi... hindi ko matatanggap yan Paul. Hindi ko kakayanin. Mamamatay ako kapag wala ka sa buhay ko." Pag-hikbi niya rito.
"I've never been so happy when the day that I met you. Sapat na sakin na nagmahal ng totoo at minahal mo. Sapat na sa akin na binigyan mo ako ng mga masasayang alaala na babaunin ko Ren. So please, don't give me such a hard time babe.." esplika nito kahit na nahihirapan.
BINABASA MO ANG
Pangarap Ko Ang Ibigin Ka (MS2)
RomanceIsang nagngangalang Carlo ang bumihag sa puso't isipan ni Glaiza Rain Medel. Ngunit sa isang di sinasadyang pangyayari ay nakita niya ang totoong ugali nito. Paano niya iiwasan ang binatang minsan ng umangkin sa kanyang puso't isipan? Lalo na't pin...