Hindi ko na ata mabilang kong ilang beses kong binubuklat ang aking scrapbook para lang makita ang kanyang gwapong mukha.
Ang makisig niyang pangangatawan, and his shoulder was so tight like if you hug him you will definitely drawn by his biceps and his tempting brown eyes. Gosh! And his lips the color of it is so natural. I don't know how many girls he kissed, but for me he damn driven me crazy.
Ano kaya ang gagawin ko kung bibigyan ako ng pagkakataong makita siya??? I hope someday I will meet him... sana pagbigyan ang munti kong hiling..
"Obsessed na ata ako sa my love kong
si Carlo." Napangiti ako sa mga ginawa ko. Every pictures of him has a quotes of love and some of it has a words of Loving You Forever. I Love You Till the End.Naging prince charming ko si Carlo sa aking mundo na ako mismo ang gumawa.
But in real world kabaliktaran ang lahat ng yun, walang Carlo'ng hahawak ng kamay ko, susubuan ako, hahabulin ako. Nakakalungkot kasi sa panaginip ko lang siya makakasama o makikita.
Ang boring naman... nakadama ako ng pagkabagot kaya nakapagdecisyon akong pumunta ng MOA.
And guess what, kung ano ang suot ko. Pero para sakin maganda na itong damit na panlabas ko.
I am wearing a plain white v-neck long sleeve and of course with matching below the knee skirt. Mall kaya ang pupuntahan ko, and please don't laugh at me. Alam ko naman eh, may pagkabaduy akong manamit.
Namasyal ako sa mall hindi ko talaga maiwasan na mapayuko. Coz I've seen my reflection in a mirror.
"Hindi naman pangit tong suot ko ah... at saka bagay naman sa complexion ko. Inggit lang siguro sila." Tiningnan ko ulit ang aking sarili. Napailing nalang ako ng mapagtanto ko na, talagang napaka-baduy ko nga.
Alam kong iba na ang henerasyon ngayon subalit masama bang ganito? Napadpad ako sa may WOF.
Narinig ko kasing may kumakanta at ang ganda pa talaga ng boses. Kaya pumasok ako at namataan ko ang kumakanta.
Katabi niya ang gwapong lalaki na nakaakbay sa kanya. Napatingin ako sa kanila kasi talagang perfect match sila.
"Pangako hindi kita iiwan, pangako di ko pababayaan. Pangako hindi ka na mag-iisa. Pangakong magmula ngayon tayong dalawa ang magkasama."
Yun ang kinanta ng babae na ubod ng ganda at binigyan siya ng isang halik ng lalaki sa kanyang labi.
Naisip ko tuloy ang aking Carlo. Napabuntong hininga ako.
Napalingon ang lalaki sakin kasi may kantang nakapending."Miss, sayo ba tong kanta?"
Gwapo siya, pero mas gwapo ang Carlo ko.
"E--hhh. K--asi..." nabubulol kong sabi.
Binigay niya sakin ang microphone at umupong muli sa tabi ng kanyang girlfriend.God tulong po, marunong akong kumanta pero hindi maganda ang boses ko kagaya niya... Diyos ko... Nasaan pala yung may-ari nitong kanta.. hahays...
Lumabas na ang title ng kanta. Your Love by Jim Brickman. Nanginginig ako at nagsimula ng kumanta.
"It's not the flower wrap in fancy paper it's not the ring I wear around my finger."
"Babe ang ganda ng boses niya napaka-soothing." Puri sa akin ng babae at napansin kong may binulong siya sa kanyang boyfriend.
Tumango lang ang gwapong lalaki at malaya lang silang nakinig sakin ah infairness.
"If you could give me wings to fly catch me if I fall or pull the stars up from the sky so I could wish on them all. I couldn't asked for more coz your love is the greatest gift of all."
BINABASA MO ANG
Pangarap Ko Ang Ibigin Ka (MS2)
RomanceIsang nagngangalang Carlo ang bumihag sa puso't isipan ni Glaiza Rain Medel. Ngunit sa isang di sinasadyang pangyayari ay nakita niya ang totoong ugali nito. Paano niya iiwasan ang binatang minsan ng umangkin sa kanyang puso't isipan? Lalo na't pin...