Napabuntong-hininga siya bago niya hinawakan ang aking baba para magtama ang aming mga mata...
"I know, I'm such a jerk. But I always wanted us to be friends Ren. Pero-"
"Friends?" Sabay tulak ko sa kanya.
"Ganyan ka pala makipagkaibigan, Carlo?! Ang asarin at inisin ang taong gusto mong kaibiganin?! Porke't sikat ka na ay pwede mo ng gawin lahat ng gusto mo! Hindi ka pa ba nakontento Carlo. Ako lang ba ang babaeng pwede mong asarin at inisin hangga't gusto mo!?" Asik ko sa kanya. Hindi ko na mapigil ang mga luhang nagbabadyang pumatak.
"Ren, I admit it was my fault. I just don't want to see you hurt. Lahat ng yun ay katuwaan lang Ren." Malumay niyang sabi sakin na nanatiling nakakatitig. Trying to reach me, trying to keep me closer to his goddamn fucking arms!
"Who are you fooling for, Carlo? Tama na, kahit kailan hindi tayo magiging magkaibigan. Kahit kailan hindi tayo magiging close!" Napapaluhang ani ko at mabilis ko siyang tinalikuran papalayo.
Pinunasan ko ang aking mga luha at kinalma ang sarili ng nasa loob pa ako ng elevator.
Hindi ko na kaya, oo mahal ko siya pero sa ipinapakita niya sakin. Ay hindi ako naging mahalaga sa kanya. Kahit bilang isang babae o ni isang tao man lang. Hindi niya ako kayang respetuhin.
Ganito nalang ba ako kababaw para hindi niya magawang respetuhin! Ni ang dating ayos ko nga ay parang basahan sa kanyang paningin.
Ngayon naman ay pinagkakatuwaan niya ako kung kailan niya gusto. Aasarin, iinisin at iinsultuhin kapag sa oras na okay siya! Masakit na, sobra na siya. Hindi ko na kaya.
Bumukas yung lift ng elevator. Tiningnan ko muna ang repleksyon ko sa salaming naroon. Huminga ako ng malalim. Bago tuluyang nagpakita sa lobby ng hotel.
Luminga-linga ako subalit wala na sina tita roon. Siguradong nauna na ang mga iyon dahil nainip na sa kakahintay sakin.
Lumabas ako sa hotel at naglakad-lakad sa dalampasigan. I always wondering why Carlo, always trying to make fun of me. Hurting my feelings so easily. Nauutal ba siya para sabihin ang totoo. Kung ano ba talaga ang totoong pakay niya sakin..
Kahit ako mismo hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Sobrang gusto ko siya, gusto ko na hindi ganun ang trato niya sakin. Pero kahit anong gawin ko, nagiging katawa-tawa ako sa harap niya.
Napadaan ako sa isang bench na may umbrella'ng nakashade para sa umuupo roon. Nakita ko sa bawat paligid ang mga tao. Halos lahat ay puro couples. Magkahawak kamay o di kaya magkatabing nakaupo. May naglalaro pa sa tabing dagat.
Alam ko naman na ni isa sa mga iyon hindi magkakatotoo. Gusto kong lumayo sa kanya. Ang hindi na makita ang pagmumukha niya. Kaya magtitiis ako hanggang matapos ang larong ito. Dahil sinisigurado kong huli na ito!
Mag-isa akong nakaupo roon ng may nagbigay sakin ng makakain at maiinom.
"Ma'am pinapabigay po sa inyo?" Ani ng lalaki.
"Kuya, hindi po ako umorder ng anuman."
"Alam ko po ma'am pero tanggapin niyo na lang po itong pagkain." Giit pa niya.
"Sino bang nag-bigay?" Tinaas ko ang aking kilay.
"Hindi ko po alam yung pangalan ma'am. Basta ang utos niya ipapabigay lang sa inyo."
"Ganun? Sabihin mo sa taong yun. Hindi ko kailangan ng pagkain. Makakaalis ka na." Mariing sabi ko.
"Ma'am please, tanggapin niyo na po. Wag na kayong magalit, buti pa nga kayo ma'am may nagbibigay sa inyo ng pagkain. Sige na po ma'am tanggapin niyo na po." He insisted, napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Kaya tinanggap ko na lang ang cake at juice.
BINABASA MO ANG
Pangarap Ko Ang Ibigin Ka (MS2)
RomanceIsang nagngangalang Carlo ang bumihag sa puso't isipan ni Glaiza Rain Medel. Ngunit sa isang di sinasadyang pangyayari ay nakita niya ang totoong ugali nito. Paano niya iiwasan ang binatang minsan ng umangkin sa kanyang puso't isipan? Lalo na't pin...