Marami ang nagulat sa ginawa ng babae. Ngunit parang balewala lang ito sa binata."Hi! Anong ginagawa mo dito?" kaswal na tanong nito sa babae.
"Ininjan mo kaya ako remember? So you have to repay me." Mapang-akit na ani pa nito na siyang ikinausok ng kanyang ilong. Hindi kaagad ito nakapagsalita at napakamot na lang ito ng kanyang sentido.
"Matinik ka pala Carlo, hindi namin alam na may girlfriend ka na pala. Pakilala mo naman." Sambit pa ni Jason.
Mas lalong nanikip ang kanyang dibdib. Girlfriend niya? Ang sabi nito ay kaibigan lang sila ah.
Napatingin si Carlo sa kanya at tumikhim muna. Si Paul naman ay walang reaksyon sa pangyayari.
"Guys, si Yvonne nga pala." Pakilala pa nito.
"Hi everybody." Nakangiting ani pa nito na nakakapit naman sa braso ni Carlo.
"Ahm... Paul restroom muna ako ha. Magbibihis lang ako." Aniya nakita niyang napasulyap pa si Carlo sa kanya. Subalit bumawi rin ito kaagad.
"I'll just wait for you 'kay?" Nakangiting ani pa nito at tumango na lang siya at kinuha niya ang kanyang gamit. Nilagpasan niya ang dalawang kumag na sina Carlo at ang babaeng who the hell she is.
Napasinghap siya sa malayo at nagpatuloy sa paglakad patungong restroom.
"Napakasinungaling mo talaga. Akala ko ba'y kaibigan lang siya ngayon ay bigla mo nalang siyang naging girlfriend?!" naiinis na wika niya sa harap ng salamin. Katatapos lang niyang magpalit ng damit.
Isang simpleng rompers ang sinuot niya. Binilhan kasi siya ng kanyang ate ng mga iyon. Kasi ngayon lang siya makakapagsuot ng ganun na hindi nagrereklamo.
Kaya nilubos-lubos narin ng kanyang kapatid na bilhan siya ng mga damit na gusto nito para sa kanya.
"Kunsabagay, hindi na ata titino pa ang isang tulad mo. Maybe, time will fly to fast but this." Sabay turo niya sa kanyang dibdib.
"Will always be in a secret." Mahinang dugtong niya. Huminga siya ng malalim bago pa siya lumabas. Pagkalabas pa lang niya ay halos mapatalon siya sa gulat. Dahil andoon si Carlo sa harapan ng ladies room. Nakatayo at nakapamulsa.
Why does he always do that kind of thing.!???! Hahays!!! Matalim siyang tinitigan nito at nakapagbihis na rin ang binata.
"To whom are you talking to?" Ani pa nito.
"It's none of your business Carlo." Ani niya at nilagpasan niya ito.
"Ren, we need to talk." Mabilis siya nitong pinigilan. Napatingin siya sa kamay nito.
"Wala na tayong dapat na pag-usapan pa. So will you excuse me!" Mariing ani niya sabay bawi ng kanyang kamay.
"Now I know that your being paranoid. Your just talking to your goddamn self." Napalakas ang boses nito. He is always like this. He always making her furious.
"Talaga bang ginagalit mo ko?"napalingong ani niya rito.
"Coz it seems that your so cute when you get mad." Sumungaw sa mga labi nito ang pilyong ngiti. Bahagya pa itong lumapit sa kinatatayuan niya.
"Ewan ko sayo! If I were you, I will just go there and make some sweet scene with that girl." Naiinis na aniya rito. Nakakabadtrip talaga siya kahit kailan.
Mapakla pa itong tumawa. "So, you truly believe that she's my girlfriend? Mahina ba ang kukute mo o sadyang nagpapakatanga ka lang. Wala ka bang CS?" Tumaas ang kilay nito.
Napakurap-kurap siya sa sinabi nito sa kanya. Gusto niya itong sampalin ngunit nagpipigil lang siya sa kanyang sarili.
"Oo na, mahina ang kukute ko pero hindi ako kagaya mo nanghuhusga ng kapwa tao. Isa pa galit ka sakin diba?! At yang CS na sinasabi mo, wala akong panahon para dyan. Ibig sabihin wala akong panahon para sayo." diretsahang sagot niya rito at mabilis siyang tumalikod at lumakad papalayo.
BINABASA MO ANG
Pangarap Ko Ang Ibigin Ka (MS2)
RomanceIsang nagngangalang Carlo ang bumihag sa puso't isipan ni Glaiza Rain Medel. Ngunit sa isang di sinasadyang pangyayari ay nakita niya ang totoong ugali nito. Paano niya iiwasan ang binatang minsan ng umangkin sa kanyang puso't isipan? Lalo na't pin...