Kabanata 31

1K 34 0
                                    


Everything went dark. Wala ng maalala si Ren dahil sa biglaang sumakit ang kanyang ulo at nahilo.

Perhaps, it's because of the liquor that runs into her body through her head. Nagising na lang siya sa isang malambot na kama. Napakusot siya sa kanyang mga mata.

Napalinga siya at nakita niya ang kanyang mga bagahe na nakalapag sa sahig. Lahat ng iyong ay parang nakaayos na. Tama ngayon pala ang uwi nila pabalik ng Maynila.

Lumabas ang kanyang ate sa banyo na nagpupunas ng kamay.

"Gising ka na pala."

"Ate, ano bang nangyari kagabi? Hindi ko na kasi matandaan." Ani niya na napahawak sa kanyang ulo dahil sa sakit.

"Wala naman'g nangyaring di maganda. Nahilo ka lang yun lang at si Paul ang nagdala sayo rito."pasimpleng sabi pa nito.

"Ganoon ba. Sure ka ha wala akong ginawang katangahan o kabaliwan?" Paninigurado pa niya sa kapatid habang nagsasalin ito ng tubig sa baso.

"Uhmm... oo meron pala. Ang sabi niya umutot ka raw habang binubuhat ka niya." Seryosong ani pa nito.

"Ano!??! Sigurado ka ate? Nakakahiya." Nabulaslas niyang ani.

"Nakakahiya nga talaga kaya wag mo ng isipin yun. O ito ang gamot inumin mo para mawala ang sakit ng ulo mo."ani nito sabay bigay sa kanya ng basang tubig at gamot.

Hindi siya mapakali sa sinabi ng kanyang ate. Ininom niya ang gamot at bumangon na para maligo. Habang naliligo siya hindi niya lubos maisip kung ano ang magiging reaksyon ng binata.

Talagang nakakahiya, siya pa ang tinulungan at binuhat inututan pa niya. Pinagpatuloy niya ang kanyang pagligo hanggang sa natapos siya.

Pagkalabas niya ng banyo ay wala na ang kanyang kapatid pati narin ang kanyang bagahe. Tanging isang damit lang na nakalapag sa higaan niya ang naiwan at ang kanyang personal bag ang naroon.

Ngayon lang niya nakita ang damit na yun. Maganda ito at simple lang ang tabas. Bagay na bagay sa kanya ang damit na yun. Talagang sinusurpresa siya ng kanyang ate sa mga bagay na alam nitong lihim niyang ikatutuwa.

Inayos niya ang kanyang sarili at isinuot ang damit. Kulay dalandan iyon at bulaklakin ang disenyo na kulay dilaw. May tali rin ito sa gitna para mas humulma ang kanyang katawan.

Messy pa ang kanyang buhok kaya naman kinuha niya ang suklay sa kanyang bag.

Pagbukas niya nakita niya ang card na ibinigay sa kanya ni Camille. Na hindi pa niya nababasa. Kinuha niya yun kasama ang kanyang suklay.

Binuksan niya ang envelope ng card. It's you. She's wondering, kung sino ba ang magbibigay sa kanya ng isang card gayon nama'y hindi naman sila masyadong kilala.

Dearest Sunshine,

How are you? Shine, I know that your mad at me. That you don't want to see me. And I know deep down in my heart that you don't love me. I'm really sorry if I'm acting an idiot since the day you met me. I know how wrong it is. And how I terribly hurt you.

But through this letter I just want to tell you that I am very sorry and just to let you know that I am here, willing to wait through the ends of the earth. I will wait for you until you change your mind. For you are the only one that I've been waiting for... I love you so much and I hope you will forgive me...

Iyon lang ang mensaheng nasa card. Ni walang nakasulat kung saan ito galing. Paanong nangyari na magiging para sa kanya iyong sulat eh. Naka-address pala sa ibang tao. Inisip niya na marahil nagkamali lang ng pagbigay.

Kahit na natamaan siya ng mga katagang naroon. Ganunpaman hindi iyon para sa kanya. Ibinalik niya ang sulat sa kanyang bag at ipinagpatuloy ang pagsuklay sa kanyang buhok.

Pangarap Ko Ang Ibigin Ka (MS2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon