Malapit na kaming lumapag galing himpapawid. Ilang sandali nalang ay bababa na kami at magiging abala na naman kami.
"Welcome to Caticlan Airport. Thank you for riding with us and hope you'll enjoy!" tumayo na ang lahat ng pasahero habang kinukuha ang kanilang mga hand bags.
"Where's your bag?" Anas pa niya. Napaangat ako ng tingin sa kanya.
"Ako na ang kukuha."usal ko.
"I said, where is your bag?" Ulit niyang sabi. Napanguso na lang ako.
"Color black. Ahh, hija wala ka bang dalang bag?" Baling ko kay Sam.
"Ah wala po nasa tita ko po yung gamit ko." Ngumiti siya. Imbes na ibigay niya sakin ang bag ko ay binitbit niya ito at naunang lumakad. Nang-iiwan siya ha na parang walang kasama ang taong toh!
Bakit kaya ang hirap intindihin ng mga lalaki. Ni hindi mo alam kung ano ang tumatakbo sa isipan nila. Kung pwede lang sapakin ko ang taong yun ay ginawa ko na. Maliban sa kurot ha.
Ayon ang kumag, akala mo naman ay bag niya yung dala dala niya. Tss!!! Nang mahagilap ko siyang pababa na ng eroplano.
"Hija, mauna ka na." Ani ko sa bata.
"Sige po ate, kita kits na lang po sa Boracay." At isa isang bumaba na ang mga pasahero. Hinanap ko sa Carlo subalit hindi ko na siya nakita pa. Panghuli kasi akong bumaba dahil sa ang bagal kong kumilos.
Paano ba naman kasi alangan naman'g banggain ko yung taong nauna sakin diba?.
Nang nakita ko na ang lahat, ay sa laking gulat ko na ako nalang pala ang iniintay nila.
"Hija, ba't ang tagal mo?" Takang tanong pa ni tita.
"Eh, kasi po." Hindi ko alam ang idadahilan ko sa kanya.
"Kasi po nasa huli po kasi ako." Mahinang sabi ko na napayuko.
"O siya, Enrico kompleto na ba ang lahat?" Tinaas naman ni Enrico ang kanyang leeg na para giraffe.
"Yes miss. Kompletong kompleto na po."
Lumapit siya sakin at binigay niya ang isa kong bag.
"Salamat."
"No problem." Pormal niyang sagot.
Nagtungo kami sa baggage claim area. Kinuha ko ang isa ko pang bagahe.
Nagsimula na kaming umalis roon sa airport. Medyo may kabigatan ang maleta ko kaya naman nahuhuli talaga ako sa kanila.Tumigil ako sa paglakad para humagilap ng hininga. Nang may humilang bigla sa aking maleta. Kaya't napalingon ako.
"I don't get you girls in travelling. Your fond in packing your bags with heavy things instead of important things only." Iritadong ani niya sakin.
"Kung gusto mong tumulong wag kang magrereklamo! Mas mabuti pang bitawan mo yang maleta ko kung dada ka ng dada dyan! Tabi!" Singhal ko sa kanya sabay hablot ko sa aking bagahe.
Akala ko madadaig siya sa singhal ko kundi ako pa ata ang nadaig sa matulis niyang titig na para bang ako pa ang may kasalanan.
"Hands off, Ren. As if you can deal with this. Halos madapa ka na sa kakahila nitong bag mo." Umirap siya at tinalikuran pa ako.
Aba! Ang loko!
"Hoy Carlo! Kinakausap pa kita huwag mo kung talikuran!" Mahinang sigaw ko sa kanya. Subalit bingi ata ang kumag na to at dire-diretso lang ang lakad.
Nasa labas na kaming lahat. Obviously, huli na naman ako.
"Hija, tayo na nasa loob na ang mga bagahe mo. Magpasalamat ka kay Carlo." Tinaasan ko siya ng kilay.
BINABASA MO ANG
Pangarap Ko Ang Ibigin Ka (MS2)
RomanceIsang nagngangalang Carlo ang bumihag sa puso't isipan ni Glaiza Rain Medel. Ngunit sa isang di sinasadyang pangyayari ay nakita niya ang totoong ugali nito. Paano niya iiwasan ang binatang minsan ng umangkin sa kanyang puso't isipan? Lalo na't pin...