Kabanata 38

984 28 3
                                    


Nang natapos na ang kanyang buhok. Mukha naman niya ang sinunod nito. Pero bago siya nito nilagyan ng kolorete sa mukha. Nag-apply muna siya ng J.One Jelly Pack niya.

Hindi naman siya napansin nito dahil sa may katext ito cellphone. Habang siya naman ay patuloy sa kanyang routine.

Ganun siya bago maglagay ng make-up. Dahil hindi niya kakayanin kapag wala yun. Pakiramdam niya kasi ang dry ng skin niya kapag wala ang serum na yun.

"Is that J.One Jelly Pack?" Puna nito sa kanya. Nang mapansin ang bote ng kanyang ginamit.

"Uh-uhm.. mas gusto ko kasi mag-apply nito bago maglagay ng make-up."

"Si Ha Ji Won ang endorser niyan diba?"

"Oo, last year pa ito nai-launch. Kaya nga nung nakita ko ito sa youtube. Agad akong umorder through online." Napangiting sabi niya rito.

"Marami nga rin'g nagsasabi na maganda daw yan sa balat. Nung nag-youtube ako kamakailan lang para maghanap ng mga beauty tips. Grabe ang daming comments talaga."

"Ganoon ba, pero hindi ka bumili?"

"Nope, and now I've seen one and looks like it was nice to use. Then perhaps I should try it." Ngumiti ito at bahagyang lumapit sa kanya.

Nagsimula na itong maglagay sa kanya ng make-up. Ciarra's hand was light and expert. Pansin niyang alam na alam nito ang ginagawa.

The way she chooses some color combination. Na para umangkop sa suot niyang cerelean blue dress. Ay alam nito kung anong kulay ang dapat na ilagay sa kanyang mga mata. Excited na excited na siyang makita ang gawa nito. But she's just patiently waiting for Ciarra's go signal.

Iba kasi nung nasa Bora sila. Light make-up lang ang ginawa niya roon. Kung meron man'g heavy make-ups ay binabawasan niya iyon.

Ilang sandali ay idinilat niya ang kanyang mga mata. Laking gulat niya dahil naninibago siya sa kanyang mukha. She transform into something. Yeah right! There are some artist na marunong mag-transform kahit sa pagmemake-up lang.

She didn't expect that this girl can do it. Ano bang trabaho nito bakit marunong na marunong?

"We're not done yet. You know what, I really loved doing this stuff grabe." Ani nito habang nilalagayan siya ng liquid eye liner.

"Bakit? Ano pala ang trabaho mo Cha?"

"Naku speaking of work, ayaw kong pag-usapan. Natetensyon ako Ren kahit na desire mo ang ganung trabaho at masaya ka. But still your not totally happy coz your parents want something else for you."

Nakuwestiyon siya sa sinabi nito. Sa tingin niya naman ay hindi masama ang trabaho nito. She thinks that Ciarra's work can make bigger digits. And that's her insight.

"Ano pala ang trabaho mo?" Hindi niya mapigilang magtanong ulit.

"Actually I work at a fashion magazine. Lahat ng bagay pinag-uusapan doon. Clothes, shoes, bags, everything. As long as the editor likes your work. Then that's definitely good. But my parents wants me to run our business company like my brothers do." Dama niya ang hinagpis nito.

"Bakit daw? Hindi ba nila gusto ang ginagawa mo?"

"Gusto naman nila, kaso lang iba raw kasi kapag mayroon'g consistent na mamamahala sa kompanya. Lagi kasing busy ang mga kapatid ko sa ibang bagay. Kaya nga, dapat raw talaga may humalili kapag wala sila."

"Kaya pala." Sambit niya habang nagpatuloy sa ginagawa. Naging isa siyang diyosa sa kanyang ayos.

"Wow... Ren, sino ba naman ang hindi mabibighani sa ganda mong yan." Nasa tinig nito ang pagkamangha. Kaya bahagya siyang napangiti.

Pangarap Ko Ang Ibigin Ka (MS2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon