Chapter 10

101 4 0
                                    

At doon nagsimula ang lahat. Isang buwan na mula noong hinatid ako ni Nico sa bahay. Baka daw kasi mapano pa ko kaya hinatid na lang niya ako.

Magmula noon, sinusundo na ako ni Nico paminsan minsan at hinahatid rin. Nakakailang na nga eeh.

Nandito na naman kami sa Jhelin's at kasalukuyang kumakain ng coffee fruity.

"Nico."

"Hmmm?" Sagot niya sakin ng di tumitingin kasi busy siya sa paghigop ng kanyang American Coffee.

"Bakit mo ko napagtiyatiyagaang ihatid at sunduin? Eh may driver naman ako."

Hindi siya agad nakasagot. "Kasi nga.. ano... baka... ano ba yan. Ang dami mong tanong. Kumain ka na nga lang."

"Sungit mo naman! Parang nagtanong lang ako ng maayos!" Singhal ko sa kanya.

"Eh kasi. Gusto ko lang na nakikita kang safe. Tsaka,bestfriend na kita di ba?"

"Gusto mo? Di ba ang lunatic ko?"

"Siyempre. Nga pala, inendorse ka ni Sir Sanchez bilang Head ng Production sa BMSA. Gusto mo ba? Kasi tatakbo ako ulit bilang president ng org. Line up kana lang sakin." Anunsiyo niya sa akin.

"Anong alam ko diyan? Tsaka bago lang ako dito. Iba na lang."

"Ano ba naman ang bestfriend ko! Sige na. Andun naman ako eeh."

"Anong gagawin ko dun? Mas gusto pa sa creativity kung tutuusin."

"Sa Production na lang. Magaling ka naman eeh."

"Wala. Ayoko."

"Sige na. May tiwala ako sa yo."

"Maiba tayo, crush ka ba ni Mel?"

Bahagyang natawa si Nico. "Bakit mo natanong?"

"Halata kaya! Tsaka parang ang sama ng tingin sakin minsan pag kasama kitang kumakain sa lunch. Ikaw kasi eh. Ayaw mong isabay sila Henric at Shaney."

"Ayoko nga sa kanila. Di ako komportable. Tsaka ang sama makatingin sayo nung Henric na yun!"

"Ano? Hindi naman. Nagpahatid na naman ng bulaklak iyon sa akin kahapon. Nakakinis! Mukhang punerarya na ang sala namin!"

"Eh bat mo kasi tinatanggap!"

"Sayang naman no! Nakakaganda kaya ang mapadalhan ng bulaklak."

"Sige hayaan mo. Tataniman ko ng nga bulaklak ang bakuran mo para araw araw maganda kana!" Aba loko to aah.

Si Henric kasi ay kaklase ko at kaibigan ko rin. Kaya lang may gusto pala sakin pero nilinaw ko naman na hindi ako maaring makapag-boyfriend ngayon.

"Ang sabi ko bigyan! Hindi ipagtanim! Naku ikaw ah! Di ka marunong umintindi!"

"Eh di ipagha-harvest kita doon at pambalot na lang bibilhin ko! Don't you like that? Fresh from the farm!" Pektusan ko na kaya to eeh.

"Diyan kana nga! Huwag mo kong ihahatid! Maawa ka kay Manong Berns! Mawawalan siya ng trabaho dahil sa iyo!" I was about to leave pero pinigilan niya ako.

"What?!!"

"Pasyal naman ako sa inyo ulit. Okay lang?" Paawa pa naman to eeh! Isa sa mga katangiang ayaw ko sa kanya.

"Anong gagawin mo dun?!" Iritadong sagot ko sa kanya.

"Manonood ng DVD. Namiss kita eeh. Sorry na bestfriend. Huwag ka nang magtampo." Hinila niya ako para maupo ulit.

"Anong papanoorin natin? Wala na akong DVD sa bahay."

"Meron ako. Daanan natin sa bahay. Is it okay?"

My Baby's Dad is My Bestfriend?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon