Nasa labas na kami nang airport upang ihatid si Dustin. Mabigat ang loob naming pareho na magkahiwalay ulit pero kailangan. Ang bilis nang isang linggo parang isang araw lang.
"Bye Ally. I love you My Gorgeous Girl!" Sabi niya sabay yakap sa akin.
"No. Until we meet again. I'll be home soon. I love you too Dust." Sabi ko at niyakap siya. Nababakas ang kalungkutan sa aming dalawa ngunit pilit naming pinapatibay ang aming sarili.
Maya maya pa ay kumalas na siya sa aming yakapan at kinuha ang kanyang maleta at bag. Hindi na niya ako nilingon pa nang pumasok siya sa airport. Nung may kalayuan na siya ay bigla siyang tumigil at humarap sa akin. Kumaway lang siya at kinawayan ko rin siya pabalik. Hanggang sa magpatuloy na siya sa paglalakad niya at maglaho sa aking paningin.
Huminga muna ako nang malalim bago ako maglakad pabalik nang kotse.
So this is life again! Facing it everyday, alone!
Sumakay na ako nang kotse at umuwing bahay. Magpapahinga muna ako pag sinipag akong pumasok, papasok ako sa 2:30 class ko. Pero pag hindi tulog na lang ako.
Pagkadating ko nang bahay ay nakita ko ang laptop sa sala. Kaya in-on ko iyon. Nakita ko ang picture namin ni Dust sa screen. Iniwan niya pala ang laptop niya sa akin.
Naglog-in ako nang facebook. Kasi simula nung andito siya hindi muna ako nag-open. Sasabihin ko lang kila Mommy na umuwi na si Dust.
Pagkasabi ko nun ay naglog-out na rin ako at umakyat para matulog muli. Saktong pagpikit ko ay siyang ring naman nang cellphone ko.
Inis ko iyong kinuha sa ilalim nang aking unan at swinipe ang screen.
"Hello? Sino to?!" May inis kong sabi.
"Hello Sister! Si Leo to. Call me Lea!" Masayang sagot nito.
"Hah? Leo? Sinong Leo?"
"Leo. The one and only Leon Queen of BMSA-I!"
"Aahh."
"Sister ano ka ba! Si Leo to yung classmate mong shuding!"
"Aah. Ikaw pala Leonardo Marasigan Jr."
"Gaga! Huwag mo naman na sabihin pa yang buo kong pangalan! Ang baho sa pandinig!"
"Sorry naman. Ano iyon? Bakit ka napatawag?"
"Ah ano kasi. Si Shaney, pinakiusapan kami na sa amin kana daw grumupo sa Management Project natin."
"Hala. Okay lang ba?"
"Oo naman. Hindi ka ba papasok ngayon? Pag-uusapan sana natin iyong project."
"Ngayon na ba? Pwede mamaya na lang? Kulang kasi akong tulog."
"Hmmm. Sige mayang 2:30 na! Yung boylet mo palang gwaping umuwi na. Sige na sisterakas. Churlog kana! Bye." Sabi niya at pinatay na ang tawag.
All this time, hindi pala ako nalilimutan ni Shaney. Matext nga siya.
To: Shaney
"Hi Shaney. Salamat ha? Hindi mo ko nalilimutan. Loveyou!"
Maya maya pa ay sumagot naman siya.
From: Shaney
"Naku wala iyon. Pasensya na ha hindi kita masamahan. Ayaw ko na sana kila Pia kaso baka ikaw ang pag-isipan nang masama kapag sumama ako sa iyo. Kaya nagtitiis na lang ako. Loveyoutoo."
Hindi ko na siya sinagot pa. Bumalik na lang ako sa pagtulog at nag-alarm nang 1:30.
****
"SO GANITO!" Pagsisimula ni Leo sa discussion namin.
BINABASA MO ANG
My Baby's Dad is My Bestfriend?!
RomantizmONE night can change everything INSTANTLY. Enjoy! ♡Zackey