Chapter 27

68 7 0
                                    

(Play First Dance by Justin Bieber while reading this Part)

Nagdadalawang isip ako ngunit tila may sariling isip ang aking mga kamay. Namalayan ko na lang na inaabot ko ang kamay ko sa nakalahad na kamay ni Nico.

Bigla na lamang tumugtuog ang isang sweet music. Sa tantiya ko, First Dance ang kantang iyon na inawit ni Justin Bieber. Ang bilis ng mga pangyayari. Ni hindi ko na nga namalayan na nasa gitna na pala kami ng dancefloor ni Nico. Dahan dahang pumapatong ang mga kamay ko sa kanyang balikat at humawak naman siya sa aking bewang. Nanatili lang kaming tahimik habang sumsayaw. Dala ng 6 inches kong heels ay halos magpakapantay na lang kami ng 6'1" niyang height kaya naman pinili ko na lang yumuko. Kung hindi naman ay ginagala ko ang aking paningin. Malamig naman pero ewan. Pinagpapawisan ako sa kamay at noo. Natetense ako. Oo! Imagine? Kasayaw mo ang taong umiwan sa iyo ng walang sapat na dahilan at hindi mo alam kung bakit? Paano mo pakikisamahan ang ganung sitwasyon di ba? Punong puno ang isip mo ng mga katanungan habang nag-iisa kang humahanap ng mga kasagutan.

Siguro isa ito sa mga pinakamabagal na takbo ng buhay ko. Sana matapos na ang kanta! Sana lamunin na ako ng lupa! Nahihiya ako, natetense, naiinis! Lahat na naroon! Ewan ko kung feeling ko lang to pero parang nakatitig sa akin si Nico.

Napunta ang tingin ko sa gawi nila Henric. Si Pia lang at Shaney ang naroon. Asan kaya ang lalakeng to? Napansin ko naman si Mel na nakaupo at nagpupunas ng tissue sa mata. Umiiyak kaya siya? Nagseselos ba siya sa akin? Akala ko ba okay lang sa kanya? Iyon ang sabi sa akin ni Nico nun di ba?

Habang patuloy kaming sumasayaw ni Nico ay mas lalong lumalakas ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Ang dami kong gustong tanungin ngunit hindi ko alam ang tamang salitang sasabihin. Di ko alam kung saan ako magsisimula!

Gusto kong tanungin kung ano ba talaga ang problema. Kasi habang patuloy ang pag-iwas niya sakin mas lalo akong nalulunod sa mga katanungang naghahanap ng mga kasagutan at mga kasagutang nangangailangan ng sapat na dahilan.

Inangat ko ang aking paningin upang silipin lang sana si Nico kong ano ang reaksyon sa kanyang mukha. Ngunit di ko inasahang nakatitig pala siya sa akin. Nagtama ang aming paningin. Ang mga mata niya. Nagsasabi ng ibat ibang emosyon. Parang nung tumititig si Dustin sa akin nung muli kaming magkita. Pero di gaya ni Dust, si Nico mababasa mo kung ano ang sinasabi ng kanyang mga mata. Ramdam kong marami rin siyang gustong sabihin. But unfortunately, he's also mute by the words inside. Ako na ang unang bumitaw sa titigan namin. Nagnanakawan lang kami ng tingin ni Nico habang nagsasayaw. Wala pa ring nagsasalita sa amin kahit ang dami naming gustong sabihin sa isat isa.

We are surrounded by a quiet atmosphere with an ambiance of unbreakable silence.

Bigla na lamang akong tumigil sa pagsayaw. Nagulat ang lahat maski si Nico. Pati rin ako nagulat sa inasta ko. Pero iyon ang tama. Ayokong may nasasaktan akong iba. Babae ako at alam ko ang pakiramdam ng kapwa ko babae.

"It's not right." Tangi kong sabi at hinawakan si Nico sa braso.

Bakas ang pagtataka sa mukha ni Nico ngunit pinili ko iyong balewalain. Hinila ko siya papunta sa table kung saan sila nakaupo ni Mel.

"Go ask her for a dance. Dance with her." I told him nang makarating kami sa table nila bago ako umalis. Umiiyak nga si Mel. Yung mga ibang estudyanteng nakaupo malapit sa table nila ay nagbubulungan at nagtataka.

Hinanap ko si Henric. Asan kaya ang taong to. Isasayaw ko pa naman sana. Dumeretso ako sa table namin at nagulat ang dalawang pusang ligaw na to pagkadating ko.

"Where's Henric?" Tanong ko.

"Ewan ko. Di ba magkasama kayo." Sagot ni Shaney.

"Iniwan ko siya sa gilid ng stage ewan ko kung saan na siya napunta." Nayayamot ko ng sabi.

My Baby's Dad is My Bestfriend?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon