"Mag-iingat ka palagi. Natawagan ko na si Manong Berns. Im sorry Princess pero hindi na kita mahahatid sundo pa." Pahayag ni Nico habang nasa labas kami ng hospital.
"Ah. Okay. Salamat. Ipapadala ko na lang ang bayad." Pilit kong tinapangan ang sarili ko habang kinakausap ko siya. Sa totoo lang nalulungkot ako sa kung paano siya makitungo sa akin.
"No. Okay na iyon. Hindi kita sinisingil." Seryoso niyang sabi.
"Nico may problema ba tayo? Kasi... simula nung.. nung umuwi ako.... kahit na nung nandoon ako sa Montana.... hi--hindi mo na ko masyadong pinapansin eeh." Hindi ko na namalayang umiiyak na pala ako sa harapan niya. Nanatili lang naman siyang nakayuko at umiiwas ng tingin sa akin.
"Hindi ko alam.... ba--bakit ako nasasaktan kung bakit ganito mo ako itrato." Nauutal na ko dahil sa kakaiyak. Pero siya. Ayun! Walang reaksyon.
"Ally. Sorry." Nanatili pa rin siyang nakayuko. "Pero sana maintindihan mo ako."
"Paano kita maiintindihan? Kung hindi ko naman alam ang dahilan?! Akala ko sanay na ako sa ganito. Yung iniiwan at iniiwasan ako. Pero hindi eeh. Mas masakit pala. Mas mabuti pala iyong ikaw ang mang-iwan kesa ikaw ang iwanan. Pero kung iyan ang gusto mo. Wala na akong magagawa pa Nico. Magpakasaya kana lang salamat sa lahat." Iyon lang ang sinabi ko at umalis na ako. Masyado nang masakit sa akin ang mga nangyayari. Kaya tama na. Sakto namang dating ni Kuya Berns kaya umalis na ko kaagad. Hindi ko na siya nilingon pa. Iyan ba ang tinatawag niyang bestfriend? Yung nang-iiwan ng walang dahilan? Well. Okay. Hindi naman ako iniwan nila Henric eh.
It's difficult to walk away again. But. Ito na iyon eh. Gusto niya to di ba? He asked for this. I am just granting his wish.
****
NICO'S P.O.V"Ano tong mga nalalaman ko Nico?! Ano ba talagang meron kayo ni Alleia Sandoval?!" Bulyaw ni Melissa sa akin habang nag-aayos ako ng mga papeles.
"Na ano ba yan Mel?! Umagang umaga! Susugod ka dito tsaka ka manggugulo?! Ano ka ba naman!"
"Narinig ko sila Paul na nag-uusap! Nung gabing nag-inuman kayo sa pub, napadami ka daw ng inom dahil sa kakaisip kay Alleia! Ano na bang nangyayari sa iyo Nico?! Paano mo nagawa sa akin to!"
"Ano bang gusto mong mangyari hah?!"
"Anong gusto ko?! Iwanan mo siya! Mababaliw ako Nico at baka kung ano pang magawa ko kapag nalaman kong niloloko mo ko!"
"Huwag mong idadamay si Ally dito!" Hindi ko na namalayang naibato ko na ang mga hawak kong papeles at nahampas ang kahoy na lamesa.
"Pwes umayos ka! Hindi mo alam ang kaya kong gawin Nico! Mabait ako kung mabait ako pero ayokong natatarantado ako!"
"Sir? Sir? Excuse me po? Sir?" Sa kakaisip ko sa mga nangyari nung wala pa si Ally dito ay di ko na namalayang may kumakausap pala sa akin.
"Ako po ba manong?"
"Opo. Kanina ko pa po kayo tinatawag. Tulala po kasi kayo. Itatanong ko lang po sana kung sainyo po iyong bag na iyon." Tinuro niya ang isang bag na pamilyar sa akin. Isa siyang brown messenger bag.
"Ah. Opo. Kilala ko po may-ari niyan. Salamat po."
"Nakita ko po kasing nahulog nung babaeng umiiyak kanina habang nagmamadaling sumakay sa kotse. Naaalala ko po kayo yung huling kasama. Sige po Sir. Maiwan ko na po kayo." Pagpapaalam ng hospital guard sa akin.
I froze to where I am as I watch the girl I love walk away with tears. It's painful on my part na iwasan siya lalo na matagal siyang nawala.
Eh kasi naman! Walang preno sa bunganga si Paul. Ayun! Nalaman tuloy ni Mel ng wala sa oras at sinugod ako sa office.
BINABASA MO ANG
My Baby's Dad is My Bestfriend?!
RomanceONE night can change everything INSTANTLY. Enjoy! ♡Zackey