Chapter 32

49 2 0
                                    

"Ano kaya pa?" Tanong ni Howard sa akin habang kumakain kami.

Nilingon ako ni Ally kanina kaya lang nagtitigan lang kami. Wala man lang ni isang mapait na ngiti. Parang may mali sa kanya ngayon?

"Okay lang ako Gago!" Sita ko dito.

"Paalis na sila oh." Sabi niya ulit.

"Wala akong pake!" Inis kong sabi.

Maya maya pa ay umalis na sila Ally at Dustin. Lihim ko silang sinundan ng tingin. Nakita kong inakbayan ni Dustin si Ally habang papalabas sila. Wala pala silang dalang sasakyan kaya namataan ko silang nag-aabang ng taxi.

"Aray Ward! Aray!" Drama ko kay Howard habang hawak hawak ko ang aking dibdib sa may bandang puso ko at tinawanan lang ako ng gago.

"Leche nito! Drama mo hah!" Sabi niya sabay tawa.

"Tara uwi na tayo. Wala na akong pera." Aya ko kay Howard.

"Saan mo ba kasi ginasta pera mo?" Pagtatanong naman niya.

"Ehhh! Di ba nga?! Nung ano. Naglunod ako sa kape! Bwisit! Ang sakit ng tiyan ko nun! Hanggang alas kwatro yata gising ako!" May inis kong sabi.

"Aah yun ba?"

"Tapos binilhan ko pa si Mel nang breakfast kinaumagahan sa McDo!" Pagrereklamo ko pa rin.

"Ano pa?" Tanong nito kaya nilingon ko siya. Ang gago nagsusulat pala! Kaya naman hinablot ko yung papel.

"Gago ano to?!" Sabay basa ko sa papel. "ALLOWANCE NI NICO: -KAPE, -LIBRE KAY MEL!" Pagbabasa ko sa sulat niya. "Gago ano to?!" Inis kong sabi ulit.

"Nagkukuwenta lang ako. Tapos isusumbong ko kay Tita na winawaldas mo pera mo!" Sarkastiko niyang sabi kaya naman sinuntok ko siya ng marahan sa balikat.

"Huwag ka nga! Kung ano ano sinasabi mo lokorets ka!" Bwisit nito!" Singhal ko.

"Uwi na tayo. Ubos na pagkain ko. Hatid mo ko hah?" Sabi niya sabay tawa.

Napailing na lang ako at hinigop na ang natitirang frappe ko tsaka ako naglakad palabas.

Puro lang kami barahan ni Howard habang nasa daan. Nung mahatid ko siya ay umuwi na ako. Sakto pagkauwi ko may goodnews si Manang Cynthia!

"Nicolet! May goodnews ako!" Salubong nito sa akin.

"Talaga Manang? Ano naman?" Excited kong sagot.

"May padala na ang Mommy mo! Tumaas na daw kasi ang suweldo ng Ate mo at may sideline ang Mommy mo kaya naman tumaas din ang padala niya." Masaya niyang sambit sa akin.

"Talaga Manang?" Malapad na ngiti kong sagot.

"Oo! Head Nurse na ang Ate Elle mo!" Masaya niyang pahayag.

"Talaga? Natupad na rin ang pangarap ni Ate?" Di ko makapaniwalang pahayag.

Napakasaya ko! Kasi kahit lumaki kami ni Ate Elle na walang ama, unti unti naming naaabot ang aming mga pangarap. Simula kasi nung iwan kami nang Tatay naming briton ay napilitang lumayo si Mommy para maitaguyod kami.

Nasa London sila. Dun sa lugar nang magaling kong ama. Apat na taong gulang lang ako nung maglaho siya samantalang 10 taon naman si Ate noon. Iyon ang first heartbreak ni Ate kaya hanggang ngayon ay wala pang boyfriend. Matalino din si Ate. Higit na matalino kesa sa akin. Kaya no doubt na napromote siya.

"Manang akyat lang ako tatawagan ko sila." Pagpapaalam mo kay Manang at umakyat na nang kwarto ko.

Pagkarating ko doon ay agad akong naglog-in sa facebook. Sayang hindi online si Ate babatiin ko pa mandin sana siya. Pero may message si Mommy.

My Baby's Dad is My Bestfriend?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon